Gawad
Julian Cruz Balmaseda
Ang Gawad Julian Cruz Balmaseda ay ang pinakamataas na pagkilala na
handog ng KWF para sa natatanging tesis at disertasyon sa agham, matematika,
agham panlipunan gamit ang wikang Filipino.Layunin nito na hikayatin at palaganapin, sa pamamagitan ng sistemang mga insentibo, ang mga grant at gawad, ang pagsusulat at publikasyon-sa Filipino at ibang mga wikang Filipinas-ng mga akdang orihinal, kabilang ang mga teksbuk at sangguniang materyales sa ibat-ibang disiplina.
Mga Tuntunin
1.
Ang gawad ay bukas sa lahat
maliban sa mga empleado ng KWF at kanilang mga kaanak.
2.
Ang ilalahok na tesis
at/odisertasyon ay naipasa sa mga taong 2015 at 2016.
Kinakailangan itong isulat bilang kahingian sa mga kursong may kaugnayan sa agham, matematika, agham panlipunan at sa iba pang kaugnay sa larang.
Kinakailangan itong isulat bilang kahingian sa mga kursong may kaugnayan sa agham, matematika, agham panlipunan at sa iba pang kaugnay sa larang.
3.
Kailangang nasusulat sa Filipino
and lahok, orihinal, hindi pa nailathala at hindi rin salin sa ibang wika.
4.
Marapat na gamitin ang KWF Manwal
sa Masinop na Pagsulat (MMP) bilang format sa pagsulat ng tababa,
talasanggunian, at iba pa.
5.
Ang lahok ay kailangang isumite
nang apat (4) na kopyang makinilyado o kompiyuterisado (hardcopy) at nakalagay
sa isang cpmaq disc (CD). May lakip na curriculum vitae, pormularyo
sa paglahok, at rekomendasyon
mula sa dalawang (2) propesor. Ang apat (4) na hardcopy, CD,
curriculum vitae, pormularyo ng paglahok at rekomendasyon ay nakalagay sa
expanding brown envelope na may pangalan at adres ng kalahok. Ipadadala ang mga
lahok sa:
Lupon sa
Gawad Julian Cruz Balmaseda
2/P Gusaling Watson 1610 Kaklye J.P. Laurel
San Miguel, Maynila 1005
Ang huling araw ng pagpapasa ng lahok ay Biyernes, 29 Setyembre 2017.
Para sa karagdagang impormasyon ay maaaring tumawag sa telepono blg. (632) 736-2519, mag-email sa komisyonsawikangfilipino@gmail.com, o bumisita sa kwf.gov.ph.
No comments:
Post a Comment