Wikang Filipino: Susi sa Pambansang Kaunlaran
April Joy M Paderon
Ang wika ay isang mahalagang aspeto ng bawat kultura. Kapag tinanong tayo paano mapapadali ang pag-unlad ng ating bansa, maraming ideya at kasagutan ang pumapasok sa ating isipan. At isa sa pinakamabisang kasagutan na lumalabas ay ang paggamit ng ating sariling wika. Kung sinasabi mo na ikaw ay Filipino, gumamit ka o gamitin mo ang wikang Filipino na magbibigay katibayan sa iyong pagiging isang mamamayang may mabuting puso at may pagmamahal sa kanyang sariling bayang tinubuan.
Kailangan ng mga mamamayang disiplinado sa lahat ng bagay, lalong –lalo na sa paggamit ng sariling wika para sa pagpapaunlad ng isang bansa. Sapagkat, ang disiplina sa paggamit ng sariling wika ang nagbibigay daan upang maging matibay ang pagkakaisa sa bawat mamamayan. At ito ang kulang sa ating mga mamamayang Filipino. Hindi natin nadidisiplina ng mabuti ang ating sarili sa paggamit ng ating sariling wika at ng ibang lengguwahe. Mas tinatangkilik pa natin ang lengguwaheng banyaga kesa sa wikang Filipino. hindi nga ba’t sayang lang natin ang ating wika kung hindi natin ito gagamitin, papaluguin, at ipagmamalaki. Samanatlang pinaghirapan itong isulong at itaguyod ng ating mga bayani. Sabi nga ng ating pambansang bayani na “ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda”. Sa pagsisimula ng paggamit ng mga Filipino ng wikang Tagalog sa unang panahon, binuhay nito ang sibilisasyon. Nagkaisa ang mga Filipino sa mas ikabubuti ng ating bansa. Mas mabilis ang naging daan para sa transportasyon at nagbigay daan ito para mas dumami ang ideya at opinion ng bawat mamamayan sa iba’t ibang parte ng PIlipinas. Pinagkaisa nito ang nakasanayang tradisyon ng iba’t ibang kultura at paniniwala.
Kung gusto nating bigyan ng pansin ang pagpapaunlad ng ating bansa, ngayon palang ay kumilos na tayo. Tangkilikin natin ang sariling atin, bigyang halaga ang bawat salitang alam at disiplinaduhin natin ang ating mga sarili upang sa gayon ay makamit natin ang kaunlaran na ating minimithi sapagakat ang pagkakaroon ng sariling wika ay isang karangalan sa isang bansa. Ito ay isang sukatan ng yaman ng lahi sa kultura, tradisyon, at paniniwala. Mahalaga na ito’y ating pagyamanin para sa mga susunod na henerasyon upang ipagmalaki nila ito at magpatuloy na magkaroon ng pagkakaisa.
No comments:
Post a Comment