Wikang Filipino: Susi sa Pambansang Kaunlaran
Argel
B. Nano
Ang wika ay isang importanteng bagay
na ipinagkaloob satin ng panginoon na kung saan nagagamit natin ito upang
makipagusap at higit sa lahat ay magkaroon ng komunikasyon sa kapwa. Sa mundong
ating ginagalawan, maraming wika ang ginagamit ng bawat tao sa bawat lugar o kultura.
Isa sa matandang wika ay ang latin na ngayon ay bibira nalang nalang ang
gumagamit. Pero gaano ba kahalaga ang
wika? At paano ito nakakatulong sa pagpapaunlad ng isang bansa.
Kung iisipin mong mabuti ang wika ay
sumisimbolo sa kulturang kanyang kinabibilangan at ang wikang Filipino ay
simbolo ng ating pagkaFilipino. Pero dahil sa hiwa-hiwalay ang ating bansa
iba-iba din ang ating wikang ginagamit subalit ganun paman may iisang wika
parin tayong ginagamit upang magkaintindihan and bawat Filipino at ito ay ang
wikang tagalong pero sa paglipas ng
panahon masakit mang isipin ang wikang ating kinagisnan ay unti-onti nang
binabalewala. Sa katunayan lalo na sa panahong ito ang wikang tagalong ay wikang
kalye at ang wikang Ingles ay wikang pangmayaman. Aminin man natin o hindi ito
ang katotohanan at ito ay epekto ng mga dayuhang kultura na kung saan hindi
natin napangalagaan at napagyaman ang ating wika kaya madalas itong nababalewala
. Isang patunay rito ay kapag ang isang tao ay marunong mag salita ng Ingles ay
pumapasok agad sa ating isipan na matalino ang taong ito subalit ang tao namang
hindi marunong magsalita ng ingles ay bobo o walang alam. Ang bagay na ito ay
isa sa pinakamasakit na katotohanan. At sino nga naman ang ayaw matuto ng
Ingles, dahil kapag marunong kang mag Ingles mabilis kang makakahanap ng
trabaho oo nga naman ganon talaga ang epekto satin ng Wikang Ingles.
Kaya ang ilang magasawa ay kapag bata palang
ang kanilang anak ay tunuturuan agad nilang magingles para kapag lumaki ay
madaling makahanap ng trabaho .Pero dahil sa kakaaral natin ng ibang wika
nawawala ang ating kultura na nagiging dahilan ng hindi pagkakaunawaan o
kawalan ng komunikasyon. Nanagiging dahilan din ito upang hindi umunlad ang ating bansa. Halimbawa na lamang
rito ay ang mga nasa malacanang at mga pulitiko madalas silang gumagamit ng
wikang Ingles kapag iniinterbyu ng media pero kapag unang rinig mo palang sa
kanyang mga sinasabi ay mapapahananga ka talaga dahil sa galing nitong mag
salita ng Ingles subalit kung iyo namang uunawain at papakinggang mabuti ang
kanyang mga ipinagsasabi ay napakalayo ito sa isyu na sa kanya’y itinatanong.
Karamihan sa ating mga Filipino at mabilis mabilog o samadaling salita ay
nauuto ng mga pulitiko kaya madalas ang mga nauupong mga pulitiko at mga walang
pakialam sa kapakanan ng kanyang mamamayan at higit sa lahat ay sa bansa.
No comments:
Post a Comment