SALI(N)
NA, POE!
Ang
Sali(n) Na, Poe! ay isang timpalak sa pagsasalin sa Filipino ng mahahalagang
tekstong pampanitikan na naglalayong hikayatin ang mga kabataan na lumahok sa
gawaing pagsasalin. Para sa taóng 2017, ang tekstong isasalin ay ang mga piling
tula ni Edgar Allan Poe.
Ito ay bukas sa lahat ng kabataang nása
edad 12–17. Ang mga lalahok ay maaaring mag-aaral o out-of-school youth na
naninirahan sa Filipinas
- Ang Sali(n)
Na, Poe! ay bukás sa lahat ng kabataang nasa edad
12–17 maliban sa mga kaanak ng mga empleado ng KWF. Ang akdang isasalin ay
alinman sa tulang pinili ng
KWF na
mada-download sa www.kwf.gov.ph. Isang tula lamang ang isasalin.
- Mulang
Ingles tungong Filipino ang gagawing pagsasalin. Ang salin ay kailangang
orihinal na likha ng kalahok, at hindi pa nalalathala sa alinmang
publikasyon o nagwagi sa alinmang timpalak bago ang 17 Marso 2017. Hindi
patatawarin ang sinumang nahuli at napatunayang nagkasala sa pangongopya.
Kakanselahin ng KWF ang ipinagwaging lahok nito sa timpalak at hindi na
muling makasasali pa sa alinmang timpalak ng KWF.
- Isa (1)
lamang entri ng salin ang maaaring isumite. Ang bawat lahok ay
kinakailangang nasa anyong PDF, gagamit ng font na Arial na may laking 12
pt, doble espasyo sa 8 ½” x 11” na bond paper na may palugit na isang (1)
pulgada sa itaas at ibaba at sa magkabilang tabi.
- Ang
sumusunod na mga dokumento ay kailangang nakalagay sa isang selyadong long
brown envelope: (1) tatlong hard copy ng lahok; (2) isang CD na naglalaman
ng digital na kopya ng entri; (3) pormularyo sa paglahok (mada-download sa KWF
website o KWF facebook); (4) pormularyo sa pahintulot
ng magulang; at (5) sertipikasyon mula sa prinsipal ng paaralan para sa mga
mag-aaral o sertipikasyon mula sa punong barangay para sa mga out of
school youth. Tanging ang pamagat lamang ng lahok isusulat o ilalagay sa
envelope. Ipadadala ang naturang dokumento sa:
Lupon sa Sali(n) Na, Poe!
2F Gusali Watson, 1610 Kalye J. P. Laurel
Malacañang Complex, San Miguel
Lungsod Maynila
2F Gusali Watson, 1610 Kalye J. P. Laurel
Malacañang Complex, San Miguel
Lungsod Maynila
Maari ding ipadala ang mga lahok
sa email na KWF na komisyonsawikangfilipino@gmail.com.
5.
Ang mga lahok ay kinakailangang matanggap ng KWF bago o sa
17 Marso 2017, 5nh.
6.
Ang mga magwawagi ay tatanggap
ng sumusunod na gantimpalang salapi:
Unang
gantimpala: PHP5,000.00
Ikalawang gantimpala: PHP3,500.00
Ikatlong gantimpala: PHP1,500.00
Ikalawang gantimpala: PHP3,500.00
Ikatlong gantimpala: PHP1,500.00
7. Anumang pasiya ng Lupon ng Inampalan
ay pangwakas at hindi na mababago. Ang lahat ng lahok, nanalo man o natalo, ay
hindi na ibabalik sa mga kalahok at angkin ng KWF at ng ka-tagapagtaguyod nitó
ang unang opsiyon na mailathala ang mga nagwaging lahok nang walang royalti sa
may-akda.
8. Para sa mga tanong, sumulat sa komisyonsawikangfilipino@gmail.como komfil@kwf.gov.ph o tumawag sa (02)
736-2519. Maaaring bisitahin rin ang kwf.gov.ph para sa karagdagang
impormasyon.
No comments:
Post a Comment