"Sariling Wika"
ni: Lawrence Rovira Tomampo
ni: Lawrence Rovira Tomampo
Ganun na lamang ba kay-hirap mahalin
Ang sariling wika, ba't hindi sambitin?
Tila kinakahiya ang sariling pagkakakilanlan
Ikaw ba'y nararapat sa iyong kasarinlan?
Ang sariling wika, ba't hindi sambitin?
Tila kinakahiya ang sariling pagkakakilanlan
Ikaw ba'y nararapat sa iyong kasarinlan?
Ano ba ang mahirap sa pagsasalita nito?
Ikaw ba'y turista, banyaga o dayo?
Ito ang kinamulatan mo, paalala ko sa'yo
Kaya sana naman, isapuso mo ito!
Ikaw ba'y turista, banyaga o dayo?
Ito ang kinamulatan mo, paalala ko sa'yo
Kaya sana naman, isapuso mo ito!
Walang masama sa pag-aaral ng iba pang wika
Ngunit sana mahalin mo kung ano ang nauna
Huwag kang maging dayuhan sa sarili mong bayan,
Ang Wikang Filipino ay iyong kayamanan
Ngunit sana mahalin mo kung ano ang nauna
Huwag kang maging dayuhan sa sarili mong bayan,
Ang Wikang Filipino ay iyong kayamanan
Buhayin, pagyabungin ang wika natin
Mga tagapagtanggol nito, ito ang dalangin
Na sana hindi mo itakwil at talikuran
Wikang Filipino na kanilang pinaglaban
Mga tagapagtanggol nito, ito ang dalangin
Na sana hindi mo itakwil at talikuran
Wikang Filipino na kanilang pinaglaban
No comments:
Post a Comment