Ano sa palagay mo ang magiging Salita ng Taon?
1. netizen,
2. bully
3. foundling
4. hugot
5.lumad
6. meme
7. fotobam
8. viral
9. tukod
10.milenyal
Pambansang
Kumperensiya sa Wika at Sawikaan Salita ng Taon 2016, sa Oktubre na!
Muling idaraos ng
Filipinas Institute of Translation, Inc. (FIT) sa pakikipagtulungan sa Komisyon
sa Wikang Filipino (KWF), National Commission for Culture and the Arts (NCCA),
at UP Kolehiyo ng Edukasyon ang “Sawikaan
2016: Pagpili ng Salita ng Taon” kasabay ng “Pambansang Kumperensiya sa Wikang Filipino” na may temang “Wikang Filipino bilang
Wikang Siyentipiko” na gaganapin sa 5 – 7 Oktubre 2016, 8:00 ng umaga hanggang
5:00 ng hapon, sa Benitez
Theater, Kolehiyo ng Edukasyon, Lungsod Quezon. Ang nabanggit na okasyon ay
tinatangkilik din ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) at ng Komisyon sa Lalong
Mataas na Edukasyon (CHED).
Ang Sawikaan ay isang mahalagang proyektong
nagtatampok sa pamimili ng pinakamahahalagang salita na namayani sa diskurso ng
mga Filipino sa nakalipas na taon. Ilan sa mga itinanghal nang Salita ng Taon
ay ang canvass (2004), jueteng/huweteng (2005), lobat (2006), miskol (2007), jejemon
(2010), wangwang (2012), at selfie (2014). Para sa darating na
Sawikaan 2016, napiling nominado ang mga salitang netizen, bully, foundling, hugot, lumad, meme, fotobam, viral, tukod, at milenyal. Mga salita itong dulot ng nauusong laro at teknolohiya;
naging laman ng telebisyon, mga social network, at balita; o iniluwal ng
sumabog na kontrobersiya sa politika at matinding kalamidad. Samahan kaming
balikan ang mahahalagang pangyayaring nagluwal sa mga salitang ito at saksihan
kung paano ito bibigyang pakahulugan at ipagtatanggol ng mga kalahok para
maging Salita ng Taon 2016! Naniniwala ang FIT na ang proyektong ito ay isang
malikhain at mabisang estratehiya para mapatampok ang dinamismo ng wikang
Filipino.
Bukod sa pagpili ng
salita ng taon, may inimbitahan ding mga respetadong edukador, administrador,
at iskolar sa wika na magbibigay ng panayam hinggil sa
napapanahong isyung pangwika. Sa taong ito, tema ng kumperensiya ang “Wikang Filipino
bilang Wikang Siyentipiko” na magpapatunay na ang
wikang Filipino ay lampas na sa pagiging midyum lamang ng pagtuturo at
komunikasyon, bagkus, ito ay isang siyentipikong wika na kayang tumapat sa
ibang wika ng daigdig at nagsisilbing wika ng lalong mataas na karunungan gaya
ng agham at matematika, pilosopiya, ekonomiks, pananalapi, at iba pa. Magkakaroon
din ng pakitang-turo na inaasahang makapagbibigay ng mungkahing paraan ng
inter-aktibong pagtuturo ngayon sa wika na angkop sa implementasyon ng K to 12
ng DepEd. Sa huli, magkakaroon din ng Workshop upang mailatag ng mga guro ang
kanilang mga pangangailangan, sariling ebalwasyon, at pangangailangan sa
pagtuturo na maaaring irekomenda sa DepEd para matugunan nila sa lalong
madaling panahon lalo na yaong may kaugnayan sa implementasyon ng programang
K-12.
Bayarin sa rehistrasyon: P3000.00 (non-refundable, para sa registration
fee, am/pm snack, tanghalian, handout, kit,
conference bag, ID, sertipiko, aklat ng Sawikaan)
Kinakailangang
magpatala bago ang 23 Setyembre 2016 upang maibilang kayo bilang opisyal na
delegado. Kung makapagbabayad sa o bago ang Setyembre 16, makakukuha ng 10% deskuwento. Makipag-ugnay kay Bb.
Eilene G. Narvaez sa Tel. No. (02) 547-1860 o Mobile no. 0925-7102481 o sumulat
sa fitsawikaan2012@gmail.com
para sa hiling na opisyal na imbitasyon.
sa palagay ko ang magiging salita ngayon taon ay "hugot" dahil mapabata mapamatanda ay may sari-sariling hugot mula sa kanila karanasan sa buhay.
ReplyDeleteMendez,Emmanuel p
BPE 1-2N
sa palagay ko ang magiging salita ngayon taon ay "hugot" dahil mapabata mapamatanda ay may sari-sariling hugot mula sa kanila karanasan sa buhay.
ReplyDeleteMendez,Emmanuel p
BPE 1-2N
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteSa aking palagay ang magiging salita ng taon ay "Netizen" pagkat sa modernong panahon ngayon lahat ng tao ay may kanya kanyang social media accounts na kanilang ginagamit sa pang araw-araw dahilan para sila ay bansagang "Netizen" na ngayon ay ginagamit na kung saan saan
ReplyDeleteLory Kate Avancena
BSOAMT 3-1D
Dahil Sa ngayon Bawat salita Na nag uugnay Sa Pag-ibig Ay nabibigyan Ng Mga malalalim Na HUGOT Ng Mga Kabataan ngayon lalong Lalo Na Sa Mga Taong Sawi Sa Pag-ibig.Bawat minuto,Oras at Panapanahon.
ReplyDelete-Carl Baluyot
Bpe 2-Fs1n
Para po sakin ang sawikain ng taon ay ang "HUGOT". Dahil nauso ang mga salitang may kinahuhugutan.Bilang kabataan paminsan minsan nakakagamit din ako ng mga hugot na salita. At napansin kong kahit saan akong lugar mapunta madalas ang aking naririnig ang salitang hugot.
ReplyDelete-Czarina Ortenero
BPE 2-FS1N
Para sa akin ang magiging salita ng taon ay "hugot" dahil halos lahat ng kabataan pati kanilang mga magulang ay ginagamit ang salitang ito upang humugot sa nararamdaman sa buhay.
ReplyDeleteAndrei Herzel Lopez
BBF 3-3
Para sa akin ang magiging salita ngayong taon ay ang "hugot", sapagkat marami sa salita na sasabihin ng mga tao ay dinaraan sa hugot. Tulad na lamang ng "iniwan na tayo ng tren, gaya na lamang ng pag-iwan niya sa akin", maraming salita na pwede paghugotan, at dahil narin sa marami na ngayon sa mga tao na ginagawang wika na ang paghugot dahil sa dali nitong ihambing sa buhay man o sa larangan ng pag-ibig.
ReplyDeleteAleria, Madel S.
BPE 1-2N
sa palagay ko ang magiging salita ngayon taon ay "hugot" dahil mapabata mapamatanda ay may sari-sariling hugot mula sa kanila karanasan sa buhay.
ReplyDeleteMendez,Emmanuel p
BPE 1-2N
Sa aking palagay ang maaaring maging salita ng taon ay ang salitang "HUGOT" dahil sa madalas na paggamit ng salitang itp di lang ng kabataan pati ang mga matatanda din.
ReplyDeleteRED, Rykiel Denisse E.
BPE 2-FS1N
COLLEGE OF HUMAN KINETICS
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
Para po sakin ang maari po maging salaita ng taon ay 'BULLY'
ReplyDeletedahil ang pangbubully ay laganap sa ating bansa kaya naman may mga nakakaranas ng bullying ang madalas na nagpapakamatay dahil sa sobrang pinsalang dinadala nito sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay.
BALAALDIA, Benz D.
BPE 2-FS1N
COLLEGE OF HUMAN KINETICS
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES