Tema: Filipino: Wika ng Pambansang Kaunlaran
Mga Timpalak
GAWAD KWF SA
SANAYSAY 2015
MGA TUNTUNIN
1. Ang Gawad KWF sa
Sanaysay ay bukás sa lahat maliban sa mga kawani ng KWF at kanilang kaanak.
2. Ang lahok ay dapat
tumalakay sa temang Filipino: Wika ng Pambansang Kaunlaran. Inaasahan din na
may angkop itong talababa at listahan ng sanggunian.
3. Kailangang nasusulat
sa Filipino ang lahok, orihinal, hindi pa nailalathala at hindi rin salin sa
ibang wika. Marapat na hindi ito magkukulang sa 15 pahina at hindi rin sosobra
sa 30.
4. Sapagkat gabay ang
pananaliksik, marapat ang paggamit at pagbanggit ng sanggunian sa pormang MMP
(KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat) sa mga talababa, atbp.
5. Ang lahok ay
kailangang may apat (4) na kopyang makinilyado o kompiyuterisado (Font-12,
Arial), may dobleng espasyo at isang pulgadang palugit sa bawat gilid na
nakaimprenta sa short bond paper (8 ½ x 11 pulgada).
6. Ang soft copy ng
lahok ay kailangang ilagay sa isang compact disc (CD). Kinakailangang magtaglay
lamang ng sagisag-panulat (pen name) at hindi tunay na pangalan ng kalahok ang
dokumento sa soft copy man o sa nakaimprentang kopya.
7. Hindi patatawarin ang
sino mang mahuhuli at mapapatunayang nangopya. Kakanselahin ng KWF ang
ipinagwaging lahok nito sa timpalak at hindi na muling makasasali pa sa
alinmang timpalak ng KWF.
8. Anumang pasiya ng
Lupon ng Inampalan ay pinal at hindi na maipaghahabol. Lahat ng lahok, nanalo
man o natalo, ay hindi na ibabalik sa
mga kalahok at angkin ng KWF ang karapatang mailathala ang mga nagwaging lahok
nang walang royalty sa mga may-akda.
9. Isang selyadong No.
10 envelope na maglalaman ng hiwalay na pormularyo sa paglahok para sa buong
detalye ng may-akda (maaaring i-download sa www.kwf.gov.ph) kasama ang dalawang
retrato (2x2) at maikling biodata.
10. Ipadala ang lahok
(na may apat na kopya), pormularyo ng aplikasyon na may kalakip na larawan ng
may akda at CD sa:
Lupon sa Timpalak
2015
Komisyon sa Wikang
Filipino
2F Watson Bldg., 1610
JP Laurel St.,
San Miguel, Manila
1005
Hanggang 3 Hulyo 2015,
5:00 nh lamang ang pagtanggap ng mga lahok. Hindi tatanggapin ang mga ipinasa
sa pamamagitan ng email.
Para sa kaukulang
tanong, tumawag sa (02) 736- 2524; 736-2519
at hanapin si Roy Rene Cagalingan. Bisitahin rin ang www.kwf.gov.ph para sa
karagdagang impormasyon.
GAWAD
DANGAL NG WIKANG FILIPINO 2015
MGA TUNTUNIN
Bukás na ang nominasyon para sa lahat
ng indibidwal, samahan, tanggapan o institusyon, at mga ahensiyang
pampamahalaan o pribado na may natatanging ambag o nagawa tungo sa pagsusulong,
pagpapalaganap, pagpapayabong, at preserbasyon ng wikang Filipino.
Ang mga indibidwal na nabanggit dapat
nakapagpamalas ng mahusay na paggamit ng wikang Filipino sa kanilang mga tuklas
at pananaliksik, mga programa at serbisyong naitaguyod, o anumang produksiyon
at likha.
Hanggang 3 Hulyo 2015, 5:00 nh lamang ang pagtanggap ng mga nominasyon.
Hindi tatanggapin ang mga nominasyon na ipinadala sa pamamagitan ng email o
fax.
1. Marapat na dumaan sa rekomendasyon ang
nominadong entidad. Maaaring isang samahan, tanggapan, institusyon o indibidwal
ang magpasok o magharap ng kanilang nominado. I-download ang pormularyo ng
nominasyon sa KWF website, www.kwf.gov.ph.
2. Kasama ang pormularyo ng nominasyon,
ang nag-eendoso ay kinakailangang maglakip ng anumang credential o katibayan na
magpapatotoo sa lawas ng paggawa ng iminumungkahing nominado kahit sa loob
lamang ng nakalipas na tatlong (3) taon.
3. Mananatiling kompidensyal sa Lupon ng
Gawad ang lahat ng nominasyon. Dadaan ang mga nasabing nominasyon sa proseso ng
deliberasyon at ang mga desisyon ay pinal at hindi maipaghahabol.
4. Ipadala sa koreo o nang personal ang
nasagutang pormularyo sa nominasyon, credentials (o iba pang katibayan) sa:
Lupon sa
Gawad
Komisyon sa
Wikang Filipino
Gusaling
Watson, 1610 Daang JP Laurel,
San Miguel,
Maynila
Makipag-ugnayan kay
Roy Rene Cagalingan ng Sangay ng Edukasyon at Networking sa 736-2524, 736-2525
o 736-2519 para sa mga paglilinaw at iba pang impormasyon
ULIRANG
GURO SA FILIPINO 2015
MGA TUNTUNIN
Ang Ulirang Guro sa Filipino ang
taunang gawad na ibinibigay ng Komisyon sa Wikang Filipino sa mga pilî at
karapat-dapat na guro sa Filipino sa kahit anong antas ng edukasyon sa bawat
rehiyon.
Hinahangad ng tanggapan na makilala at
maipagparangalan ang mga natatanging guro sa Filipino na nagpamalas ng angking
husay, talino, at dedikasyon sa pagpapalaganap at promosyon ng wikang Filipino
at/o mga wika at kultura sa kanilang komunidad.
1. Bukás ang timpalak sa mga guro sa
Filipino, maliban sa mga kawani ng KWF at mga direktor ng Sentro ng Wika at
Kultura (SWK), at kanilang mga kaanak hanggang ikalawang digri (degree).
2. Ang mga nominado ay kinakailangang
magtaglay ng mga sumusunod na katangian:
a.
May hawak na kaukulang lisensiya (LET, atbp.), full-time at permanenteng
status.
b.
Nakapaglingkod nang tatlo o higit pang taon bílang guro ng Filipino o mga
kaugnay na disiplina na ang gamit ay Filipino bílang wikang panturo sa anumang
antas ng edukasyon at may antas ng kahusayan (performance rating) na hindi
bababa sa Very Satisfactory sa buong panahon ng paglilingkod.
c.Nakapag-ambag
sa pagpapalaganap ng wikang Filipino sa rehiyon sa pamamagitan ng pananaliksik,
publikasyon, seminar, pagsasanay, palihan, at iba pang katulad na aktibidad.
d.
Nanguna sa pagpapahalaga sa pamanang pangwika at pangkultura ng Filipinas
kaagapay ng pagtaguyod at pagpapaunlad sa wikang Filipino.
e.
Nakatanggap ng parangal at/o iba pang gawad kaugnay sa kaniyang propesyon
(opsiyonal).
f.
Rekomendasyon mula sa immediate superior ng kaniyang paaralan na nagpapatunay
ng kagalingan bílang guro sa Filipino na may makabansa at makataong kamalayan.
3. Maaaring magpása ang paaralan ng
higit sa isang nominasyon. Ang bawat nominasyon ay kailangang mailakip sa isang
long brown envelope na maglalaman ng sumusunod:
a.
pormularyo para sa nominasyon;
b.
rekomendasyon ng immediate superior ng paaralan; at
c.
folio ng mga katibayan ng pagkilala, gawad, publikasyon, at mga naisagawang
seminar, palihan, at mga proyektong may kaugnayan sa wika at kultura.
4. Maaaring ipadala sa tanggapan ng
Sentro ng Wika at Kultura (SWK) sa inyong probinsiya/rehiyon ang mga
nominasyon. Ang hulíng araw ng pagpapadala ay sa 3 Hulyo 2015, 5 nh. Hindi na mauurong
ang araw ng pagsusumite. Ang mga lahok na ipinadala sa pamamagitan ng koreo ay
kailangang matanggap ng mga SWK nang hindi lalampas sa petsang nabanggit.
5. Makatatanggap ng medalya at
katibayan ng pagkilala ang mga mapipiling Ulirang Guro sa Filipino.
6. Ang pasiya ng inampalan ay pinal at
hindi na mababago. Lahat ng lahok, nanalo man o natalo, ay hindi na ibabalik ng
KWF.
Para sa karagdagang detalye, tumawag
sa Sangay ng Edukasyon at Networking (SEN) sa 736-2519.
No comments:
Post a Comment