Salamin ng Buhay
ni: Ana Katrina Labrador
ni: Ana Katrina Labrador
Sa aming lugar,
Dukha kung maituturing;
Gula-gulanit na mukha,
Ang tatambad sa akin.
Dukha kung maituturing;
Gula-gulanit na mukha,
Ang tatambad sa akin.
Mga batang nakakalat,
Sa lansangang madumi,
Mukha'y itim na naman,
Kalakal ang kabuhayan.
Sa lansangang madumi,
Mukha'y itim na naman,
Kalakal ang kabuhayan.
Pinagtagpi-tagping tirahan;
Kariton o kawayan,
Minsa'y tabing ilog,
O sa kalye natutulog.
Kariton o kawayan,
Minsa'y tabing ilog,
O sa kalye natutulog.
Pinggan na walang laman,
Asin at kanin lamang,
Sapat pantawid gutom,
Sa tiyang kumakalam..
Asin at kanin lamang,
Sapat pantawid gutom,
Sa tiyang kumakalam..
Piso'y malaking halaga,
Sa bulsang tastas na,
May pambili ng chichirya,
Sa tindahan ni Nena.
Sa bulsang tastas na,
May pambili ng chichirya,
Sa tindahan ni Nena.
Kalye Mahirap,
Ang iyong itawag,
dito sa lugar naming,
Walang ginhawa.
Ang iyong itawag,
dito sa lugar naming,
Walang ginhawa.
Buong pagkatao'y,
Tunay na mahirap,
Kahit ano pang tadtad,
Walang bakas ng pag-unlad,
Tunay na mahirap,
Kahit ano pang tadtad,
Walang bakas ng pag-unlad,
Ako'y napaluha,
Sa buhay na walang kulay,
Ako'y nanlumo,
Sa salamin ng aking buhay.
Sa buhay na walang kulay,
Ako'y nanlumo,
Sa salamin ng aking buhay.
No comments:
Post a Comment