Sunday, October 16, 2016

Kalikasan at Kaligtasan, tatalakayin sa Pambansang Summit ng KWF sa Bundok Makiling

Teachers! Teachers! Teachers!

Kalikasan at Kaligtasan, tatalakayin sa Pambansang Summit ng KWF sa Bundok Makiling

Magsasáma-sáma ang mga katutubong lider, eksperto sa wika at kalikasan, at iba’t ibang kinatawan ng pamahalaan sa Pambansang Summit sa Wika at Kaligtasan ng KWF mula 26–28 Oktubre 2016, sa Philippines High School for the Arts, Bundok Makiling, Los Baños, Laguna.

Nilalayon ng summit, na may temang Tungo sa Nagkakaisang Boses at Pagkilos para sa Kalikasan at Kaligtasan ng Sambayanang Filipino, na halukayin at linangin ang mga katutubong konsepto mula sa iba’t ibang rehiyon upang makabuo ng mga makabuluhang resolusyon hinggil sa kalikasan at kaligtasan.

Dadaluhan ito ng tinatayang 200 kinatawan ng mga pangkating etniko na magbabahagi at magpapalitan ng mga konsepto ng kanilang pangkat hinggil sa umiiral na pananaw sa na maaaring tumugon sa hamon ng mga isyu gaya ng pagbabagong klima.

Panauhing pandangal si Senador Loren B. Legarda, isa sa mga pangunahing tagapagtaguyod ng kalikasan at kulturang katutubo ng Filipinas. Ilulunsad sa summit ang Atlas Filipinas at Aklat ng Kapayapaan na kapuwa sinuportahan ng tanggapan ng senador.

Magbabahagi ng lápit ng kanilang kagawaran sina Kalihim Regina Paz Gina Lopez ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman (DENR) at Kalihim Judy M. Taguiwalo ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan.

Magbibigay naman ng mga panayam  sina Rep. Nancy A. Catamco ng komite ng IP sa Mababang Kapulungan, Carlos Buasen ng National Commission on Indigenous Peoples, Emmanuel M. De Guzman ng Komisyon sa Pagbabago ng Klima, at Ruperto Sangalang ng Komisyon sa Mataas na Edukasyon.

Para sa mga detalye, maaaring hanapin si Bb. Evelyn Pateño sa telepono blg. 243-9855, o magpadala ng sulatroniko sa komisyonsawikangfilipino@gmail.com




No comments:

Post a Comment