Thursday, July 23, 2015

Wikang Filipino: Susi sa Pambansang Kaunlaran ni John Dave A. Amoguis

Wikang Filipino: Susi sa Pambansang Kaunlaran
John Dave A. Amoguis

            Likas sa ating mga Filipino ang pagiging masipag, matulungin, matiyaga, at ang pagnanais na umangat sa buhay. Madalas nga hindi na tayo nakakakain ng tatlong beses sa tatlong araw. At dahil dun mas lalo tayong nagsisikap para Nag-aaral tayo ng mabuti para makapagtapos, upang magkaroon ng permanenteng trabaho.

            Sa katunayan nga nakakalimutan na natin ang paggamit ng sarili nating wika dahil sa kakaaral ng Ingles. Hindi natin maitatanggi na, sa ating lipunan kapag ng Ingles ibig sabihin matalino ka, sosyal ka, pero di lahat ng Filipino ay magaling sa pagsasalita ng Ingles. Kaya limitado lang ang natatanggap sa trabaho dahil kadalasan Ingles ang ginagamit na lenggwahe sa interbyu. Hindi ba nila alam na mas maraming benepisyo ang makukuha kapag ginamit natin ang sarili nating wika. Ang paggamit ng wikang Filipino ay may maraming benepisyo katulad na lang ng pagkakaroon ng pagkakaintindihan, kung saan  mas maiintindihan ng mga tao ang mga dapat at di dapat nilang gawin. Pagkakaroon ng pagtutulungan at pagkakaisapara mas mapadali ang ginagawang trabaho. Ngunit masakit isipin na sa ating bansa mas tinatangkilik ang wika ng mga dayuhan kaysa sarili nating wika, akala kasi nila  na mas uunlad ang ekonomiya na ating bansa kapag Ingles ang ginamit nating wika. Ngunit may nangyari ba? Umunlad ba ng ating bansa, hindi , kasi hindi nagkakaintindihan ang bawat isa, walang pagkakaisa, walang pagtutulungan, kaya nananatiling bagsak ang ekonomiya ng ating bansa. Isipin mo, kapag wikang Filipino ang ginagamit natin sa lahat ng bagay, di ba mas mapapadali at mapapabilis ang mga gawain. Tanging ang sarili nating wika ang susi sa pambansang kaunlaran.

            Ang lahat ng tao ay may kanya-kanyang tungkulin at responsibilidad na dapat gampanan. Mga tunkulin sa pamilya, sa lipunan, at maging sa ating bansa. Iisa lang naman ang mithiin nating lahat , iyon ay ang makaahon sa hirap ng buhay upang mabigyan ng maginhawang buhay ang ating pamilya. At tanging ang sarili nating wika ang susi sa pambansang kaunlaran.



No comments:

Post a Comment