Friday, May 22, 2015

GAWAD KWF SA SANAYSAY 2015



MGA TUNTUNIN

1. Ang Gawad KWF sa Sanaysay ay bukás sa lahat maliban sa mga kawani ng KWF at kanilang kaanak.

2. Ang lahok ay dapat tumalakay sa temang Filipino: Wika ng Pambansang Kaunlaran. Inaasahan din na may angkop itong talababa at listahan ng sanggunian.

3. Kailangang nasusulat sa Filipino ang lahok, orihinal, hindi pa nailalathala at hindi rin salin sa ibang wika. Marapat na hindi ito magkukulang sa 15 pahina at hindi rin sosobra sa 30.   
4. Sapagkat gabay ang pananaliksik, marapat ang paggamit at pagbanggit ng sanggunian sa pormang MMP (KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat) sa mga talababa, atbp. 
5. Ang lahok ay kailangang may apat (4) na kopyang makinilyado o kompiyuterisado (Font-12, Arial), may dobleng espasyo at isang pulgadang palugit sa bawat gilid na nakaimprenta sa short bond paper (8 ½ x 11 pulgada).
6. Ang soft copy ng lahok ay kailangang ilagay sa isang compact disc (CD). Kinakailangang magtaglay lamang ng sagisag-panulat (pen name) at hindi tunay na pangalan ng kalahok ang dokumento sa soft copy man o sa nakaimprentang kopya.
7. Hindi patatawarin ang sino mang mahuhuli at mapapatunayang nangopya. Kakanselahin ng KWF ang ipinagwaging lahok nito sa timpalak at hindi na muling makasasali pa sa alinmang timpalak ng KWF.
8. Anumang pasiya ng Lupon ng Inampalan ay pinal at hindi na maipaghahabol. Lahat ng lahok, nanalo man o  natalo, ay hindi na ibabalik sa mga kalahok at angkin ng KWF ang karapatang mailathala ang mga nagwaging lahok nang walang royalty sa mga may-akda.   
9. Isang selyadong No. 10 envelope na maglalaman ng hiwalay na pormularyo sa paglahok para sa buong detalye ng may-akda (maaaring i-download sa www.kwf.gov.ph) kasama ang dalawang retrato (2x2) at maikling biodata. 
10. Ipadala ang lahok (na may apat na kopya), pormularyo ng aplikasyon na may kalakip na larawan ng may akda at CD sa:                                            
                                                Lupon sa Timpalak 2015                                           
                                                Komisyon sa Wikang Filipino                                                 
                                                2F Watson Bldg., 1610 JP Laurel St.,                                               
                                                San Miguel, Manila 1005      
Hanggang 3 Hulyo 2015, 5:00 nh lamang ang pagtanggap ng mga lahok. Hindi tatanggapin ang mga ipinasa sa pamamagitan ng email.

Para sa kaukulang tanong, sumulat sa komfil.gov@gmail.com o tumawag sa (02) 736- 2524; 736-2519 at hanapin si Roy Rene Cagalingan. Bisitahin rin ang www.kwf.gov.ph para sa karagdagang impormasyon.  


http://kwf.gov.ph/kwf-gawad-sanaysay/

No comments:

Post a Comment