SALI(N) NA! LÓPEZ-JAENA 2017
Inaanyayahan namin kayong lumahok sa Sali(n) Na!, ang
taunang patimpalak ng Komisyon sa Wikang Filipino sa pagsasalin ng
pinakamahahalagang tekstong pampanitikan, pangkultura, at/o pangkasaysayan.Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-161 anibersaryo ng kapanganakan ni Graciano Lopez-Jaena (Disyembre 18, 1856–2017), itatampok sa taóng ito ang Fray Botod at ang iba pang piling akda sa Discursos Y Articulos Varios na nakasulat sa wikang Español.
Ang huling araw ng pagsusumite ng lahok ay sa 19 Agosto 2017.
TUNTUNIN:
- Bukás ang timpalak sa
lahat, kabilang ang mga dayuhan na marunong mag-Filipino maliban sa mga
kawani ng KWF at kanilang mga kaanak.
- Ang pangunahing
sanggunian ng isasaling tekstong Español ay matatagpuan lamang sa website
ng KWF. I-download ang PDF file nito sa www.kwf.gov.ph.
- Mula Español
tungong Filipino ang gagawing pagsasalin. Ang salin ay kailangang orihinal
na likha ng kalahok at hindi pa nalalathala sa alinmang publikasyon. Hindi
patatawarin ang sinumang nahuli at napatunayang nagkasala sa pangongopya.
Kakanselahin ng KWF ang ipinagwaging lahok nito sa timpalak at hindi na
muling makasasali pa sa alinmang timpalak ng KWF.
- Isa (1) lamang
entri ng salin ang maaaring isumite. Ang bawat lahok ay kailangang ilagay
sa isang long brown envelope na maglalaman ng sumusunod:
(b) Isang (1) CD na maglalaman naman ng file (soft copy, Microsoft Word file) ng salin.
(c) Isang selyadong No. 10 envelope na maglalaman ng hiwalay na pormularyo sa paglahok para sa buong detalye ng nagsalin kasama ang dalawang retrato (2×2) at ang maikling biodata.
- Ang tatanghaling
pinakamahusay na salin ay tatanggap ng Walompung Libong Piso PHP 80,000 at
plake ng pagkilala. Mayroong unang opsiyon ang KWF na ilathala ang
nagwaging entri na walang dagdag na bayad sa nagsalin maliban sa royalti
ng bawat mabebentang kopya ng libro.
- Ang lahok na
salin ay maaaring dalhin nang personal o ipadala sa koreo sa:
Lupon
sa Sali(n) Na! 2016
Komisyon
sa Wikang Filipino
2/P
Gusaling Watson,
1610
J.P. Laurel St.
1005
San Miguel, Maynila
- Hindi tatanggapin ang
entri na ipinadala sa email.
- Ang huling araw ng
pagsusumite ng lahok ay sa 19
Agosto 2017, 5nh. Hindi na mauurong ang araw ng pagsusumite. Ang mga
lahok na ipinadala sa pamamagitan ng koreo ay kailangang matanggap ng KWF
nang hindi lalampas sa petsang nabanggit.
- Ang pasiya ng inampalan
ay pinal at hindi na mababago. Lahat ng lahok, nanalo man o natalo, ay
hindi na ibabalik sa mga kalahok at angkin ng KWF ang karapatang
mailathala ang nagwaging lahok.
- Para sa karagdagang
detalye, tumawag sa Sangay ng Salin sa telepono blg. (02) 243-9789
No comments:
Post a Comment