Pandaigdigang Kongreso sa Araling Filipinas
sa Wikang Filipino
2-4 Agosto 2017
Pambansang Museo
Lungsod Maynila
Pambansang Museo
Lungsod Maynila
Pagbabalik, Pagbabantayog sa Filipino
Panahon nang ibantayog ang Filipino bilang wika ng karunungan at gamitin ito sa iba’t ibang disiplina o larang, lalo na sa mga pag-aaral hinggil sa ating bansa upang mapalaganap ang diskurso ukol sa pagiging Filipino at para sa sambayanang Filipino.
Layunin ng Kongreso na:
makabuo ng isang bagong pagtanaw sa Filipino
matipon ang mga iskolar at mga pag-aaral hinggil sa Filipino at mahimok na gamitin ang wikang Filipino sa kanilang saliksik
malikom ang mga pinakaprogresibo at siyentipikong pagsusuri sa wika, panitikan, kasaysayan, sining, at kultura ng Filipinas;
mabalangkas ang isang pangmatagalang estratehiya tungo sa edukasyon hinggil sa Filipinas na gumagamit sa wikang Filipino
Inaanyayahan ang mga kasapi ng Philippine Studies Association at mga kaugnay na kapisanan o organisasyon, mga iskolar sa lahat ng disiplina, sa loob at labas ng bansa, na magsumite ng panukala.
No comments:
Post a Comment