Wednesday, February 15, 2017

TALAANG GINTO: MAKATA NG TAON 2017

Talaang Ginto: Makata ng Taon 2017

Ang TALAANG GINTO: MAKATA NG TAON ay timpalak sa pagsulat ng tula na itinataguyod ng Komisyon sa Wikang Filipino kaugnay ng pagdiriwang ng Araw ni Balagtas tuwing Ika-2 ng Abril taon-taon.

Nilalayon ng timpalak na lalo pang pasiglahin at pataasin ang uri ng panulaang Filipino sa pamamagitan ng pagkilala sa mga batikan at baguhang talino.

Mga Tuntunin:

1. Bukás ang timpalak sa lahat, maliban sa mga kawani ng KWF at kanilang kaanak.
2. Ang entring ipapasa ay maaaring isang mahabang tula na may isang daan (100) o higit pang taludtod, o isang koleksiyon ng sampu (10) o higit pang maikling tula. Kinakailangang may pamagat ang ipapásang koleksiyon. Malaya ang paksa ngunit kailangang tumatalakay sa isang mahalagang paksaing panlipunan sa kasalukuyan. Ang ipapásang mahabang tula o maiikling tula ay may tugma at sukat. Hindi bababa sa antas tudlikan ang tugmaan.
3. Ang lahok ay kailangang orihinal at nasusulat sa Filipino, hindi salin ng nalathala nang tula, at hindi pa nalalathala sa alinmang publikasyon. Hindi patatawarin ang sino mang mahuli at mapatunayang nagkasala ng pangongopya. Kakanselahin ng KWF ang ipinagwaging lahok nito sa timpalak at hindi na muling makasasali pa sa alinmang timpalak ng KWF.
4. Apat (4) na kopyang makinilyado o kompiyuterisado, gagamit ng font na Arial 12pt, doble espasyo sa 8 ½” x 11” na bond paper na may palugit na isang (1) pulgada sa itaas at ibaba at sa magkabilang tabi. Kinakailangang notaryado ang ilalahok bílang katunayan na orihinal ito. Kinakailangang magtataglay lámang ng sagisag-panulat (pen name) at walang kahit anong pahiwatig ng tunay na pangalan ng kalahok. Ang tulang ipapása ay ilalagay rin sa isang CD. Ilalakip ang mga kopya ng tula, kasama ang CD, sa isang brown envelope.
5. May hiwalay na pormularyo sa paglahok na mada-download sa www.kwf.gov.ph. Lalakipan ng 2 x 2 retrato ang Talaang Ginto pormularyo sa paglahok. Ilalagay sa hiwalay na selyadong sobre ang pormularyo kasama ang biodata ng makata. Isasama ang selyadong sobreng ito sa brown envelope na ipapása. Hindi tatanggapin ang lahok na ipadadala sa pamamagitan ng email.
6. Ang mga gantimpala ay ang sumusunod:
Unang gantimpala PHP30,000 + titulong “Makata ng Taon 2017”
Ikalawang gantimpala PHP20,000.00
Ikatlong gantimpala PHP15,000.00.
Lahat ng lalahok ay tatanggap ng Katunayan ng Paglahok.

7. Ang lahok ay maaaring dalhin nang personal o ipadala sa koreo sa:

Lupon sa Talaang Ginto 2017
Komisyon sa Wikang Filipino
2/F Watson Bldg., 1610 J.P. Laurel St.
San Miguel, Manila

8. Ang hulíng araw ng pagsusumite ng lahok ay sa 27 PEBRERO 2017. Hanggang 5 nh ang oras ng pagpapasa. Hindi na mauurong ang araw ng pagsusumite. Tatanggapin ng KWF ang mga lahok na naka-postmark ng 27 Pebrero 2017.
9. Ang pasiya ng inampalan ay pinal at hindi na mababago. Lahat ng lahok, nanalo man o natalo, ay hindi na ibabalik sa mga kalahok at magiging pag-aari ng KWF ang karapatang mailathala ang mga nagwaging lahok nang walang royalti sa mga makata.
10. Para sa karagdagang detalye tumawag sa telepono blg. (632) 736-2519 o bumisita

BANTAYOG-WIKA

BANTAYOG-WIKA
Timpalak sa Disenyo
Deskripsiyon

Ang Bantayog-Wika ay isang pagdadambana sa isang di-materyal na pamanang pangkultura (intangible cultural heritage) ng bansa dahil sa mahalaga nitong papel sa pagbuo at pagpapatibay ng pambansang identidad.  Hindi lamang ito sumasalamin sa yaman ng mga wika kundi kakikitahan din ng mga kaalamang pangkultura ng pamayanang kinapapalooban nila.  Sa ganitong paraan, lalalim ang tangkilik at pagpapahalaga ng mga Filipino sa yamang nakapaloob sa kanilang mga katutubong wika. 

Mula ang salitang bantayog sa pinagsámang bantay at matayog, na nangangahulugan sa mataas na estrukturang itinayô bilang parangal sa isang makabuluhang tao o pangyayari. Mayroong higit 100 wika ang iba’t ibang pangkating etnolingguwistiko bukod sa wikang pambansa, ang Filipino, at may walong pangunahing wika (Bikol, Ilokano, Hiligaynon, Kapampangan, Pangasinan, Sebwano, Mëranaw, at Warray). Nilalayon ng Bantayog-Wika na makalikha sa hinaharap ng mga monumento para sa lahat ng mga katutubong wika ng Filipinas. Bawat bantayog ay katatagpuan ng mga katutubong katangian ng sinasagisag na kultura.

Mga Tuntunin

1.      Kalahok
1.1.   Maaaring sumali sa timpalak ang lahat ng mamamayang Filipino, maliban sa mga empleado ng KWF at kanilang mga kaanak
1.2.   Ang bawat kalahok ay maaaring magpasa ng isang lahok lamang.
1.3.   Ang ipinásang lahok ay kinakailangang malaya mula sa karapatan ng ikatlong partido. Ang KWF ay labas sa anumang uri ng pananagutan sa kaso ng litigasyon o pagtatalo na maaaring malikha ng pagsuway sa kontratang ito.
1.4.   Ang disenyador ng mapipiling disenyo ay tatanggap ng halagang PHP80,000.00 na babawasan ng kaukulang buwis.

2.      Lokasyon

2.1.   Ang magwawaging likha ay itatanghal sa mga tukoy na lugar sa iba’t ibang bahagi ng bansa, na mayroong pag-aproba ng KWF at ng pamahalaang lokal sa lugar na pagtatayuan.

3.      Kahingian sa Disenyo

3.1.   Ang lahok ay dapat orihinal at hindi pa naililimbag, hindi pa napili o ginawaran ng anumang premyo sa mga timpalak, at hindi reproduksiyon ng ibang gawa na nailabas na o ginagawa pa lámang.
3.2.   Ang disenyo ay may pangkalahatang motiff  na pangwika (gamit ang baybaying W) na maaaring lapatan ng katutubong disenyo ng kultura ng wika.
3.3.   Ang disenyo ay kailangang isaalang-alang ang sumusunod na kahingian:
3.3.1.      May taas na anim na talampakan (6 ft) o higit pa ang bantayog
3.3.2.      May espasyo para sa deskripsiyon ng wika, panitikan, kasaysayan, o katulad ng lugar, na maaaring hitsurang mesa o lectern.
3.3.3.      Ang materyales na maaaring gamitin sa bantayog ay kailangang tumatagal nang mahabang panahon gaya ng marmol, bakal, o katulad.

4.      Pagsusumite ng Lahok

4.1.   Ang mga lahok na ipapása ay kailangang iprisenta sa anyong modelo o nasa prototype scale. Ang modelo o protype ay dapat gawa sa matibay na materyales na pinili ng manlilikha upang maitanghal ito sa publiko. Ang súkat ay hindi lalagpas sa 60 sm (23.62 pulgada) at di kukulangin sa 15 sm. (5.91 pulgada), sa lahat ng dimensiyon nito.
4.2.   Kasama ng modelo ang paliwanag hinggil sa mga elemento, teknikal na aspekto, at iba pa upang mas maintindihan ang kabuuang kahulugan ng gawa.
4.3.   Ang paliwanag ay isusumite sa anyong PDF na nasa CD/DCD at maaaring lakipan ng mga reproduksiyong online, retrato (JPG), dibuho (na nasa PDF o A4).

5.      Dokumentasyon

5.1.   Maaaring kumuha ng pormularyo ng paglahok sa kwf.gov.ph. Ang lahat ng mga pisikal na lahok ay kailangang isumite sa KWF.
5.2.   Kailangang isama sa ipapasang lahok ang buong pangalan ng manlilikha kasama ang pamagat ng timpalak na Bantayog ng Wika.
5.3.   Ang sumusunod ay dapat ipása: Kompletong Pormularyo ng Paglahok kalakip ang mga tuntunin ng timpalak, kasama ang naka-zipfile na kopya ng ID o passport, resumé na nasa A4, limang (5) retrato na naka-PDF o JPG ng mga naunang nagawang eskultura, at dokumentasyon na nakasaad sa numero 4.2 hinggil sa mungkahing proyekto, modelo at paliwanag.
5.4.   Kung magkakaroon ng problema sa pagpapadala ng file, maaari itong ipadala sa: komisyonsawikangfilipino@gmail.com
5.5.   Ang aktuwal na proyekto (modelo ng eskultura) ay ipadadala sa:

Lupon sa Bantayog ng Wika
Komisyon sa Wikang Filipino
Gusaling Watson, 1610 Kalye J. P. Laurel
Malacañang Complex, San Miguel,
Lungsod Maynila

5.6.   Sasagutin ng bawat kalahok ang gastos sa paglahok. Hindi responsable ang KWF sa anumang sira o pagkawala na maaaring maidulot sa pagpapadala nito.

6.      Pagtanggap ng Lahok

6.1.   Ang huling araw ng pagsusumite ng lahok ay sa 28 PEBRERO 2017
6.2.   Ang mga napiling lahok ay magiging pag-aari ng KWF, at isinesuguro ang indibidwal na karapatan ng manlilikha at ang kaniyang gawa sa ilalim ng batas.
6.3.   Ang mga di-napiling lahok ay maaaring makuha ng mga manlilikha o awtorisadong kinatawan sa loob ng tatlumpung (30) araw sa tanggapan ng KWF matapos ang pag-anunsiyo ng pasiya ng Lupon ng Inampalan
7.      Ang KWF ay may karapatang ipalaganap ang publikasyon at eksibisyon ng lahat ng mga lahok. Mayroon din itong karapatan sa reproduksiyon upang tuluyang maipakalat ang timpalak sa pinakamahusay na paraan.


Bantayog-Wika: Isang materyal na sagisag para isang di-materyal na pamanang pangkultura

Bantayog-Wika: Isang materyal na sagisag para isang di-materyal na pamanang pangkultura

Inilunsad ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at ni Senador Loren Legarda ang Bantayog-Wika, isang proyektong naglalayong isamonumento ang mga katutubong wika ng Filipinas sa pamamagitan ng mga pisikal na estrukturang sasagisag sa halaga ng mga wikang katutubo bílang baul ng yaman ng katutubong kaalaman, halagahan, gawi, tradisyon, at kasaysayan ng mga Filipino. Isa itong natatanging gawain upang isakongreto ang isang di-materyal na pamanang pangkultura (intangible cultural heritage).

Mula ang salitang bantayog sa pinagsámang bantay at matayog, na nangangahulugan sa mataas na estrukturang itinayô bilang parangal sa isang makabuluhang tao o pangyayari. Mayroong higit 100 wika ang iba’t ibang pangkating etnolingguwistiko bukod sa wikang pambansa, ang Filipino, at may walong pangunahing wika (Bikol, Ilokano, Hiligaynon, Kapampangan, Pangasinan, Sebwano, Mëranaw, at Warray). Nilalayon ng Bantayog-Wika na makalikha sa hinaharap ng mga monumento para sa lahat ng mga katutubong wika ng Filipinas. Bawat bantayog ay katatagpuan ng mga katutubong katangian ng sinasagisag na kultura.

Para sa kabuoang disenyo ng Bantayog-Wika, magbubukás ng isang timpalak para sa lahat ng mga Filipino, maliban sa mga kawani ng KWF at kanilang kaanak. Kinakailangang orihinal ang lahok, at maglalaman ng mga katangiang katutubo. Mayroong nakalaang PHP80,000.00 para sa magwawaging entry.

Isa ang Bantayog-Wika sa maraming proyektong inilinya ng KWF sa 2017  bilang bahagi ng pagtupad nito sa kaniyang mandato tungo sa pagpapaunlad, pagtataguyod, at preserbasyon ng mga wika ng Filipinas.

Para sa mga detalye, kontakin si John Torralba ng Sangay ng Edukasyon at Network sa 736-2519, o magpadala ng email sa komisyonsawikangfilipino@gmail.com


Panawagan para sa Koordineytor sa proyektong Bantayog-Wika ng KWF

Panawagan para sa Koordineytor sa proyektong Bantayog-Wika ng KWF

Inaanyayahan ang mga interesadong indibidwal na magsumite ng aplikasyon bilang koordineytor sa monumental na proyektong Bantayog-Wika ng Komisyon sa Wikang Filipino, ang natatanging ahensiyang pangwika ng pamahalaan.

Isang proyekto ang bantayog na magsasamonumento ng mga katutubong wika ng Filipinas sa pamamagitan ng mga pisikal na estrukturang sasagisag sa halaga ng mga wikang katutubo bílang baul ng yaman ng katutubong kaalaman, halagahan, gawi, tradisyon, at kasaysayan ng mga Filipino. Isa itong natatanging gawain upang isakongreto ang isang di-materyal na pamanang pangkultura (intangible cultural heritage).

Tatagal nang tatlong taon ang pagtatatag ng mga Bantayog-Wika. Sa inisyal nitong implementasyon ngayong 2017, malaking bahagi ng proyekto ang ilalaan sa timpalak at koordinasyon sa Kagawaran ng Interyor at Lokal na Pamamahala (DILG) at mga lokal na yunit ng pamahalaan para sa pagtatatag at pagpapasinaya ng mga Bantayog-Wika.

Pangunahin sa gagawin ng tagapag-ugnay ang pagpaplano at pagsusuri ng gawain, pakikipag-ugnay sa mga ahensiya at lokal na yunit ng pamahalaan, pagsubaybay sa lagay, at pagtiyak sa mahusay na implementasyon ng mga ipatatayông Bantayog-Wika.



Maaaring magpasa ng liham ng aplikasyon at CV sa komisyonsawikangfilipino@gmail.com, o tumawag sa 736-2519 para sa karagdagang detalye. Tatanggap ang KWF ng mga aplikasyon hanggang 17 Pebrero 2017.

Wednesday, November 23, 2016

LIbreng klase sa Filipino Sign Language o FSL at Bahasa Indonesia-Malaysia

Talós-Wika, Ilulunsad
Ang Talós-Wika ay ang bago at naiibang programa ng KWF para sa pag-aaral ng iba’t ibang wika, banyaga man o katutubo. Isa itong libreng klase sa piling mga wika na sisimulan sa unang linggo ng Disyembre. Unang wikang itatampok ang Filipino Sign Language o FSL, na katutubong wika ng mga Filipinong bingi, na nalalapit na ring matanghal bilang pambansang wikang senyas ng Filipinas. Kasabay nito ang Bahasa Indonesia-Malaysia, pambansang wika ng Indonesia at Malaysia, na isa sa pinakaginagamit na wika sa Timog Silangang Asya.
Magtatagal nang limang linggo na may tig-tatlong oras na sesyon ang mga klase. Para sa mga nais dumalo, magtungo sa link na ito: http://bit.ly/Talos-Wika.
Layunin ng programa na ito na palaganapin ang pagmamahal sa mga wika, katutubo at banyaga, sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga ito. Bahagi din ito ng mandato ng KWF na palaganapin ang mga katutubong wika ng bansa at palakasin ang katatasan sa wika ng marami para maging katuwang nito sa iba’t ibang gawain.
Para sa mga detalye o tanong tungkol sa programang ito, maaaring mag-text kay Earvin Pelagio sa 09064977670 o mag-email sa pelagioearvin@gmail.com.

Monday, November 7, 2016

Libreng Simposyum sa Leksikograpiya

Libreng Simposyum sa Leksikograpiya


Para sa impormasyon at pagpapatala, tumawag sa telepono blg. (632) 2439855, 09983280515/09158465459 at/o mag-email sa may20_72ma.victoria@yahoo.com. Hanapin lamang si Ma. Victoria Casoy, Sangay ng Salita at Gramatika.


Wednesday, November 2, 2016

Technical Courses for Filipinos

Technical Courses for Filipinos

Teachers! Teachers! Teachers!

TESDA! TESDA! TESDA!

Skills!  Skills! Skills!

Are looking for other skills that can help you to be promoted?

Para sa lahat ito na nagnanais makakuha ng bagong kaalaman na magagamit sa bahay at sideline upang madagdagan ang kita para sa pamilya



Electron College of Technical Education

para sa discount voucher at impormasyon, 
magtext sa 0909-7541148 or mag-e-mail sa goodnewsitokabayn@gmail.com


15 Days of Tagalog and Hand-on Study

ELECTRONICS TECHNICIAN
(Appliance Repair & Maintenance: Radio, TV, VCD & DVD, Assemble Power Supply, Transformer, Amplifier)

COMPUTER TECHNICIAN
(Hardware & Software Troubleshooting, internet café set up, networking, formatting, program installation)

REF. AND AIR-CON TECHNICIAN
(Install, Service ,Maintain, Troubleshoot ,Mechanical & Wiring, Site Survey, Recover / recycle Freon)

PRACTICAL ELECTRICITY 
(Electrical Layout, Building Wiring and House Installation, Lighting fixtures & Grounding )

INDUSTRIAL ELECTRICITY
(Motor Rewinding , Controls & Contactors )

WELDING- SMAW – Shielded Metal Arc 
(Weld Alloy Steel Plates & Sheets ) – Special Course

GAS / DIESEL MECHANICS
(Engine Mechanical Overhauling / Transmission & Electrical Wiring & Lightning System )

MOTORCYCLE MECHANICS
(Engine Overhauling, Body, Wiring and Flaring, Tune up, Carburetor, Fuel system, Exhaust, Final Drive )

MASSAGE THERAPY 
(Reflexology, Swedish, Shiatsu, Thai, Therapeutic Massage Treatment, Hollistic , Body vital signs )

DRESSMAKING & TAILORING 
( Set-up / Operate Sewing Machine, Pants, Blouse, Formal Wear, Casual, Baby Dress , Gowns)


DRIVING WITH TROUBLESHOOTING
(w/ rules of the road / emergency remedies, licensing procedure ) – Special Course

FOOD AND BEVERAGE NCII

BARTENDING NCII


COMPUTER SCIENCE
(Computer Operations, Office Application, Advance Windows/Office programs, typing & Internet Access)

COMPUTER SECRETARIAL
(Computer Operations, Office Application, Advance Windows/Office programs, typing & Internet Access )

COMPUTER PROGRAMMING
( Java Script, Visual Basic, Net 6.0, Syntax & Lay-out, HTML, C++,PC Turbo C )

ADOBE PHOTOSHOP
(Graphic Arts, Photo Editing, Design, Mosaic, Restoration, Invitation, Calling Cards, Tarpaulin, Logo, Billboard) -


AUTOCAD WITH DRAFTING
(Technical Drawing ,Dimensioning 2D,3D, Architectural Planning, Building Lay-out & Design ) – 


WEB DESIGN

LAPTOP TECHNICIAN

CELLPHONE TECHNICIAN
(Hardware and Software Servicing ; we use computer to repair , From Basic to Advance)

COSMETOLOGY
( Hair Dressing & Beauty Care: Make-up, Facial, Mani/Pedi, Spa, Hair Style, Color, Relax, Perm, Cutting, Hot Oil )

HOUSEKEEPING NCII

ENGLISH PROFICIENCY W/ CALL CENTER
( American Accent, Grammar, Pronunciation, Diction, Speak fluently, correctly & fast


5-MONTH COURSES

CONSUMER ELECTRONICS SERVICING
COMPUTER PROGRAMMING
AUTOMOTIVE SERVICING
ENGLISH PROFICIENCY WITH CALL CENTER
COMPUTER HARDWARE SERVICING
MOTOR/SMALL ENGINE SERVICING
ADVANCE HARIDRESSING

1-YEAR COURSES

ELECTRONICS TECHNOLOGY
AUTOMATIVE TECHNOLOGY
MOTORCYCLE/SMALL ENGINE TECHNOLOGY
AUTOMATED OFFICE MANAGEMENT SYSTEM
COMPUTER TECHNOLOGY
INFORMATION TECHNOLOGY

2-YEAR DIPLOMA COURSES

ELECTRONICS AND COMPUTER TECHNOLOGY
HOTEL AND RESTAURANT SERVICES
MANAGEMENT in INFORMATION and COMMUNICATION TECHNOLOGY
AUTOMATIVE TECHNOLOGY
HEALTH CARE SERVICES

Schedule of Classes
Sunday Class
Saturday Class
M.W.F. Class
T.TH Class
8:00 am – 12:00 nn
1:00 pm– 5:00 pm
5:30 pm – 9:30 pm

NO age limit
We accept tutorial (1-on1)
Hindi mabigat sa bulsa dahil maaaring Installment and pagbabayad

Electron College of Technical Education

Main Branch
Novaliches Q.C.: 664 Electron Bldg, Quirino Hi-way, Bagbag, Novaliches, Quezon City
Tel Nos.: 418-2232 / 352-0081 / 954-0483 / 417-3494


Branches:

SM City Novaliches Q.C.: Quirino Hi-way San Bartolome, Novaliches, Quezon City
Tel Nos.: 364-2826 / 352-0081 / 954-0483 / 417-3494


Valenzuela City: 596 McArthur Hi-way Malanday, Valenzuela City
Tel Nos.: 444-2987 / 703-1055 / 417-3494


Espana Manila: 2278 Espana Boulevard, Sampaloc, Manila
Tel Nos.: 731-9492 / 559-3868 / 413-4035 / 417-3494


Paranaque: 8165-H Dr. A Santos Ave. (Sucat Rd.) San Dionisio, Pananaque City
Tel Nos.: 828-2096 / 703-1055 / 954-0483 / 417-3494


Alabang-Zapote Las Pinas 
Tel No: 836-45-38

Pasay: 2308 Taft Ave. Near Corner Libertad, Pasay City
Tel Nos.: 836-4893 / 703-0934 / 954-0483 / 417-3494

Marilao Bulacan: 14 Mendoza Bowling Ctr. McArthur Hi-way, Abangan Norte, Marilao, Bulacan
Tel Nos.: 881-3378 / 815-7658 / 954-0483 / 417-3494


Munoz Q.C.: 295 Roosevelt Ave. San Antonio, Quezon City
Tel Nos.: 352-8175 / 416-4205 / 703-0901 / 417-3494

Camarin North Caloocan: 18 Camarin road. Corner Zabarte road, Caloocan City
Tel Nos.: 703-0878 / 364-2826 / 954-0483 / 417-3494