Sunday, September 18, 2016

Sawikaan 2016: Pagpili ng Salita ng Taon

Sawikaan 2016: Pagpili ng Salita ng Taon”

Ano sa palagay mo ang magiging Salita ng Taon?

1. netizen
2. bully
3. foundling
4. hugot
5.lumad
6. meme
7. fotobam
8. viral
9. tukod
10.milenyal



Pambansang Kumperensiya sa Wika at Sawikaan Salita ng Taon 2016, sa Oktubre na!
Muling idaraos ng Filipinas Institute of Translation, Inc. (FIT) sa pakikipagtulungan sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), National Commission for Culture and the Arts (NCCA), at UP Kolehiyo ng Edukasyon ang  “Sawikaan 2016: Pagpili ng Salita ng Taon” kasabay ng “Pambansang Kumperensiya sa Wikang Filipino” na may temang “Wikang Filipino bilang Wikang Siyentipiko” na gaganapin sa 5 – 7 Oktubre 2016, 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, sa Benitez Theater, Kolehiyo ng Edukasyon, Lungsod Quezon. Ang nabanggit na okasyon ay tinatangkilik din ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) at ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHED).
Ang Sawikaan ay isang mahalagang proyektong nagtatampok sa pamimili ng pinakamahahalagang salita na namayani sa diskurso ng mga Filipino sa nakalipas na taon. Ilan sa mga itinanghal nang Salita ng Taon ay ang canvass (2004), jueteng/huweteng (2005), lobat (2006), miskol (2007), jejemon (2010), wangwang (2012), at selfie (2014). Para sa darating na Sawikaan 2016, napiling nominado ang mga salitang netizen, bully, foundling, hugot, lumad, meme, fotobam, viral, tukod, at milenyal. Mga salita itong dulot ng nauusong laro at teknolohiya; naging laman ng telebisyon, mga social network, at balita; o iniluwal ng sumabog na kontrobersiya sa politika at matinding kalamidad. Samahan kaming balikan ang mahahalagang pangyayaring nagluwal sa mga salitang ito at saksihan kung paano ito bibigyang pakahulugan at ipagtatanggol ng mga kalahok para maging Salita ng Taon 2016! Naniniwala ang FIT na ang proyektong ito ay isang malikhain at mabisang estratehiya para mapatampok ang dinamismo ng wikang Filipino. 
Bukod sa pagpili ng salita ng taon, may inimbitahan ding mga respetadong edukador, administrador, at iskolar sa wika na magbibigay ng panayam hinggil sa napapanahong isyung pangwika. Sa taong ito, tema ng kumperensiya ang “Wikang Filipino bilang Wikang Siyentipiko” na magpapatunay na ang wikang Filipino ay lampas na sa pagiging midyum lamang ng pagtuturo at komunikasyon, bagkus, ito ay isang siyentipikong wika na kayang tumapat sa ibang wika ng daigdig at nagsisilbing wika ng lalong mataas na karunungan gaya ng agham at matematika, pilosopiya, ekonomiks, pananalapi, at iba pa. Magkakaroon din ng pakitang-turo na inaasahang makapagbibigay ng mungkahing paraan ng inter-aktibong pagtuturo ngayon sa wika na angkop sa implementasyon ng K to 12 ng DepEd. Sa huli, magkakaroon din ng Workshop upang mailatag ng mga guro ang kanilang mga pangangailangan, sariling ebalwasyon, at pangangailangan sa pagtuturo na maaaring irekomenda sa DepEd para matugunan nila sa lalong madaling panahon lalo na yaong may kaugnayan sa implementasyon ng programang K-12.
Bayarin sa rehistrasyon: P3000.00 (non-refundable, para sa registration fee, am/pm snack, tanghalian, handout, kit,  conference bag, ID, sertipiko, aklat ng Sawikaan)
Kinakailangang magpatala bago ang 23 Setyembre 2016 upang maibilang kayo bilang opisyal na delegado. Kung makapagbabayad sa o bago ang Setyembre 16, makakukuha ng 10% deskuwento. Makipag-ugnay kay Bb. Eilene G. Narvaez sa Tel. No. (02) 547-1860 o Mobile no. 0925-7102481 o sumulat sa fitsawikaan2012@gmail.com para sa hiling na opisyal na imbitasyon.

75 comments:

  1. Para saakin, Hugot ang magiging Salita ng Taon. Sapagkat madamdamin ang mga pilipino at maruong sila makiramay (Empathy) -Reji Benedict Mangahas BA-41 iAcademy

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  3. Milenyal- Kasi sa panahon ngayon, karamahin ng mga pilipino ay binubuo ng mga milenyal. Ginagawang expression na ito ngayon sapagkat ito ay nagiging sikat na salita na tumutukoy sa mga batang propesyonal. - Nikhil Dargani - BA41 - iAcademy

    ReplyDelete
  4. para sa akin ay hugot. sa panahon ngayon, masasabi ko na lahat ng nakakasalamuha kong kabataan ay may salitang hugot dahil lahat sila ay may pinaghuhugutan na. ito ay naging sikat kaya lahat ay gumagaya na. sa mga simpleng salita o malalamim nilalagyan na ito ng mga "hugot"

    ReplyDelete
  5. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  6. Ang napili ko po ay ang salitang hugot. Sapagkat sa panahon ngayon matanda man o bata ay nakiki-uso na sa mga hugot lines kumbaga. Kung anong gusto nilang ipahiwatig, sa mga bagay na nakikita o mga naririnig ay dinadaan nila sa mga hugot lines. Humu-hugot sila ayon sa kanilang mga nararamdaman o pinag-dadaanan.

    SHIELA B. DIZON
    BSCPE/BPE 1-2N

    ReplyDelete
  7. Para po sa akin, ang salita ng taon ay hugot. Sapagkat, sa bawat emosyon na nararamdaman ng isang tao, at sinasabi ito, iniisip na kaagad nila na isa itong hugot. - Jessica Florita, BA41, iAcademy

    ReplyDelete
  8. Para po sa akin ay hugot, kasi sa panahon ito mapabata o matanda ay nahuhumaling dito. Maging sa social media ay laman ito.
    -Gino Riparip BPE 2-FS1N

    ReplyDelete
  9. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  10. Para po sa Akin ay hugot Sapagkat, dito natin mailalabas ang mga nararamdaman ng isang tao kungpaano at sa panung paraan mo ipapahayag ang nararamdaman ng bawat isa.

    ANGELINE C.MADRONA
    BPE-2FS1N

    ReplyDelete
  11. Sa palagay ko po ang magiging salita ng taon ay hugot.Ito ay araw-araw mong maririnig kahit saan mapa skwelahan,telebisyon at iba pa. BPE2-FS1N SHIRALYN ANN LOZANO

    ReplyDelete
  12. Para po sakin ay hugot, dahil dito nailalabas natin ang ating sa loobin at dito natin sila mas nakikilala pa.

    - LORENCE M. ADAMOS
    BPE 2-FS1N

    ReplyDelete
  13. Para sa akin ay hugot dahil dito natin naipapahayag ang ating damdamin at dito natin naipapakita kung ano tayo bilang tao.

    - JOHN ALDREY GARCIA
    BPE 2-FS1N

    ReplyDelete
  14. Ang magiging salita ng taon para sa akin ay "viral".

    Mahalagang alam ng mga tao sa panahon ngayon ang mga viral na nangyayari sa mundo upang makasabay sa uso na tila ba may kulang sa kanilang buhay tuwing hindi nila alam ang mga pinag-uusapang viral na bidyo, litrato o mga impormasyon sa internet.

    Ang aking sagot ay ang salitang "viral" sapagkat ito ay madalas kong naririnig sa telebisyon, radyo at lalo na sa internet at kung minsan pa'y naririnig ko rin ito sa mga tao sa aking paligid.


    Casey Jericho N. Lastimosa
    BPE 2-FS1N

    ReplyDelete
  15. Sa aking palagay ang magiging salita ng taon ay ang salitang "hugot". Nagiging malikhain ang mga tao dahil nairerelate nila ang kanilang nakaraan sa isang pangungusap na parang pangkaraniwan lamang pero meron palang ibang ibig sabihin na hango sa ating mga naranasan sa buhay...

    Reyes, Jestoni Pardo
    BPE 2-FS1N
    College of Human Kinetics
    Polytechnic University of the Philippines

    ReplyDelete
    Replies
    1. Para saakin ay "hugot" dahil sa panahon ngayon mapabata man o matanda ay may mga sari-sariling hugot. dahil na rin siguro sa kanilang pinagdadaanan sa buhay.

      Emmanuel Mendez
      BPE2-2N

      Delete
    2. Para saakin ay "hugot" dahil sa panahon ngayon mapabata man o matanda ay may mga sari-sariling hugot. dahil na rin siguro sa kanilang pinagdadaanan sa buhay.

      Emmanuel Mendez
      BPE2-2N

      Delete
    3. Para saakin ay "hugot" dahil sa panahon ngayon mapabata man o matanda ay may mga sari-sariling hugot. dahil na rin siguro sa kanilang pinagdadaanan sa buhay.

      Emmanuel Mendez
      BPE2-2N

      Delete
  16. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  17. Para sakin, ang magiging salita ng taon ay 'hugot' dahil lagi itong bukambibig ng karamihan saan man tayo mapunta. Lagi itong nasasama sa mga post sa social media. Patok na patok to sa barkada, mga sawi, mga nagmahal, mga nasaktan, mga iniwan.

    Acosta, Aileen Joy G.
    BPE 2-FS1N

    ReplyDelete
  18. Sa panahon ngayon, nauuso na ang mga iba't ibang pamamaraan ng pakikipagtalastasan, gumagawa tayo ng paraan upang tayo ay pukawin sa maiiksing kataga lamang at tila sila ay mamamangha sa atin dahil ang mga kabataan ngayon ay lulong sa maagang pag-ibig. Kung kaya't para sa akin! Ang magiging salita ngayong taon ay ang "HUGOT!"

    ANDRADE, JAMES A.
    BACHELOR IN PHYSICAL EDUCATION 2-FS1N
    COLLEGE OF HUMAN KINETICS
    POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

    ReplyDelete
  19. Sa palagay ko ang salita ng taon ay ang salitang "Hugot". Kasi sa bawat salita natin lalo ang mga kabataan, sinasamahan na ng hugot o pagrerelate ng isang sitwasyon sa masidhing nakaraan ng isang tao. Nakakatuwang pakinggan kasi kahit na hindi maganda ang nais iparating ng pahayag o hugot, ay nagiging katatawanan nalang ito dahil bigla nalamang maisisingit sa usapan. Ito talaga ang dapat maging salita ng taon.

    Espiritu, Jennifer Cornellie F.
    BPE 2-FS1N
    College of Human Kinetics
    Polytechnic University of the Philippines

    ReplyDelete
  20. Para sa akin ang magiging salita ng taon ay HUGOT dahil sa panahon ngayon marami na ang sawi sa pagibig humuhugot sila ng mga salitang malalim ang nilalaman at tagos sa puso. Humuhugot sila dahil sa sakit hinagpis lungkot na nadarama nila sa mga nakalipas na pangyayari ng kanilang buhay halimbawa nalang ang niloko, pinagpalit, pinaglaruan at Iniwan sa ere.

    -Causapin Jennifer E.
    Bpe 2-FS1N

    ReplyDelete
  21. Sa akin palagay ang magiging salita ng taon ay ang "HUGOT". Dahil halos lahat ng pilipino ngayon ay humuhugot na. Kahit nga si dating sen. Miriam santiago ay humuhugot sa ulat niya. Meron naman iba kahit walang huhugutan humuhugot din. Meron naman iba na puro hugot dahil sa nararamdaman nila. Marami na talaga humuhugot ngayon kaya para sakin HUGOT ang magiging salita ng taon.

    - Mark Joshua D. Martin
    BPE 2 - FS1N

    ReplyDelete
  22. Sa aking palagay, 'hugot' ang karapatdapat na maging salita ng taon. Bakit? Dahil ang salitang iyon ay nauso hindi lamang sa mayayaman kundi sa lahat ng antas ng tao. Ginagamit ito hindi lamang ng isang ordinaryong tao kundi pati mga propesyunal.HUGOT is life.

    Rosemarie G. Hibo
    BS Chem 4-2
    PUP

    ReplyDelete
  23. Sa aking palagay, 'hugot' ang karapatdapat na maging salita ng taon. Bakit? Dahil ang salitang iyon ay nauso hindi lamang sa mayayaman kundi sa lahat ng antas ng tao. Ginagamit ito hindi lamang ng isang ordinaryong tao kundi pati mga propesyunal.HUGOT is life.

    Rosemarie G. Hibo
    BS Chem 4-2
    PUP

    ReplyDelete
  24. Para po sa akin ay #Hugot
    Kasi po sa henerasyon ngayon marami ng kabataan ang laging humuhugot at pumapag ibig. . Minsan na nga po pag may nadidinig sila ng kung ano ano binibigyan nila ng hugot kagaya na lang sa pag kakataong sumasakay ng jeep sassbihin ng passhero manong bayad po. Tapos tatanungin ng driver. Ilan to.

    Tapos humugot yung lalake ang sabi nya
    Dalawa po sana kaso iniwan nya na po ako.. Parang ganun po kaya sa palagay ko hugot talaga ang nauusong dalita ngayon dahil sa mga kabataang nababaliw sabpag ibig na yan



    Catherine mae c. Sanchez
    2-fs1n
    bPe

    ReplyDelete
  25. Para sa akin ay HUGOT ang karapatdapat na maging salita ng taon.Sa paanong paraan?Sa paraan na ito ang bukang bibig ng karamihang Pilipino.Madalas na ginagamit ang salitang HUGOT kapag ang isang tao ay nagkakapagsabi o labas ng kanyang matinding emosyon na inuugnay nya lamang sa isang simpleng bagay.Kumbaga ba ay masyado niyang pinapalalim ang kahulugan ng isang usapin sa pamamagitan nga ng pagHUGOT.Likas din kasi sa mga Pilipino ang pagiging emosyonal kaya siguro ay naging angkop ang HUGOT sa atin.

    -RAJEEVAN FLORES MANALANSAN
    BPE 2-FS1n
    Bachelor in Physical Education
    Polytechnic University of the Philippines

    ReplyDelete
  26. Palagay ko, ang magiging salita ng taon ay ang salitang HUGOT. Dahil kapansin-pansin naman sa panahon ngayon ay karamihan ay ginagamitan ng hugot ang mga salita. Dahil dito Naipararating mo ang iyong nais sabahin sa mga simpleng salita lamang at naipahahayag mo nang malaya ang emosyon na iyong nadarama.

    - Delmonte, Remmy Q.
    BPE 2-FS1N

    ReplyDelete
  27. Palagay ko, ang magiging salita ng taon ay ang salitang HUGOT. Dahil kapansin-pansin naman sa panahon ngayon ay karamihan ay ginagamitan ng hugot ang mga salita. Dahil dito Naipararating mo ang iyong nais sabahin sa mga simpleng salita lamang at naipahahayag mo nang malaya ang emosyon na iyong nadarama.

    - Delmonte, Remmy Q.
    BPE 2-FS1N

    ReplyDelete
  28. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  29. Para sa akin ang Salita ng taon ngayon ay "HUGOT" . Madalas naririnig ko ang linyang may halong padamdam. Pangungusap na may hinaing at may nais iparating. Binubuo ng mga iba't ibang konsepto, kung paano mauunawaan ng tagapakinig. At minsan sa aking pag mamasid, ang tunay na nararamdaman ay dinadaan na lang sa salitang pa-HUGOT.

    Gapido, ruel f.
    BPE 2-FS1N

    ReplyDelete
  30. HUGOT! Ang dapat na maging salita ng taon. Marami sa mga kabataan at higit lalo na sa sosyal medya ang gumagamit nito. Ginagamit ang salitang hugot lalong lalo na sa mga sawi sa pag-ibig at sa mga may pinagdadaanan sa buhay. Minsan ginagamit din bilang reaksyon sa isang pahayag. Ang salitang hugot ay napapalawig ang kaisipan ng isang tao patungkol sa isang bagay na iuugnay niya ang kanyang mga karanasan upang makabuo ng isang makabuluhan na kaisipan na maiuugnay niya din sa ibang makaririnig nito. HUGOT dapat! :)

    Naputo, Anezka Misal R.
    BSOA MT 3-1D

    ReplyDelete
  31. Sa aking palagay ang magiging salita ng taon ay "Netizen" pagkat sa modernong panahon ngayon lahat ng tao ay may kanya kanyang social media accounts na kanilang ginagamit sa pang araw-araw dahilan para sila ay bansagang "Netizen" na ngayon ay salitang ginagamit na sa kung saan saang larangan

    Lory Kate Avancena
    BSOAMT 3-1D

    ReplyDelete
  32. sa aking palagay HUGOT ang magiging salita ng taon , sa pagkat itong salitang ito ay araw araw kong naririning di lang sa mga tao sa paligid ko kundi pati narin sa telebisyon at sosyal midya .

    Domo, John Benedict
    BPE 2-FS1N

    ReplyDelete
  33. "Hugot" ang salita ng taon sa aking palagay! Kasi po ito ay usong-uso salita sa sosyal medya, madalas na ginagamit ng mga kabataan at pati sa politika, kagaya ni Sen. Miriam. Halos lahat ngayon pag may iniisip, dinadamdam o busog ng kanilang emosyon at tungkol sa pag-ibig dinadaan sa pag-hugot. Kahit sa mga pagsusulit ginagamit na rin tanong ng karamihang guro.

    Pangilinan, Clarissa Mae O.
    BSOA MT 3-1D

    ReplyDelete
  34. Para sakin hugot. Kasi Yun naman talaga ang mas ginagamit ng karamihan. Lalo na Yung mga taong palahugot. Kahit hindi marunong humugot. Nakakapang hugot. Yes! Hugooooat! Lahat ng lipunan humuhugot.
    -Judy Ann B. Resurecion
    BPE 2FSIN
    COLLEGE OF HUMAN KINETICS
    POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

    ReplyDelete
  35. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  36. Ito ay hugot ng taon sapagkat mas kilala sa ngayon ang hugot na kung gagamitin mo ay makakabuo ka ng isang emosyon na nagbibigay ng angkop na pahayag sa kung sino mang makakakita at makakabasa ito rin ay nag bibigay ng isang action na nag bibigay ng sistemang pang makabuluhan.

    Bonifacio mutuc Ariel

    BPE 1-2N

    ReplyDelete
  37. Ito ay hugot ng taon dahil maipapahayag mo ang damdaming nais at kung anuman ang makabuluhang nilalaman at ito rin ay nagbibigay ng mga kasagutan na nais mong ipabatid sa kung sino mang magbabasa.

    Bonifacio mutuc Ariel

    BPE 1-2N

    ReplyDelete
  38. Sa palagay ko HUGOT ang magiging salita ng taon. Dahil dito natin naipapahayag ang ating mga emosyon at ito na rin ang kadalasang ginagamit para masabi natin ang ating mga saloobin.

    -Almira Allyssa Razon
    BPE 2-Fs1n

    ReplyDelete
  39. Para sa akin po ay HUGOT. Sapagkat sa panahon natin ngayon karamihan ay hindi lamang kabataan ang may alam ng salitang hugot, kundi ang matatanda rin. Kahit sino ay marunong gamitin ang salitang hugot kaya sa aking palagay ito ang magiging salita ng taon.

    Zeline Joi Astudillo

    BPE 2 FS1N

    ReplyDelete
  40. Para po sa akin ang salita ng taon ay hugot, sa kadahilanang ito ay alam at papolar sa karamihan. Walang matanda o bata ang hindi makakaintindi ng salitang ito. Ito ay salitang magiging uso sa panahong ito.Sapagkat lahat ng tao ay may kaalaman sa hugot dahil ito ay kanilang iniuugnay nila sa aknilang sarili

    Pauline S. Pecho
    BSOA MT 3-1D / BPE 1-2N

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sawikaan 2016: Fotobam Hango sa salitang Ingles na “photobomb,” ginamit ni Michael Charleston Chua ang salitang “fotobam” (upang maihiwalay sa orihinal nitong Ingles, bukod sa ito rin ang ginamit sa isang dokumentaryo ng kaniyang mga estudyante noong 2014) upang ilarawan ang isyu ng pagsira ng isang gaya ng Torre de Manila sa isang pambansang simbolo.

      Delete
  41. para sakin ang magiging salita ng taon ay "HUGOT" dahil marami ang nakikiuso rito mapamatanda o bata, marahil na rin siguro ang mga filipino ang maramdamin kaya't marami tayong pinaghuhugutan sa buhay yun lamang po salamat :)

    Joyce Ann A. Bautista
    BPE 2-FS1N

    ReplyDelete
  42. Para po sa akin ang salita ng taon ay HUGOT. Sa mga comments pa lang, marami na ang pumipili ng salitang ito. Madalas ko na rin po itong naririnig, mapatelebisiyon, radyo, maging sa mga guro at kapwa estudyante.

    Marwin C. Caluya
    BBF 3-3
    PUP

    ReplyDelete
  43. Para po sakin ang ang magiging salita ng taon ay HUGOT. Dahil sa mga kabataang lagi nagsasabi nito kaya napakadaming naimpluwensyahan gamit ang teknolohiya. Mas lalo pa itong lumago dahil sa mga napapanuod sa telibisyon kaya tumangkilik ang salitang HUGOT sa lahat ng tao.


    Edelyn Pearl L. Masong
    BPE2-FS1N
    PUP

    ReplyDelete
  44. "HUGOT" yan wala ng iba pa.
    Sapagkat simula na uso ang salitang hugot ay madalas na itong ginagamit ng mga tao sa simpleng pag uusap lang nila.

    Vinluan, Anthony R.
    BPE 2-FS1N

    ReplyDelete
  45. sa palagay ko, HUGOT..
    Czarina Kristia Alba
    BBF 3-3
    PUP

    ReplyDelete
  46. Hugot ang magiging salita nang taon
    sapagkat ang salitang ito ay madalas gamitin sa social media at mga palabas sa ibat ibang palabas sa telebesyon
    katunayan nga ay ginagamit na din itong komersyal sa telebesyon upang mas makarelate sila dito at mas lalong nangkilikin.
    Ang salitang hugot kasi ay walang pinipiling edad o antas nang tao ginagamit eto sa karanasan nang tao masaya man o malungkot .

    ARMANDO JOSHUA V. CRUZ
    BPE 2-FS1N

    ReplyDelete
  47. HUGOT ang magiging salita ng taon.


    Pudot, Anabile C.
    BBF 3-3
    PUP

    ReplyDelete
  48. Ang saitang aking napili ay "HUGOT". Dahil sa panahon natin ngayon ay marami ang nakakaalam ng salitang ito. Marami din ang gumagamit nito.


    ECRAELA, GLORY JANE R.
    BPE 2-FS1N

    ReplyDelete
  49. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  50. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  51. #HUGOT Ito ang magiging salita ng taon. Kamramihan ito ang naging bukambibig sa panahon ngayon.

    Reyes, Jerrico B
    BBF 3-3
    PUP

    ReplyDelete
  52. ang aking pinipiling salita ay ang salitang "HUGOT" sa pagkat parami ng parami ang gumagamit nito

    Duclayan , Rexson

    ReplyDelete
  53. "Hugot" po ang aking napili dahil madalas itong gamitin ng mga kabataan ngayon. Lalo na sa pag-ibig, pagkabigo at personal na gawain sa buhay. Inisasama na ng kabataan ngayon sa araw araw na gawain ang paghuhugot ng malalalim na salita na nakapantutukso sa kaibigan o kapwa.

    Rhea E. Fermilan
    BPE 2-FS1N
    College of Human kinetics
    Polytechnic University of the Philippines

    ReplyDelete
  54. "Hugot" dahil sa panahon po ngayon ay madalas sa mga kabataan ay nababanggit ito. Sa ganitong paraan nila naipapahayag ang kanilang saloobin sa isang tao.

    Christine Joy U. Olacao
    BPE 2-FS1N
    College of Human Kinetics
    Polytechnic University of the Philippines

    ReplyDelete
  55. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  56. Ang pipiliin ko ay ang salitang "netizen". Sa panahon ngayon, laganap na ang social media. Tuluyan nang lumaganap ang paggamit ng internet dahil na rin sa pag-unlad ng mga makabagong teknolohiya. Karamihan sa atin ay may access sa internet at kabilang sa social apps. Ang tawag sa mga taong may access sa internet o nasa internet ay "netizen".

    Juan Paolo S. Bangayan
    BSCoE/BPE 1-2N
    College of Human Kinetics
    Polytechnic University of the Philippines

    ReplyDelete
  57. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  58. Ang napili ko pong salita ay "HUGOT". Madalas na tayong makarinig ng iba't ibang halimbawa nito sa mga nakakasalamuha natin. Tunay nga namang maramdamin ang Pilipino, pusong mamon kung kaya't hindi maitatanggi na bawat opotunidad na maipasok ang isang hugot ay ibabahagi ito sa lahat. Marahil ang taong nagbabahagi ng hugot ay idinadaan na lang minsan sa biro ang tunay na nararamdaman o hinanakit. May mga hugot din na seryosong ibinibitaw.

    Kazandra Yvette D. Valencia
    BPE 1-2N
    College of Human Kinetics
    Polytechnic University of the Philippines

    ReplyDelete