Tuesday, September 12, 2017
2017 Ang Pambansang Paligsahan sa Ispeling: IISPEL MO!
Spelling Bee!
Spelling Contest!
DepEd! DepEd! Private Schools! Public Schools!
Panawagan ng mga guro sa publiko at pribadong paaralan.
Iispel Mo! tuntunin
1. Ang Pambansang Paligsahan sa Ispeling: IISPEL MO! ay itinataguyod ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at Kapisanan ng mga Superbisor at Guro sa Filipino (KASUGUFIL) sa pakikipagtulungan ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd).
2. Ang paligsahan ay bukàs para sa mag-aaral sa kaanim na baitang (Grade 6) sa antas elementarya ng mga paaralang publiko at pribado.
3. Magsisimula sa dibisyon level ang paligsahan upang pumili ng kinatawan sa rehiyonal na paligsahan upang makapili ng kinatawan ng rehiyon sa pambansang paligsahan.
4. Bawat rehiyon ay magpapadala ng isa (1) lámang kinatawan na siyang nagkamit ng unang gantimpala sa isinagawa nilang panrehiyong paligsahan.
5. Ang pinakamagaling sa bawat rehiyon ay siyang maglalaban-laban sa pambansang paligsahan na isasagawa sa 28-30 Nobyembre 2017 sa itatakdang lugar sa Maynila.
6. Bawat rehiyon ay bubuoin ng tatlong (3) kinatawan:
6.1 isang (1) nanalo
6.2 isang (1) tagapagsanay (coach)
6.3 isang (1) magulang o guardian
7. Pagkakalooban ng KWF ng medalya at sertipiko ang bawat panrehiyong nanalo.
8. Sa Pambansang paligsahan, ang mga sumusunod ay ipagkakaloob ng KWF sa mga mananalo ang premyong kas:
8.1 Sa MAG-AARAL
Unang Gantimpala Medalya, Sertipiko, at PHP35,000.00
Ikalawang Gantimpala Medalya, Sertipiko, at PHP25,000.00
Ikatlong Gantimpala Medalya, Sertipiko, at PHP15,000.00
Ikaapat na Gantimpala Medalya, Sertipiko, at PHP10,000.00
Ikalimang Gantimpala Medalya, Sertipiko, at PHP5,000.00
Sa TAGAPAGSANAY:
Unang Gantimpala Sertipiko at PHP7,000.00 less 13% tax
Ikalawang Gantimpala Sertipiko at PHP5,000.00 less 13% tax
Ikatlong Gantimpala Sertipiko at PHP3,000.00 less 13% tax
Ikaapat na Gantimpala Sertipiko at PHP2,000.00 less 13% tax
Ikalimang Gantimpala Sertipiko at PHP1,000.00 less 13% tax
9. Babasahin ng Ispeling Master ang pangungusap na kinapapalooban ng salitang babaybayin. Pagkatapos ng pangalawang pagbasa, ibibigay na ang hudyat para sumulat na ang mga kalahok.
10. Ang puntos at bílang ng aytem na babaybayin ay gaya ng sumusunod:
MADALI - 10 aytem x 2 puntos = 20 puntos
KATAMTAMAN - 10 aytem x 3 puntos = 30 puntos
MAHIRAP - 10 aytem x 5 puntos = 50 puntos
KABUOAN = 100 puntos
11. Ang aytem na MADALI ay bibigayan ng 2 segundo
ang KATAMTAMAN ay bibigyan ng 2 segundo; at
ang MAHIRAP ay bibigyan ng 2 segundo
12. Ang magkakamit ng pinakamataas na puntos ay siyang mananalo.
13. Sa sandaling magkaron ng patas na puntos, may nakalaang mga tanong na magiging klintser.
14. Ang hatol ng inampalalan at pinal at hindi na magbabago.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment