Tuesday, August 9, 2016

Pango ni Kharryza Puerto Pabalan

Pango
Akala ko naman ito’y totoo na
Na kaibigan kita hanggang pagtanda
Pero tulad ka din naman pala nila
Puro pangako, 'di naman ginagawa
Hindi ba sabi mo walang magbabago?
Hindi ba sabi mo habangbuhay tayo?
Anong nangyari sa mga pangako mo?
Hindi na natupad, bigla kang naglaho
Dahil ba nakahanap ka na ng iba?
Kaya ating usapan, iyong binura?
Kinalimutan lahat ng aala-ala
Itinapon nalang ng parang basura
Pakiramdam ko ay napakamalas ko
Ang mga kaibigan, iniiwan ako
Lagi naman akong and’yan para sa’yo
Ngunit bakit kinalimutan mo ako?
Bakit ba parang andali mo mang-iwan?
Dahil ba hindi naman ako kawalan?
Andami dami mo kasing kaibigan
‘di ka mawawalan ng pagpipilian
Alam ko namang di mo mababasa ‘to
Pero ang nais ko lang ay malaman mo
Wala nang mas sasakit sa pang iiwan
Ng pinakamatalik mong kaibigan.

Dilim Ni: Melanie Pahuwayan Llovido

O gabing madilim,
Katahimikan mo'y nakabibingi
Mga tunog lang ng kuliglig
Ang maaari kong madinig.
Tao'y higit na nakakatakot
Kaysa sa multong nananakot.
Kaya't mag-ingat 'pag naglalakad,
Sa kalyeng madilim na iyong dadaanan.
Subukan mong tumingala
Makakakita ka ng ganda
Ang kalangitang likha ng May Kapal
Na gagabay sa iyong dinaraanan.
Ang buwang bilog na bilog
Sa ating planeta'y umiinog
Nagpapakita sa oras ng kadiliman
Upang bigyan ng liwanag ang kapaligiran.
Kasama nito ang mga bituin
Sa kalangita'y nagniningning
Ito'y parang diyamanteng kumikinang
Hangad ng bawat tao sa kalupaan.
Huwag mong katakutan ang dilim
Ang ibang tao'y ito ang nais
Pagka't dilim din ay may liwanag,
Nagbibigay ng pag-asa sa kahit sinuman.

Sabi nila Ni: Franz Louise Docot


Sabi nila 'pag naka-apak ka ng tae, ay susuwertihin ka
Pero kapag sinadya mo, ay mamalasin ka
Mamalasin ka talaga kung gano'n ang ginawa mo
Sino ba namang may gustong maglakad na may tae sa paa mo
Sabi nila 'pag nangangati ang palad mo ay magkakapera ka
Pero kapag sinadya mo ay masusugatan ka
Kamutin mo ba naman ang palad mo para lang magkapera ka
Pinapakita mo lang na ikaw ay mukhang pera
Pag nagkakuliti ka raw ay ibig sabihin ay namboso ka
Pero kung 'di ka naman namboso at nagkakuliti ka
Aba'y iligo mo na yan
Kadugyutan na ang tawag d'yan
Sabi nila pag tumingin ka sa kanya at tumingin rin siya sayo,
Ibig sabihin nun ay tumitingin rin siya sa iyo
Pero paminsan minsan 'wag mo ring pangunahan ang mga nangyayari sa paligid mo
Kase malay mo, kaya siya tumitingin kase naiirita na siya sa'yo
Sabi nila, kung mahal mo, ipagtapat mo sakanya.
Pero hindi naman ganun kadali yun e, kase may mahal siyang iba
Para saan pa ang pag-amin ko, para saan pa ang pag-ibig ko
Kung alam ko naman sa sarili ko na nararamdaman niya'y di na magbabago

Tsinelas Ni: Camille S. Bustamante

Tsinelas
Ni: Camille S. Bustamante
Proteksyon sa paglakad
Kahit sana nakakaladkad
Sa bagay na ito marami kang maaalala
Kabataan mong sobrang saya
Pagandahan ng tsinelas noong ako ay bata
Ginagamit lang naman sa pagbato ng lata
Kapag tatakbo ay sinusuot sa iyong palad
Para maiwasang mapudpod at ilalim ay matadtad
Sumisimbolo sa iyong masayang pagtanda
Gustong gusto kong ito'y naaalala
Sana maulit muli ang saya
Kasama ang akig nga kaibigan sa gitna ng kalsada
Sana maranasan parin ito ng mga bata
At hindi lang nakatutok sa larong pangteknolohiya
Sa sayang naidulot nito sa bawat isa
Walang kahit anong papantay na modernong teknolohiya.

Unan Ni: Camille S. Bustamante

Unan
Ni: Camille S. Bustamante
Ang akin unan
Marami na kameng pinagdaanan
Kahit na aking nalalawayan
Hindi ako nito iniwan
Hinahagis ko man kung saan
Madalas ko ring dinadaganan
Hindi niya ako sinukuan
At hindi ako nito nilisan
Bawat luha at kilig ay nasaksihan
Ng aking tapat at malambotnna unan
Bawat dasal at kasalanan sa Maykapal
Narinig nito at dito ko lang naikumpisal
Kung inaakala ninyo na akoy hangal
Na nabighani sa unan kong ubod ng kapal
Mahal ko ito at laging hanap
Lalo na kapag ako ay humihikab at bumababa ang talukap

Bilbil Ni: Camille S. Bustamante

Bilbil
Ni: Camille S. Bustamante
Sa pagkain ng marami
Ako ay nawili
Bilbil ko ay lumitaw
Mundo ko ay nagunaw
Nakatutuwa mang pisilin
Masakit kung itoy iyong iisipin
Bakit ba kailngan kong pigilin
Ang aking hilig na pagkain
Hindi ako masaya
Kapag itoy kanilang nakikita
Pakiramdam ko akoy isang balyena
Na napadpad sa lupa
Ngunit wag niyo akong pintasan
Dahil ss bilbil ko sa akin tiyan
Hindi man ito kanais nais tignan
Patunay naman ito na kame ay sagana sa aming tahanan

BUHOK Ni: Camille S. Bustamante

BUHOK
Ni: Camille S. Bustamante
Maraming uri ang buhok ng tao
Kulot, tuwid at iba pang estilo
May pinapatayo para mukhang rakista
May nakabagsak para daw mukhang artista
Sabe ng iba
Kapag ikaw daw ay maraming problema
Malaki daw ang tiyansa na makakalbo ka
Para sa akin hindi ba pwedeng ito ay nasa lahi na
Maraming kanya kanyang porm
Na nagpapakita ng sarili mong sistema
Maipapakita rin nito ang iyong personalidad
Ganun si ang iyong ugali at kalidad
Nagagamit ito bilang pamporma
May maiiksi nito at mahahaba
Ang emosyon ng tao dito minsan nakikita
Pati ang kaayusan at kaguluhan ng taong ito ay pwede mong makita.