Talaang Ginto: Makata ng Taon 2017
Ang TALAANG GINTO: MAKATA NG TAON ay timpalak sa pagsulat ng tula na
itinataguyod ng Komisyon sa Wikang Filipino kaugnay ng pagdiriwang ng Araw ni
Balagtas tuwing Ika-2 ng Abril taon-taon.Nilalayon ng timpalak na lalo pang pasiglahin at pataasin ang uri ng panulaang Filipino sa pamamagitan ng pagkilala sa mga batikan at baguhang talino.
Mga Tuntunin:
1. Bukás ang timpalak sa lahat, maliban sa mga kawani ng KWF at kanilang kaanak.
2. Ang entring ipapasa ay maaaring isang mahabang tula na may isang daan (100) o higit pang taludtod, o isang koleksiyon ng sampu (10) o higit pang maikling tula. Kinakailangang may pamagat ang ipapásang koleksiyon. Malaya ang paksa ngunit kailangang tumatalakay sa isang mahalagang paksaing panlipunan sa kasalukuyan. Ang ipapásang mahabang tula o maiikling tula ay may tugma at sukat. Hindi bababa sa antas tudlikan ang tugmaan.
3. Ang lahok ay kailangang orihinal at nasusulat sa Filipino, hindi salin ng nalathala nang tula, at hindi pa nalalathala sa alinmang publikasyon. Hindi patatawarin ang sino mang mahuli at mapatunayang nagkasala ng pangongopya. Kakanselahin ng KWF ang ipinagwaging lahok nito sa timpalak at hindi na muling makasasali pa sa alinmang timpalak ng KWF.
4. Apat (4) na kopyang makinilyado o kompiyuterisado, gagamit ng font na Arial 12pt, doble espasyo sa 8 ½” x 11” na bond paper na may palugit na isang (1) pulgada sa itaas at ibaba at sa magkabilang tabi. Kinakailangang notaryado ang ilalahok bílang katunayan na orihinal ito. Kinakailangang magtataglay lámang ng sagisag-panulat (pen name) at walang kahit anong pahiwatig ng tunay na pangalan ng kalahok. Ang tulang ipapása ay ilalagay rin sa isang CD. Ilalakip ang mga kopya ng tula, kasama ang CD, sa isang brown envelope.
5. May hiwalay na pormularyo sa paglahok na mada-download sa www.kwf.gov.ph. Lalakipan ng 2 x 2 retrato ang Talaang Ginto pormularyo sa paglahok. Ilalagay sa hiwalay na selyadong sobre ang pormularyo kasama ang biodata ng makata. Isasama ang selyadong sobreng ito sa brown envelope na ipapása. Hindi tatanggapin ang lahok na ipadadala sa pamamagitan ng email.
6. Ang mga gantimpala ay ang sumusunod:
Unang gantimpala PHP30,000 + titulong “Makata ng Taon 2017”
Ikalawang gantimpala PHP20,000.00
Ikatlong gantimpala PHP15,000.00.
Lahat ng lalahok ay tatanggap ng Katunayan ng Paglahok.
7. Ang lahok ay maaaring dalhin nang personal o ipadala sa koreo sa:
Lupon sa Talaang Ginto 2017
Komisyon sa Wikang Filipino
2/F Watson Bldg., 1610 J.P. Laurel St.
San Miguel, Manila
Komisyon sa Wikang Filipino
2/F Watson Bldg., 1610 J.P. Laurel St.
San Miguel, Manila
9. Ang pasiya ng inampalan ay pinal at hindi na mababago. Lahat ng lahok, nanalo man o natalo, ay hindi na ibabalik sa mga kalahok at magiging pag-aari ng KWF ang karapatang mailathala ang mga nagwaging lahok nang walang royalti sa mga makata.
10. Para sa karagdagang detalye tumawag sa telepono blg. (632) 736-2519
No comments:
Post a Comment