Thursday, July 23, 2015

Wikang Filipino: Susi sa Pambansang Kaunlaran ni Argel B. Nano

Wikang Filipino: Susi sa Pambansang Kaunlaran
Argel B. Nano

                        Ang wika ay isang importanteng bagay na ipinagkaloob satin ng panginoon na kung saan nagagamit natin ito upang makipagusap at higit sa lahat ay magkaroon ng komunikasyon sa kapwa. Sa mundong ating ginagalawan, maraming wika ang ginagamit ng bawat tao sa bawat lugar o kultura. Isa sa matandang wika ay ang latin na ngayon ay bibira nalang nalang ang gumagamit.  Pero gaano ba kahalaga ang wika? At paano ito nakakatulong sa pagpapaunlad ng isang bansa.
           
Kung iisipin mong mabuti ang wika ay sumisimbolo sa kulturang kanyang kinabibilangan at ang wikang Filipino ay simbolo ng ating pagkaFilipino. Pero dahil sa hiwa-hiwalay ang ating bansa iba-iba din ang ating wikang ginagamit subalit ganun paman may iisang wika parin tayong ginagamit upang magkaintindihan and bawat Filipino at ito ay ang wikang tagalong  pero sa paglipas ng panahon masakit mang isipin ang wikang ating kinagisnan ay unti-onti nang binabalewala. Sa katunayan lalo na sa panahong ito ang wikang tagalong ay wikang kalye at ang wikang Ingles ay wikang pangmayaman. Aminin man natin o hindi ito ang katotohanan at ito ay epekto ng mga dayuhang kultura na kung saan hindi natin napangalagaan at napagyaman ang ating wika kaya madalas itong nababalewala . Isang patunay rito ay kapag ang isang tao ay marunong mag salita ng Ingles ay pumapasok agad sa ating isipan na matalino ang taong ito subalit ang tao namang hindi marunong magsalita ng ingles ay bobo o walang alam. Ang bagay na ito ay isa sa pinakamasakit na katotohanan. At sino nga naman ang ayaw matuto ng Ingles, dahil kapag marunong kang mag Ingles mabilis kang makakahanap ng trabaho oo nga naman ganon talaga ang epekto satin ng Wikang Ingles.

Kaya ang ilang magasawa ay kapag bata palang ang kanilang anak ay tunuturuan agad nilang magingles para kapag lumaki ay madaling makahanap ng trabaho .Pero dahil sa kakaaral natin ng ibang wika nawawala ang ating kultura na nagiging dahilan ng hindi pagkakaunawaan o kawalan ng komunikasyon. Nanagiging dahilan din ito upang hindi  umunlad ang ating bansa. Halimbawa na lamang rito ay ang mga nasa malacanang at mga pulitiko madalas silang gumagamit ng wikang Ingles kapag iniinterbyu ng media pero kapag unang rinig mo palang sa kanyang mga sinasabi ay mapapahananga ka talaga dahil sa galing nitong mag salita ng Ingles subalit kung iyo namang uunawain at papakinggang mabuti ang kanyang mga ipinagsasabi ay napakalayo ito sa isyu na sa kanya’y itinatanong. Karamihan sa ating mga Filipino at mabilis mabilog o samadaling salita ay nauuto ng mga pulitiko kaya madalas ang mga nauupong mga pulitiko at mga walang pakialam sa kapakanan ng kanyang mamamayan at higit sa lahat ay sa bansa. 

Wikang Filipino Susi sa Pambansang Kaunlaran ni Julie Ann B. Castro

Wikang Filipino Susi sa Pambansang Kaunlaran
Julie Ann B. Castro

Mahalaga ba ang Wika ng ating bansa? Tinatangkilik mo ba ang iyong sariling wika? Ipinagdiriwang mo ba ang iyong sariling wika? Ito ang mga tanong na di mawari sa aking isipan.
Bilang isang tao tayo ay binigyan ng isip ng Panginoon upang gamitin at ipalaganap. Maraming tanong sa isipan ng tao,Mga tanong na nakakaapekto sa bawat galaw, kilos, at desisyon nito.
Sa paaralan nalalaman natin ang kahalagahan ng mga bagay-bagay katulad nalang ng wikang Pambansa. Ang isang bansa na may sariling wika ay nangangahulugang Malaya ito.
Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon. Dahil sa wika nagkakaintindihan ang tao. May mga ibat-ibang wika ang bawat lugar, komunidad at Bansa. Mahalaga ang wika ng isang bansa katulad ng wikang Filipino.
 Ang Wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura ng mga Filipino kung sino, ano at meron sila. Ang Wika ay isang mahalagang aspeto ng bawat kultura. Ito ang basehang ginagamit ng lahat ng antas ng tao sa lipunang kinagagalawan.
Sa Pilipinas ang ginagamit na wika ay Filipino. Ito ang bumubuklod sa mamamayang Filipino sa Luzon,Visayas at Mindanao.
Ang pagkakaroon ng sariling wika ay isang karangalan sa ating bansa. Ito ay isang sukatan ng yaman ng lahi sa kultura, Tradisyon, at Paniniwala. Mahalaga na ito’y ating pagyamanin para sa mga susunod na henerasyon.

Isang wika, Filipino. Isang Bansa, Pilipinas. Ipagmalaki, Magkaisa!

Wikang Filipino: Susi sa Pambansang Kaunlaran ni John Dave A. Amoguis

Wikang Filipino: Susi sa Pambansang Kaunlaran
John Dave A. Amoguis

            Likas sa ating mga Filipino ang pagiging masipag, matulungin, matiyaga, at ang pagnanais na umangat sa buhay. Madalas nga hindi na tayo nakakakain ng tatlong beses sa tatlong araw. At dahil dun mas lalo tayong nagsisikap para Nag-aaral tayo ng mabuti para makapagtapos, upang magkaroon ng permanenteng trabaho.

            Sa katunayan nga nakakalimutan na natin ang paggamit ng sarili nating wika dahil sa kakaaral ng Ingles. Hindi natin maitatanggi na, sa ating lipunan kapag ng Ingles ibig sabihin matalino ka, sosyal ka, pero di lahat ng Filipino ay magaling sa pagsasalita ng Ingles. Kaya limitado lang ang natatanggap sa trabaho dahil kadalasan Ingles ang ginagamit na lenggwahe sa interbyu. Hindi ba nila alam na mas maraming benepisyo ang makukuha kapag ginamit natin ang sarili nating wika. Ang paggamit ng wikang Filipino ay may maraming benepisyo katulad na lang ng pagkakaroon ng pagkakaintindihan, kung saan  mas maiintindihan ng mga tao ang mga dapat at di dapat nilang gawin. Pagkakaroon ng pagtutulungan at pagkakaisapara mas mapadali ang ginagawang trabaho. Ngunit masakit isipin na sa ating bansa mas tinatangkilik ang wika ng mga dayuhan kaysa sarili nating wika, akala kasi nila  na mas uunlad ang ekonomiya na ating bansa kapag Ingles ang ginamit nating wika. Ngunit may nangyari ba? Umunlad ba ng ating bansa, hindi , kasi hindi nagkakaintindihan ang bawat isa, walang pagkakaisa, walang pagtutulungan, kaya nananatiling bagsak ang ekonomiya ng ating bansa. Isipin mo, kapag wikang Filipino ang ginagamit natin sa lahat ng bagay, di ba mas mapapadali at mapapabilis ang mga gawain. Tanging ang sarili nating wika ang susi sa pambansang kaunlaran.

            Ang lahat ng tao ay may kanya-kanyang tungkulin at responsibilidad na dapat gampanan. Mga tunkulin sa pamilya, sa lipunan, at maging sa ating bansa. Iisa lang naman ang mithiin nating lahat , iyon ay ang makaahon sa hirap ng buhay upang mabigyan ng maginhawang buhay ang ating pamilya. At tanging ang sarili nating wika ang susi sa pambansang kaunlaran.



Wikang Filipino: Susi sa Pambansang Kaunlaran ni April Joy M Paderon

Wikang Filipino: Susi sa Pambansang Kaunlaran
April Joy M Paderon


         Ang wika ay isang mahalagang aspeto ng bawat kultura. Kapag tinanong tayo paano mapapadali ang pag-unlad ng ating bansa, maraming ideya at kasagutan ang pumapasok sa ating isipan. At isa sa pinakamabisang kasagutan na lumalabas ay ang paggamit ng ating sariling wika. Kung sinasabi mo na ikaw ay Filipino, gumamit ka o gamitin mo ang wikang Filipino na magbibigay katibayan sa iyong pagiging isang mamamayang may mabuting puso at may pagmamahal sa kanyang sariling bayang tinubuan.
         Kailangan ng mga mamamayang disiplinado sa lahat ng bagay, lalong –lalo na sa paggamit ng sariling wika para sa pagpapaunlad ng isang bansa. Sapagkat, ang disiplina sa paggamit ng sariling wika ang nagbibigay daan upang maging matibay ang pagkakaisa sa bawat mamamayan. At ito ang kulang sa ating mga mamamayang Filipino. Hindi natin nadidisiplina ng mabuti ang ating sarili sa paggamit ng ating sariling wika at ng ibang lengguwahe. Mas tinatangkilik pa natin ang lengguwaheng banyaga kesa sa wikang Filipino. hindi nga ba’t sayang lang natin ang ating wika kung hindi natin ito gagamitin, papaluguin, at ipagmamalaki. Samanatlang pinaghirapan itong isulong at itaguyod ng ating mga bayani. Sabi nga ng ating pambansang bayani na “ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda”. Sa pagsisimula ng paggamit ng mga Filipino ng wikang Tagalog sa unang panahon, binuhay nito ang sibilisasyon. Nagkaisa ang mga Filipino sa mas ikabubuti ng ating bansa. Mas mabilis ang naging daan para sa transportasyon at nagbigay daan ito para mas dumami ang ideya at opinion ng bawat mamamayan sa iba’t ibang parte ng PIlipinas. Pinagkaisa nito ang nakasanayang tradisyon ng iba’t ibang kultura at paniniwala.
        Kung gusto nating bigyan ng pansin ang pagpapaunlad ng ating bansa, ngayon palang ay kumilos na tayo. Tangkilikin natin ang sariling atin, bigyang halaga ang bawat salitang alam at disiplinaduhin natin ang ating mga sarili upang sa gayon ay makamit natin ang kaunlaran na ating minimithi sapagakat ang pagkakaroon ng sariling wika ay isang karangalan sa isang bansa. Ito ay isang sukatan ng yaman ng lahi sa kultura, tradisyon, at paniniwala. Mahalaga na ito’y ating pagyamanin para sa mga susunod na henerasyon upang ipagmalaki nila ito at magpatuloy na magkaroon ng pagkakaisa.

Buwan ng WIka


Buwan ng Wika 2015
 Filipino: Wika ng Pambansang Kaunlaran.