Thursday, September 7, 2017
Mga deskuwento at munting regalo, handog ng KWF Aklat ng Bayan sa ika-38 MIBF
Mga deskuwento at munting regalo, handog ng KWF Aklat ng Bayan sa ika-38 MIBF
Magkakaloob ng deskuwento at munting regalo ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa mangyayaring ika-38 Manila International Book Fair mula 13–17 Setyembre 2017, sa SMX Convention Center, Lungsod Pasay.
Higit 70 aklat ang mapagpipilian ng mga mamimili sa lumalaking koleksiyon ng KWF Aklat ng Bayan mula sa mga sangguniang aklat sa panitikan at kulturang Filipino, mga saliksik, isinaling klasikong akda, at iba pang babasahin.
Mula 13–14 Setyembre, magkakaloob ng mga munting regalo ang KWF sa mga bibisita sa puwesto nitó sa Booth No. 361–362, Aisle E ng SMX Convention Center.
Sa 15–16 Setyembre naman ay magkakaloob ng isang libreng Aklat ng Bayan na may halagang PHP100.00 ang KWF sa mga bibili ng aklat na may halagang PHP500.00 pataas.
Bílang pagtatapos, lahat ng mga aklat ng KWF ay may 20% deskuwento para sa hulíng araw ng MIBF sa 17 Setyembre.
Sinumulan noong 2013, nilalayon ng Aklat ng Bayan na masimulan ang isang “Aklatan ng Karunungan” na magtatampok sa wikang Filipino bílang wika ng paglikha at saliksik.
para sa free entrance ticket, bumisita sa
http://kwf.gov.ph/mga-deskuwento-at-munting-regalo-handog-ng-kwf-aklat-ng-bayan-sa-ika-38-mibf/
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment