Wikang Filipino Susi sa Pambansang Kaunlaran
Julie Ann B. Castro
Mahalaga ba ang Wika ng
ating bansa? Tinatangkilik mo ba ang iyong sariling wika? Ipinagdiriwang mo ba
ang iyong sariling wika? Ito ang mga tanong na di mawari sa aking isipan.
Bilang isang tao tayo
ay binigyan ng isip ng Panginoon upang gamitin at ipalaganap. Maraming tanong
sa isipan ng tao,Mga tanong na nakakaapekto sa bawat galaw, kilos, at desisyon
nito.
Sa paaralan nalalaman
natin ang kahalagahan ng mga bagay-bagay katulad nalang ng wikang Pambansa. Ang
isang bansa na may sariling wika ay nangangahulugang Malaya ito.
Ang wika ay isang
paraan ng komunikasyon. Dahil sa wika nagkakaintindihan ang tao. May mga
ibat-ibang wika ang bawat lugar, komunidad at Bansa. Mahalaga ang wika ng isang
bansa katulad ng wikang Filipino.
Ang Wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura
ng mga Filipino kung sino, ano at meron sila. Ang Wika ay isang mahalagang
aspeto ng bawat kultura. Ito ang basehang ginagamit ng lahat ng antas ng tao sa
lipunang kinagagalawan.
Sa Pilipinas ang
ginagamit na wika ay Filipino. Ito ang bumubuklod sa mamamayang Filipino sa
Luzon,Visayas at Mindanao.
Ang pagkakaroon ng sariling
wika ay isang karangalan sa ating bansa. Ito ay isang sukatan ng yaman ng lahi
sa kultura, Tradisyon, at Paniniwala. Mahalaga na ito’y ating pagyamanin para
sa mga susunod na henerasyon.
Isang wika, Filipino.
Isang Bansa, Pilipinas. Ipagmalaki, Magkaisa!
No comments:
Post a Comment