Panawagan para
sa Koordineytor sa proyektong Bantayog-Wika ng KWF
Inaanyayahan ang mga interesadong indibidwal na magsumite ng aplikasyon
bilang koordineytor sa monumental na proyektong Bantayog-Wika ng Komisyon sa
Wikang Filipino, ang natatanging ahensiyang pangwika ng pamahalaan.
Isang proyekto ang bantayog na magsasamonumento ng mga katutubong wika
ng Filipinas sa pamamagitan ng mga pisikal na estrukturang sasagisag sa halaga
ng mga wikang katutubo bílang baul ng yaman ng katutubong kaalaman, halagahan, gawi,
tradisyon, at kasaysayan ng mga Filipino. Isa itong natatanging gawain upang
isakongreto ang isang di-materyal na pamanang pangkultura (intangible cultural
heritage).
Tatagal nang tatlong taon ang pagtatatag ng mga Bantayog-Wika. Sa
inisyal nitong implementasyon ngayong 2017, malaking bahagi ng proyekto ang
ilalaan sa timpalak at koordinasyon sa Kagawaran ng Interyor at Lokal na
Pamamahala (DILG) at mga lokal na yunit ng pamahalaan para sa pagtatatag at
pagpapasinaya ng mga Bantayog-Wika.
Maaaring magpasa ng liham ng aplikasyon at CV sa komisyonsawikangfilipino@gmail.com, o tumawag sa 736-2519 para sa
karagdagang detalye. Tatanggap ang KWF ng mga aplikasyon hanggang 17 Pebrero
2017.
No comments:
Post a Comment