Tuesday, August 9, 2016

Jejemon ni: Celina Cruz

Jejemon
ni: Celina Cruz
Sino nga ba sila? Anong uri ng tao sila? Anong pakinabang nila sa buhay? Paano itong nagsimula? Isa-isahin nating sagutin ang mga katanungang bumabagabag sa ating kaisipan.
Sino nga ba ang Jejemon? Sila yung mga taong pinapahirapan ang sarili sa pagtetext dahil sa pinapahaba pa at pinapalitan ang letra ng mga salitang ginagamit nila. Bilang isang halimbawa ang salitang “ikaw lang sapat na” na kung saan ay pahahabain nila ito at gagawing “iCk4w Lhü4rN sZaph4t Nu@h”. Ang haba na nga ang hirap pang intindihin. Pahirap diba? Anong uri ng tao sila? Base sa aking pagpapaliwanag sila nga yung mga taong nagpapahirap sa sarili nila. Imbis na simpleng letra lang ang gagamitin ay hahaluan pa nila ng numero at simbolo. Sila yung mga taong gumagamit ng mga palayaw na “bhoXz”o Boss at “MhixZ” o Miss. Anong pakinabang nila sa buhay? Sa totoo lang, karamihan ng “jejemon” ay mga kabataan. Anong pakinabang nila? Simple lang. Wala! Dahil karamihan sa kanila ay mga kabataang hindi nag-aaral o out of school youth. Paano sila nagsimula? Nagsimula ang “jejemon” sa text na kung saan ay common sa ating mga tao. Hanggang sa nagkalat na ito ay sumikat noong 2010. Nakakatawang isipin na 2016 na ay may “jejemon” pa din. Mayroon na ding bagong tawag sa mga “jejemon” ngayon. Sila naman ang mga “pa-cool kiddo” o mga kabataang sunod sa uso. Pero kahit ano pa man sila, hindi natin maipagkakaila na nakakapaghatid sila sa atin ng saya. Sila ang mga “jejemon ng bulayf mo”.

No comments:

Post a Comment