GAWAD
DANGAL NG WIKANG FILIPINO 2015
MGA TUNTUNIN
Bukás na ang nominasyon para sa lahat
ng indibidwal, samahan, tanggapan o institusyon, at mga ahensiyang
pampamahalaan o pribado na may natatanging ambag o nagawa tungo sa pagsusulong,
pagpapalaganap, pagpapayabong, at preserbasyon ng wikang Filipino.
Ang mga indibidwal na nabanggit dapat
nakapagpamalas ng mahusay na paggamit ng wikang Filipino sa kanilang mga tuklas
at pananaliksik, mga programa at serbisyong naitaguyod, o anumang produksiyon
at likha.
Hanggang 3 Hulyo 2015, 5:00 nh lamang ang pagtanggap ng mga nominasyon.
Hindi tatanggapin ang mga nominasyon na ipinadala sa pamamagitan ng email o
fax.
1. Marapat
na dumaan sa rekomendasyon ang nominadong entidad. Maaaring isang samahan,
tanggapan, institusyon o indibidwal ang magpasok o magharap ng kanilang
nominado. I-download ang pormularyo ng nominasyon sa KWF website,
www.kwf.gov.ph.
2. Kasama
ang pormularyo ng nominasyon, ang nag-eendoso ay kinakailangang maglakip ng
anumang credential o katibayan na magpapatotoo sa lawas ng paggawa ng
iminumungkahing nominado kahit sa loob lamang ng nakalipas na tatlong (3) taon.
3. Mananatiling
kompidensyal sa Lupon ng Gawad ang lahat ng nominasyon. Dadaan ang mga nasabing
nominasyon sa proseso ng deliberasyon at ang mga desisyon ay pinal at hindi
maipaghahabol.
4. Ipadala
sa koreo o nang personal ang nasagutang pormularyo sa nominasyon, credentials
(o iba pang katibayan) sa:
Lupon
sa Gawad
Komisyon
sa Wikang Filipino
Gusaling
Watson, 1610 Daang JP Laurel,
San
Miguel, Maynila
Makipag-ugnayan kay Roy Rene
Cagalingan ng Sangay ng Edukasyon at Networking sa 736-2524, 736-2525 o
736-2519 para sa mga paglilinaw at iba pang impormasyon.
http://kwf.gov.ph/gawad-dangal-ng-wikang-filipino-2015/
No comments:
Post a Comment