Ulirang Guro sa Filipino 2016
Ang Komisyon sa Wikang Filipino ay muling tatanggap ng mga nominasyon para sa Gawad sa Ulirang Guro sa Filipino 2016. Ito ang taunang gawad na ibinibigay ng Komisyon sa Wikang Filipino sa mga pilî at karapat-dapat na guro sa Filipino sa kahit anong antas ng edukasyon sa bawat rehiyon.
Alinsunod ito sa atas ng Batas Republika blg. 7104 na manghikayat at magpalaganap ng wikang Filipino sa pamamagitan ng mga grant, insentibo, at mga gawad, hinahangad ng tanggapan na maitaguyod at maipagparangalan ang mga natatanging guro na patuloy na katuwang ng KWF sa pagpapalaganap ng wikang Filipino sa bansa.
Mga Tuntunin
1. Bukás ang timpalak sa mga guro sa Filipino, maliban sa mga kawani ng KWF at mga direktor ng Sentro ng Wika at Kultura (SWK), at kanilang mga kaanak hanggang ikalawang digri (degree).
2. Ang mga nominado ay kinakailangang magtaglay ng sumusunod na katangian:
a. May hawak na kaukulang lisensiya (LET, atbp.), full-time at may permanenteng istatus.
b. Nakapaglingkod nang tatlo (3) o higit pang taon bílang guro ng Filipino o mga kaugnay na disiplina na ang gamit ay Filipino bílang wikang panturo sa anumang antas ng edukasyon at may antas ng kahusayan (performance rating) na hindi bababa sa Very Satisfactory sa buong panahon ng paglilingkod.
c. May makabuluhang ambag sa mga saliksik pangwika at pangkultura ng rehiyon.
d. Nakapag-ambag sa pagpapalaganap at promosyon ng Wikang Filipino at/o mga wika at kultura sa larangan ng pagtuturo sa kanilang komunidad sa pamamagitan ng publikasyon, seminar, pagsasanay, palihan, at iba pang katulad na gawain.
e. Nanguna sa pagpapahalaga sa pamánang pangwika at pangkultura ng Filipinas kaagapay ng pagtataguyod at pagpapaunlad sa wikang Filipino.
f. Nakatanggap ng parangal at/o iba pang gawad kaugnay sa kaniyang propesyon (opsiyonal).
g. Rekomendasyon mula sa immediate superior ng kaniyang paaralan na nagpapatunay ng kagalingan bílang guro sa Filipino na may makabansa at makataong kamalayan.
3. Maaaring magpása ang paaralan ng higit sa isang nominasyon. Ang bawat nominasyon ay kailangang mailakip sa isang long brown envelope na maglalaman ng sumusunod:
Pormularyo para sa nominasyon (maaaring madownload sa websayt ng KWF);
Rekomendasyon ng immediate superior ng paaralan; at
Folio ng mga katibayan ng pagkilala, gawad, publikasyon, at mga naisagawang seminar, palihan, at mga pananaliksik at proyektong may kaugnayan sa wika at kultura.
4. Isasama sa mga nominado ang mga nominasyon noong nakaraang taon (2014) na nag-update ng kanilang mga dokumento. Ngunit kung walang idadag sa mga dokumentong naipasa noong nakaraang taon, hindi na ito isasama.
5. Maaaring ipadala ang mga nominasyon sa tanggapan ng Sentro ng Wika at Kultura (SWK) na nasa probinsiya/rehiyong kinabibilangan ng nominado. Maaari ding ipadala ang mga ito sa tanggapan ng KWF. Ang huling araw ng pagsusumite ay 17 Hunyo 2016. Hindi na mauurong ang araw ng pagsusumite.
6. Makatatanggap ng medalya at katibayan ng pagkilala ang mga mapipiling Ulirang Guro sa Filipino.
7. Ang pasiya ng inampalan ay pinal at hindi na mababago. Lahat ng lahok, nanalo man o natalo, ay hindi na ibabalik ng KWF.
Para sa karagdagang tanong at detalye, mangyaring hanapin si Bb. Jeslie O. del Ayre at makipag-ugnayan sa:
Komisyon sa Wikang Filipino
Gusaling Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel
San Miguel, Maynila
Telepono: (02) 7362525 loc. 101, 7352519
Email: komfil@kwf.gov.ph, ssgkwf@gmail.com
Website: www.kwf.gov.ph
Thursday, May 19, 2016
Tuesday, May 17, 2016
KWF, tumatanggap na ng mga nominasyon para sa Ulirang Guro 2016
KWF, tumatanggap na ng mga nominasyon para sa Ulirang Guro 2016
Ang Ulirang Guro sa Filipino, isang prestihiyosong gawad sa mga guro na ibinibigay ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), ay tumatanggap na muli ng mga nomisyon para sa taóng 2016.
Pagkilala ang gawad sa mga pilî at karapat-dapat na mga guro sa Filipino sa lahat ng antas. Kinakailangang nakapaglingkod nang tatlo (3) o higit pang taon ang lisensiyadong guro at mayroong mayroong rating na hindi bababa sa Very Satisfactory.
Dagdag pa, mahalagang salik din ang pagpapahalaga at pagtataguyod ng wikang pambansa kasama ang mga saliksik pangwika at pangkultura sa rehiyon na ginawa ng nominadong guro.
Kikilalanin ang mga Ulirang Guro 2016 sa KWF Araw ng Gawad sa 19 Agosto 2016. Ang araw ding ito ang ika-138 anibersaryo ng kapanganakan ni dating pangulong Manuel L.
Quezon, ang tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa.”
17 Hunyo 2016 ang huling araw ng pagpapasa. Para sa karagdagang detalye, maaaring tumawag sa 736-2524 at hanapin si Bb. Jeslie Del Ayre. Maaari ding bumisita sa kwf.gov.ph, o magpadala ng email sa komisyonsawikangfilipino@gmail.com.
Ang Ulirang Guro sa Filipino, isang prestihiyosong gawad sa mga guro na ibinibigay ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), ay tumatanggap na muli ng mga nomisyon para sa taóng 2016.
Pagkilala ang gawad sa mga pilî at karapat-dapat na mga guro sa Filipino sa lahat ng antas. Kinakailangang nakapaglingkod nang tatlo (3) o higit pang taon ang lisensiyadong guro at mayroong mayroong rating na hindi bababa sa Very Satisfactory.
Dagdag pa, mahalagang salik din ang pagpapahalaga at pagtataguyod ng wikang pambansa kasama ang mga saliksik pangwika at pangkultura sa rehiyon na ginawa ng nominadong guro.
Kikilalanin ang mga Ulirang Guro 2016 sa KWF Araw ng Gawad sa 19 Agosto 2016. Ang araw ding ito ang ika-138 anibersaryo ng kapanganakan ni dating pangulong Manuel L.
Quezon, ang tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa.”
17 Hunyo 2016 ang huling araw ng pagpapasa. Para sa karagdagang detalye, maaaring tumawag sa 736-2524 at hanapin si Bb. Jeslie Del Ayre. Maaari ding bumisita sa kwf.gov.ph, o magpadala ng email sa komisyonsawikangfilipino@gmail.com.
Monday, April 18, 2016
Thursday, July 23, 2015
Wikang Filipino: Susi sa Pambansang Kaunlaran ni Argel B. Nano
Wikang Filipino: Susi sa Pambansang Kaunlaran
Argel
B. Nano
Ang wika ay isang importanteng bagay
na ipinagkaloob satin ng panginoon na kung saan nagagamit natin ito upang
makipagusap at higit sa lahat ay magkaroon ng komunikasyon sa kapwa. Sa mundong
ating ginagalawan, maraming wika ang ginagamit ng bawat tao sa bawat lugar o kultura.
Isa sa matandang wika ay ang latin na ngayon ay bibira nalang nalang ang
gumagamit. Pero gaano ba kahalaga ang
wika? At paano ito nakakatulong sa pagpapaunlad ng isang bansa.
Kung iisipin mong mabuti ang wika ay
sumisimbolo sa kulturang kanyang kinabibilangan at ang wikang Filipino ay
simbolo ng ating pagkaFilipino. Pero dahil sa hiwa-hiwalay ang ating bansa
iba-iba din ang ating wikang ginagamit subalit ganun paman may iisang wika
parin tayong ginagamit upang magkaintindihan and bawat Filipino at ito ay ang
wikang tagalong pero sa paglipas ng
panahon masakit mang isipin ang wikang ating kinagisnan ay unti-onti nang
binabalewala. Sa katunayan lalo na sa panahong ito ang wikang tagalong ay wikang
kalye at ang wikang Ingles ay wikang pangmayaman. Aminin man natin o hindi ito
ang katotohanan at ito ay epekto ng mga dayuhang kultura na kung saan hindi
natin napangalagaan at napagyaman ang ating wika kaya madalas itong nababalewala
. Isang patunay rito ay kapag ang isang tao ay marunong mag salita ng Ingles ay
pumapasok agad sa ating isipan na matalino ang taong ito subalit ang tao namang
hindi marunong magsalita ng ingles ay bobo o walang alam. Ang bagay na ito ay
isa sa pinakamasakit na katotohanan. At sino nga naman ang ayaw matuto ng
Ingles, dahil kapag marunong kang mag Ingles mabilis kang makakahanap ng
trabaho oo nga naman ganon talaga ang epekto satin ng Wikang Ingles.
Kaya ang ilang magasawa ay kapag bata palang
ang kanilang anak ay tunuturuan agad nilang magingles para kapag lumaki ay
madaling makahanap ng trabaho .Pero dahil sa kakaaral natin ng ibang wika
nawawala ang ating kultura na nagiging dahilan ng hindi pagkakaunawaan o
kawalan ng komunikasyon. Nanagiging dahilan din ito upang hindi umunlad ang ating bansa. Halimbawa na lamang
rito ay ang mga nasa malacanang at mga pulitiko madalas silang gumagamit ng
wikang Ingles kapag iniinterbyu ng media pero kapag unang rinig mo palang sa
kanyang mga sinasabi ay mapapahananga ka talaga dahil sa galing nitong mag
salita ng Ingles subalit kung iyo namang uunawain at papakinggang mabuti ang
kanyang mga ipinagsasabi ay napakalayo ito sa isyu na sa kanya’y itinatanong.
Karamihan sa ating mga Filipino at mabilis mabilog o samadaling salita ay
nauuto ng mga pulitiko kaya madalas ang mga nauupong mga pulitiko at mga walang
pakialam sa kapakanan ng kanyang mamamayan at higit sa lahat ay sa bansa.
Wikang Filipino Susi sa Pambansang Kaunlaran ni Julie Ann B. Castro
Wikang Filipino Susi sa Pambansang Kaunlaran
Julie Ann B. Castro
Mahalaga ba ang Wika ng
ating bansa? Tinatangkilik mo ba ang iyong sariling wika? Ipinagdiriwang mo ba
ang iyong sariling wika? Ito ang mga tanong na di mawari sa aking isipan.
Bilang isang tao tayo
ay binigyan ng isip ng Panginoon upang gamitin at ipalaganap. Maraming tanong
sa isipan ng tao,Mga tanong na nakakaapekto sa bawat galaw, kilos, at desisyon
nito.
Sa paaralan nalalaman
natin ang kahalagahan ng mga bagay-bagay katulad nalang ng wikang Pambansa. Ang
isang bansa na may sariling wika ay nangangahulugang Malaya ito.
Ang wika ay isang
paraan ng komunikasyon. Dahil sa wika nagkakaintindihan ang tao. May mga
ibat-ibang wika ang bawat lugar, komunidad at Bansa. Mahalaga ang wika ng isang
bansa katulad ng wikang Filipino.
Ang Wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura
ng mga Filipino kung sino, ano at meron sila. Ang Wika ay isang mahalagang
aspeto ng bawat kultura. Ito ang basehang ginagamit ng lahat ng antas ng tao sa
lipunang kinagagalawan.
Sa Pilipinas ang
ginagamit na wika ay Filipino. Ito ang bumubuklod sa mamamayang Filipino sa
Luzon,Visayas at Mindanao.
Ang pagkakaroon ng sariling
wika ay isang karangalan sa ating bansa. Ito ay isang sukatan ng yaman ng lahi
sa kultura, Tradisyon, at Paniniwala. Mahalaga na ito’y ating pagyamanin para
sa mga susunod na henerasyon.
Isang wika, Filipino.
Isang Bansa, Pilipinas. Ipagmalaki, Magkaisa!
Wikang Filipino: Susi sa Pambansang Kaunlaran ni John Dave A. Amoguis
Wikang Filipino:
Susi sa Pambansang Kaunlaran
John Dave A. Amoguis
Likas sa ating mga Filipino ang
pagiging masipag, matulungin, matiyaga, at ang pagnanais na umangat sa buhay.
Madalas nga hindi na tayo nakakakain ng tatlong beses sa tatlong araw. At dahil
dun mas lalo tayong nagsisikap para Nag-aaral tayo ng mabuti para makapagtapos,
upang magkaroon ng permanenteng trabaho.
Sa katunayan nga nakakalimutan na
natin ang paggamit ng sarili nating wika dahil sa kakaaral ng Ingles. Hindi
natin maitatanggi na, sa ating lipunan kapag ng Ingles ibig sabihin matalino ka,
sosyal ka, pero di lahat ng Filipino ay magaling sa pagsasalita ng Ingles. Kaya
limitado lang ang natatanggap sa trabaho dahil kadalasan Ingles ang ginagamit
na lenggwahe sa interbyu. Hindi ba nila alam na mas maraming benepisyo ang
makukuha kapag ginamit natin ang sarili nating wika. Ang paggamit ng wikang
Filipino ay may maraming benepisyo katulad na lang ng pagkakaroon ng
pagkakaintindihan, kung saan mas
maiintindihan ng mga tao ang mga dapat at di dapat nilang gawin. Pagkakaroon ng
pagtutulungan at pagkakaisapara mas mapadali ang ginagawang trabaho. Ngunit
masakit isipin na sa ating bansa mas tinatangkilik ang wika ng mga dayuhan
kaysa sarili nating wika, akala kasi nila na mas uunlad ang ekonomiya na ating
bansa kapag Ingles ang ginamit nating wika. Ngunit may nangyari ba? Umunlad ba
ng ating bansa, hindi , kasi hindi nagkakaintindihan ang bawat isa, walang
pagkakaisa, walang pagtutulungan, kaya nananatiling bagsak ang ekonomiya ng
ating bansa. Isipin mo, kapag wikang Filipino ang ginagamit natin sa lahat ng
bagay, di ba mas mapapadali at mapapabilis ang mga gawain. Tanging ang sarili
nating wika ang susi sa pambansang kaunlaran.
Ang lahat ng tao ay may kanya-kanyang
tungkulin at responsibilidad na dapat gampanan. Mga tunkulin sa pamilya, sa
lipunan, at maging sa ating bansa. Iisa lang naman ang mithiin nating lahat ,
iyon ay ang makaahon sa hirap ng buhay upang mabigyan ng maginhawang buhay ang
ating pamilya. At tanging ang sarili nating wika ang susi sa pambansang
kaunlaran.
Wikang Filipino: Susi sa Pambansang Kaunlaran ni April Joy M Paderon
Wikang Filipino: Susi sa Pambansang Kaunlaran
April Joy M Paderon
Ang wika ay isang mahalagang aspeto ng bawat kultura. Kapag tinanong tayo paano mapapadali ang pag-unlad ng ating bansa, maraming ideya at kasagutan ang pumapasok sa ating isipan. At isa sa pinakamabisang kasagutan na lumalabas ay ang paggamit ng ating sariling wika. Kung sinasabi mo na ikaw ay Filipino, gumamit ka o gamitin mo ang wikang Filipino na magbibigay katibayan sa iyong pagiging isang mamamayang may mabuting puso at may pagmamahal sa kanyang sariling bayang tinubuan.
Kailangan ng mga mamamayang disiplinado sa lahat ng bagay, lalong –lalo na sa paggamit ng sariling wika para sa pagpapaunlad ng isang bansa. Sapagkat, ang disiplina sa paggamit ng sariling wika ang nagbibigay daan upang maging matibay ang pagkakaisa sa bawat mamamayan. At ito ang kulang sa ating mga mamamayang Filipino. Hindi natin nadidisiplina ng mabuti ang ating sarili sa paggamit ng ating sariling wika at ng ibang lengguwahe. Mas tinatangkilik pa natin ang lengguwaheng banyaga kesa sa wikang Filipino. hindi nga ba’t sayang lang natin ang ating wika kung hindi natin ito gagamitin, papaluguin, at ipagmamalaki. Samanatlang pinaghirapan itong isulong at itaguyod ng ating mga bayani. Sabi nga ng ating pambansang bayani na “ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda”. Sa pagsisimula ng paggamit ng mga Filipino ng wikang Tagalog sa unang panahon, binuhay nito ang sibilisasyon. Nagkaisa ang mga Filipino sa mas ikabubuti ng ating bansa. Mas mabilis ang naging daan para sa transportasyon at nagbigay daan ito para mas dumami ang ideya at opinion ng bawat mamamayan sa iba’t ibang parte ng PIlipinas. Pinagkaisa nito ang nakasanayang tradisyon ng iba’t ibang kultura at paniniwala.
Kung gusto nating bigyan ng pansin ang pagpapaunlad ng ating bansa, ngayon palang ay kumilos na tayo. Tangkilikin natin ang sariling atin, bigyang halaga ang bawat salitang alam at disiplinaduhin natin ang ating mga sarili upang sa gayon ay makamit natin ang kaunlaran na ating minimithi sapagakat ang pagkakaroon ng sariling wika ay isang karangalan sa isang bansa. Ito ay isang sukatan ng yaman ng lahi sa kultura, tradisyon, at paniniwala. Mahalaga na ito’y ating pagyamanin para sa mga susunod na henerasyon upang ipagmalaki nila ito at magpatuloy na magkaroon ng pagkakaisa.
Subscribe to:
Posts (Atom)
