Tuesday, August 9, 2016

BUHOK Ni: Camille S. Bustamante

BUHOK
Ni: Camille S. Bustamante
Maraming uri ang buhok ng tao
Kulot, tuwid at iba pang estilo
May pinapatayo para mukhang rakista
May nakabagsak para daw mukhang artista
Sabe ng iba
Kapag ikaw daw ay maraming problema
Malaki daw ang tiyansa na makakalbo ka
Para sa akin hindi ba pwedeng ito ay nasa lahi na
Maraming kanya kanyang porm
Na nagpapakita ng sarili mong sistema
Maipapakita rin nito ang iyong personalidad
Ganun si ang iyong ugali at kalidad
Nagagamit ito bilang pamporma
May maiiksi nito at mahahaba
Ang emosyon ng tao dito minsan nakikita
Pati ang kaayusan at kaguluhan ng taong ito ay pwede mong makita.

HANGIN Ni: Camille S. Bustamante

HANGIN
Ni: Camille S. Bustamante
ito ay nararamdaman natin
Hindi nakikita pero nasa paligid natin
Importanteng bagay sa mundo
Kailangan upang mabuhay ang lahat hindi lamang tao
dahil sa usok na dulot sa natin
Hindi na ligtas ang nalalanghap na hangin
Sa sobrang dumi na ng bayan natin
Dumadami narin ang mga sakitin
Hindi ito maipagkakait ninuman sa atin
Libre ito wag sana nating abusuhin
Dito nakasalalay ang kalusugan natin
Sa issang saglit na wala ito ay maaaring ikamatay natin
Buti pa ang hangin nadarama natin
Kahit na inaabuso at di pinapansin
Mas mamahalin mo ba ang kasintahan mong walang pakiramdam?
Kqysa sa hangin na bukod sa mahalaga ay lage mong ramdam

Tukso ni Francis Rafael M. Rosales

Tukso
ni Francis Rafael M. Rosales
Tukso, oh tukso
Sa tuwing nakikita kita
Ako ay lumalayo
Di ko kaya ang iyong lakas
Tukso, oh tukso
Madalas kitang maramdaman
Sa umaga hanggang gabi
Hindi kita maiwasan oh, tukso
Tukso, oh tukso
Kay hirap mong layuan
Pakiusap, layuan mo ako
Tukso, oh tukso hindi ko kaya
Tukso, oh tukso
Hindi ko kaya
Ang iyong lakas
Pilit ko man tanggihan
Tukso, oh tukso
Pilit ko man tanggihan
Ayaw parin ako lubayan
Paano kita mapapalayo oh, tukso

Utak ni Francis Rafael M. Rosales

Utak
ni Francis Rafael M. Rosales
Utak kong mahusay
Bigyan mo ako ng lakas
Upang matapos ito
Kailangan kita oh, utak ko
Utak, oh utak pakiuasap
Tulungan mo ako magi sip
Bigyan mo ako ng onting talino
Pagkat ako ay nagkukulang
Aking utak na mahusay
Bigyan mo ako ng kahusayan
Para matapos itong gawain
Utak ko, oh utak ko
Utak ko, ako ay nangangailangan
Pagkat ako ay napigang lubusan
Nakikiusap ako, oh aking utak
Biyayaan mo ako ng talino
Utak ko, oh utak ko
Sobrang saya ko sa iyo
Dahil sa iyo, ako ay humusay
Humusay, ngunit walang talino

Mga parte ni Francis Rafael M. Rosales

Mga parte
ni Francis Rafael M. Rosales
Ako may sampung daliri
Kaliwang kamay at kanan
Mayroon din sa paa
Kaliwa rin at kanan
Ako ay may tainga
Kaliwang bahagi at kanan
Ako ay nakakarinig gamit ito
Salamat tainga sa iyong pakikinig
Ako ay may dila na kay lambot
Maliit man ito sa iyong paningin
Makamandag naman ang salita
Salamat dila sa pakikipagusap
Ako ay may mga mata
Mayroon sa kaliwa at sa kanan
Marami ako nakikita gamit ito
Salamat aking mga mata
Ako ay may ilong na nag iisa
Mayroon siyang dalawang butas
Marami I akong maamoy dahil sakanya
Salamat sa pang aamoy aking ilong

Aking bunsong kapatid ni Francis Rafael M. Rosales

Aking bunsong kapatid
ni Francis Rafael M. Rosales
Aking bunsong kapatid
Kahit makulit ka paminsan
Ako ay natutuwa parin
Salamat sa iyong kakulitan
Aking bunsong kapatid
Patawad kung minsan galit
Dahil ito sa aking kapaguran
Salamat sa iyong pagintindi
Aking bunsong kapatid
Salamat sa iyong suporta
Ipinagmamalaki kita sakanila
Ikaw ang nagpapasaya sa amin
Aking bunsong kapatid
Malayo man ako paminsan
Ay susuportahan parin kita
Salamat sa iyong pag aalala
Aking bunsong kapatid
Mahalaga ka sa parte ng pamilya
Ikaw ang nagpapasaya sa amin
Salamat aking bunsong kapatid

Aking nakatatandang kapatid ni Francis Rafael M. Rosales

Aking nakatatandang kapatid 
ni Francis Rafael M. Rosales
Aking nakatatandang kapatid
Patawad sa aking pagkapasaway
Alam kong pagod ka sa iyong trabaho
Salamat sa pag aaruga sa amin
Aking nakatatandang kapatid
Salamat sa iyong suporta
Malaki ang naitutulong nito
Wag ka na mag alala aking kapatid
Aking nakatatandang kapatid
Salamat sa pagmamalaki mo sa akin
Ipinagmamalaki rin kita bilang kapatid
Masaya ako at ikaw ang aking kapatid
Aking nakatatandang kapatid
Malayo ka man sa aming tabi
Lagi ka naman nakasuporta
Salamat sa iyong pag aalala
Aking nakatatandang kapatid
Salamat sa iyong mga nagawa
Dahil sa iyo ako ay nakapag aral
Malaki ang aming pasasalamat