Ang Ulirang Guro sa Filipino, isang prestihiyosong gawad sa mga guro na ibinibigay ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), ay tumatanggap na muli ng mga nomisyon para sa taóng 2016.
Pagkilala ang gawad sa mga pilî at karapat-dapat na mga guro sa Filipino sa lahat ng antas. Kinakailangang nakapaglingkod nang tatlo (3) o higit pang taon ang lisensiyadong guro at mayroong mayroong rating na hindi bababa sa Very Satisfactory.
Dagdag pa, mahalagang salik din ang pagpapahalaga at pagtataguyod ng wikang pambansa kasama ang mga saliksik pangwika at pangkultura sa rehiyon na ginawa ng nominadong guro.
Kikilalanin ang mga Ulirang Guro 2016 sa KWF Araw ng Gawad sa 19 Agosto 2016. Ang araw ding ito ang ika-138 anibersaryo ng kapanganakan ni dating pangulong Manuel L.
Quezon, ang tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa.”
17 Hunyo 2016 ang huling araw ng pagpapasa. Para sa karagdagang detalye, maaaring tumawag sa 736-2524 at hanapin si Bb. Jeslie Del Ayre. Maaari ding bumisita sa kwf.gov.ph, o magpadala ng email sa komisyonsawikangfilipino@gmail.com.
No comments:
Post a Comment