Thursday, May 7, 2015

UNANG LEKTURANG NORBERTO L. ROMUALDEZ, ISASAGAWA

UNANG LEKTURANG NORBERTO L. ROMUALDEZ, ISASAGAWA


Idaraos ang kauna-unahang Lekturang Norberto L. Romualdez sa 5 Hunyo 2015, 8:00 nu-12:00 nt sa Court of Appeals Auditorium, Ermita, Maynila. Sa taong ito, ang panauhing tagapanayam ay si Dr. Ambeth Ocampo ng Pamantasang Ateneo de Manila. Tatalakayin niya ang kasaysang kultural ng bansa.

Ang Lekturang Norberto L. Romualdez ay serye ng lektura na sisimulan ngayong taon. Layunin nitong makaipon ng mga intelektuwalisadong panayam hinggil sa araling pangkultura. Idaraos ito bilang pagpaparangal kay Kgg. Norberto L. Romualdez—naging Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman ng Filipinas, at bilang mambabatas ay arkitekto ng Batas Komonwelt Blg. 184 na lumikha sa Surian ng Wikang Pambansa (ngayon ay Komisyon sa Wikang Filipino) na nangasiwa sa pagpili ng Wikang Pambansa.

Bukás ito sa publiko. Walang babayarang rehistrasyon, bagaman limitado ang KWF sa pagtanggap ng unang 30 kalahok. Para sa pagpapatala, tumawag sa 708-6972/736-2525 lok. 105, hanapin si Pinky Jane Tenmatay o Lourdes Hinampas o mag-email sa tenmataypinkyjane@rocketmail.com.

Ang proyektong ito ay pangungunahan ng KWF sa pakikipagtulungan sa Court of Appeals.

http://kwf.gov.ph/unang-lekturang-norberto-l-romualdez-isasagawa/


No comments:

Post a Comment