Thursday, February 23, 2017

Magsumite sa Aklat ng Bayan!

Magsumite sa Aklat ng Bayan!

Hinihikayat ang mga mananaliksik, manunulat, guro, at mga eksperto na magsumite ng kanilang panukalang publikasyon na ililimbag sa ilalim ng programang Aklat ng Bayan ng KWF. Ang Aklat ng Bayan ay isang paraan ng pagtatanghal sa kapasidad ng wikang Filipino bilang wika ng malikhain at intelektuwal na gawain. Isang paraan ito ng pag-iimbak ng karunungan sa iba’t ibang disiplina na Filipino ang wika sa pagsulat at saliksik.

Sasagutin ng KWF ang lahat ng gastusin sa paglalathala mula sa editing hanggang sa pagpapaimprenta ng manuskrito. Dadaan sa Lupon sa Monitoring at Ribyu ng KWF ang mga manuskrito para sa kaukulang pagsusuri at pag-aproba ng panukalang proyekto at pagkaraan ay sa Yunit ng Publikasyon para sa kaukulang editing, layouting, at pagpapalimbag. Isusunod sa KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat ang format ng pagsulat ng talababa, talasanggunian, atbp ng manuskrito. Hindi tatanggapin ng KWF ang mga plahiyadong akda.

Kinakailangang maglakip ang proponent ng kaniyang curriculum vitae. Kinakailangan ding maglakip ng referral letter mula sa dalawang propesyonal hinggil sa pag-endoso ng manuskrito. Ipadadala ang mga panukalang publikasyon sa komisyonsawikangfilipino@gmail.com na may kaukulang email sabjek na PANUKALA AKLAT NG BAYAN.

SALI(N) NA! LÓPEZ-JAENA 2017

SALI(N) NA! LÓPEZ-JAENA 2017

Inaanyayahan namin kayong lumahok sa Sali(n) Na!, ang taunang patimpalak ng Komisyon sa Wikang Filipino sa pagsasalin ng pinakamahahalagang tekstong pampanitikan, pangkultura, at/o pangkasaysayan.

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-161 anibersaryo ng kapanganakan ni Graciano Lopez-Jaena (Disyembre 18, 1856–2017), itatampok sa taóng ito ang Fray Botod at ang iba pang piling akda sa Discursos Y Articulos Varios na nakasulat sa wikang Español.

Ang huling araw ng pagsusumite ng lahok ay sa 19 Agosto 2017.

TUNTUNIN:

1. Bukás ang timpalak sa lahat, kabilang ang mga dayuhan na marunong mag-Filipino maliban sa mga kawani ng KWF at kanilang mga kaanak.

2. Ang pangunahing sanggunian ng isasaling tekstong Español ay matatagpuan lamang sa website ng KWF. I-download ang PDF file nito sa www.kwf.gov.ph.

3. Mula Español tungong Filipino ang gagawing pagsasalin. Ang salin ay kailangang orihinal na likha ng kalahok at hindi pa nalalathala sa alinmang publikasyon. Hindi patatawarin ang sinumang nahuli at napatunayang nagkasala sa pangongopya. Kakanselahin ng KWF ang ipinagwaging lahok nito sa timpalak at hindi na muling makasasali pa sa alinmang timpalak ng KWF.

4. Isa (1) lamang entri ng salin ang maaaring isumite. Ang bawat lahok ay kailangang ilagay sa isang long brown envelope na maglalaman ng sumusunod:

(a)    Apat (4) na kopyang makinilyado o kompiyuterisado, gagamit ng font na Arial 12pt, doble espasyo sa 8 ½” x 11” na bond paper na may palugit na isang (1) pulgada sa itaas at ibaba at sa magkabilang tabi. Kinakailangang notaryado ang ilalahok na gawa bilang katunayan na orihinal ito ng nagsalin. Kinakailangang magtataglay lamang ng sagisag-panulat (pen name) at hindi tunay na pangalan ng kalahok ang dokumento. Ito ay dapat na naka-book bind.

(b)    Isang (1) CD na maglalaman naman ng file (soft copy, Microsoft Word file) ng salin.

(c)    Isang selyadong No. 10 envelope na maglalaman ng hiwalay na pormularyo sa paglahok para sa buong detalye ng nagsalin kasama ang dalawang retrato (2×2) at ang maikling biodata.

5. Ang tatanghaling pinakamahusay na salin ay tatanggap ng Walompung Libong Piso PHP 80,000 at plake ng pagkilala. Mayroong unang opsiyon ang KWF na ilathala ang nagwaging entri na walang dagdag na bayad sa nagsalin maliban sa royalti ng bawat mabebentang kopya ng libro.

6. Ang lahok na salin ay maaaring dalhin nang personal o ipadala sa koreo sa:

Lupon sa Sali(n) Na! 2016
Komisyon sa Wikang Filipino
2/P Gusaling Watson,
1610 J.P. Laurel St.
1005 San Miguel, Maynila

7. Hindi tatanggapin ang entri na ipinadala sa email.

8. Ang huling araw ng pagsusumite ng lahok ay sa 19 Agosto 2017, 5nh. Hindi na mauurong ang araw ng pagsusumite. Ang mga lahok na ipinadala sa pamamagitan ng koreo ay kailangang matanggap ng KWF nang hindi lalampas sa petsang nabanggit.

9. Ang pasiya ng inampalan ay pinal at hindi na mababago. Lahat ng lahok, nanalo man o natalo, ay hindi na ibabalik sa mga kalahok at angkin ng KWF ang karapatang mailathala ang nagwaging lahok.

10. Para sa karagdagang detalye, tumawag sa Sangay ng Salin sa telepono blg. (02) 243-9789

Gawad KWF sa Sanaysay 2017

Gawad KWF sa Sanaysay 2017

1. Ang Gawad KWF sa Sanaysay ay bukás sa lahat maliban sa mga kawani ng KWF at kanilang kaanak.

2. Ang paksa ng sanaysay ay maaaring pagtalakay ng konsepto o resulta ng saliksik sa larang na humanidades, agham-pangkalikasan, agham panlipunan, matematika, o mga katulad.

3. Kailangang nasusulat sa Filipino ang lahok, orihinal, hindi pa nailalathala, at hindi rin salin mula sa ibang wika. Marapat na hindi ito magkukulang sa 15 pahina at hindi rin sosobra sa 30.

4. Bilang saliksik, kailangang sumusunod ang paraan ng pagsulat nito sa mga tuntuning nakasaad sa KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat.

5. Ang lahok ay kailangang may apat (4) na kopyang makinilyado o kompiyuterisado (Font-12, Arial), may dobleng espasyo, at may isang pulgadang palugit sa bawat gilid na nakaimprenta sa short bond paper na may laking 8 ½ x 11 pulgada.  Ang soft copy ng lahok ay kailangang ilagay sa isang compact disc (CD).

6. Kinakailangang nagtataglay lamang ng sagisag-panulat (pen name) ang dokumento, soft copy man o nakaimprentang kopya.

7. Kasama ng ipapasang lahok ay isang isang selyadong No. 10 envelope na naglalaman ng hiwalay na pormularyo sa paglahok para sa buong detalye ng may-akda, dalawang retrato (2×2) ng kalahok, at maikling biodata.

8. Ipadala ang lahat ng kahingian sa:
Gawad KWF sa Sanaysay 2017
Komisyon sa Wikang Filipino
2F Watson Bldg., 1610 JP Laurel St.,
San Miguel, Manila 1005

9. Anumang pasiya ng Lupon ng Inampalan ay pinal at hindi na maipaghahabol. Lahat ng lahok, nanalo man o  natalo, ay hindi na ibabalik sa mga kalahok at angkin ng KWF ang karapatang mailathala ang mga nagwaging lahok nang walang royalty sa mga may-akda.

10.  Ang gantimpala ay ang sumusunod: una, P30,000.00 at karangalang maging “Mananaysay ng Taon”; pangalawa, P20,000.00; pangatlo, P15,000.00.

11. Hindi patatawarin ang sino mang mahuhuli nagplahiyo. Kakanselahin ng KWF ang ipinagwaging lahok at hindi na muling makasasali pa sa alinmang timpalak ng KWF.

Hanggang 29 Hunyo 2017, 5:00 nh ang pagtanggap ng mga lahok. Hindi tatanggapin ang mga lahok na ipinasa sa email.

Para sa mga tanong, tumawag sa (02) 736- 2524 o 736-2519. Bisitahin rin ang www.kwf.gov.ph para sa karagdagang impormasyon.

Gawad Julian Cruz Balmaseda

Gawad Julian Cruz Balmaseda

Ang Gawad Julian Cruz Balmaseda ay ang pinakamataas na pagkilala na handog ng KWF para sa natatanging tesis at disertasyon sa agham, matematika, agham panlipunan gamit ang wikang Filipino.
Layunin nito na hikayatin at palaganapin, sa pamamagitan ng sistemang mga insentibo, ang mga grant at gawad,  ang pagsusulat at publikasyon-sa Filipino at ibang mga wikang Filipinas-ng mga akdang orihinal, kabilang ang mga teksbuk at sangguniang materyales sa ibat-ibang disiplina.

Mga Tuntunin

1. Ang gawad ay bukas sa lahat maliban sa mga empleado ng KWF at kanilang mga kaanak.

2. Ang ilalahok na tesis at/odisertasyon ay naipasa sa mga taong 2015 at 2016.

Kinakailangan itong isulat bilang kahingian sa mga kursong may kaugnayan sa agham, matematika,  agham panlipunan at sa iba pang kaugnay sa larang.

3. Kailangang nasusulat sa Filipino and lahok, orihinal, hindi pa nailathala at hindi rin salin sa ibang wika.

4. Marapat na gamitin ang KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat (MMP) bilang format sa pagsulat ng tababa, talasanggunian, at iba pa.

5. Ang lahok ay kailangang isumite nang apat (4) na kopyang makinilyado o kompiyuterisado (hardcopy) at nakalagay sa isang cpmaq disc (CD). May lakip na curriculum vitae, pormularyo sa paglahok, at rekomendasyon mula sa dalawang (2) propesor. Ang apat (4) na hardcopy, CD, curriculum vitae, pormularyo ng paglahok at rekomendasyon ay nakalagay sa expanding brown envelope na may pangalan at adres ng kalahok. Ipadadala ang mga lahok sa:

Lupon sa Gawad Julian Cruz Balmaseda
2/P Gusaling Watson 1610 Kaklye J.P. Laurel
San Miguel, Maynila 1005

Makatatanggap ng halagang PHP100,000 (net) at isang plake ng pagkilala ang magwawagi ng naturang gawad. Lahat ng isinumiteng kopya ng mga lahok, nanalo man o natalo, ay hindi na ibabalik sa mga kalahok  Angkin ng KWF ang unang opsiyon na mailathala ang mga nagwaging lahok nang walang royalti sa may-akda.

Ang huling araw ng pagpapasa ng lahok ay Biyernes, 29 Setyembre 2017.
Para sa karagdagang impormasyon ay maaaring tumawag sa telepono blg. (632) 736-2519, mag-email sa komisyonsawikangfilipino@gmail.com, o bumisita sa kwf.gov.ph.

SALI(N) NA, POE!

SALI(N) NA, POE!

Ang Sali(n) Na, Poe! ay isang timpalak sa pagsasalin sa Filipino ng mahahalagang tekstong pampanitikan na naglalayong hikayatin ang mga kabataan na lumahok sa gawaing pagsasalin. Para sa taóng 2017, ang tekstong isasalin ay ang mga piling tula ni Edgar Allan Poe.
Ito ay bukas sa lahat ng kabataang nása edad 12–17. Ang mga lalahok ay maaaring mag-aaral o out-of-school youth na naninirahan sa Filipinas

1. Ang Sali(n) Na, Poe! ay bukás sa lahat ng kabataang nasa edad 12–17 maliban sa mga kaanak ng mga empleado ng KWF. Ang akdang isasalin ay alinman sa tulang pinili ng KWF na mada-download sa www.kwf.gov.ph. Isang tula lamang ang isasalin.

2. Mulang Ingles tungong Filipino ang gagawing pagsasalin. Ang salin ay kailangang orihinal na likha ng kalahok, at hindi pa nalalathala sa alinmang publikasyon o nagwagi sa alinmang timpalak bago ang 17 Marso 2017. Hindi patatawarin ang sinumang nahuli at napatunayang nagkasala sa pangongopya. Kakanselahin ng KWF ang ipinagwaging lahok nito sa timpalak at hindi na muling makasasali pa sa alinmang timpalak ng KWF.

3. Isa (1) lamang entri ng salin ang maaaring isumite. Ang bawat lahok ay kinakailangang nasa anyong PDF, gagamit ng font na Arial na may laking 12 pt, doble espasyo sa 8 ½” x 11” na bond paper na may palugit na isang (1) pulgada sa itaas at ibaba at sa magkabilang tabi.

4. Ang sumusunod na mga dokumento ay kailangang nakalagay sa isang selyadong long brown envelope: (1) tatlong hard copy ng lahok; (2) isang CD na naglalaman ng digital na kopya ng entri; (3) pormularyo sa paglahok (mada-download sa KWF website o KWF facebook); (4) pormularyo sa pahintulot ng magulang; at (5) sertipikasyon mula sa prinsipal ng paaralan para sa mga mag-aaral o sertipikasyon mula sa punong barangay para sa mga out of school youth. Tanging ang pamagat lamang ng lahok isusulat o ilalagay sa envelope. Ipadadala ang naturang dokumento sa:

Lupon sa Sali(n) Na, Poe!
2F Gusali Watson, 1610 Kalye J. P. Laurel
Malacañang Complex, San Miguel
Lungsod Maynila

Maari ding ipadala ang mga lahok sa email na KWF na komisyonsawikangfilipino@gmail.com.

5. Ang mga lahok ay kinakailangang matanggap ng KWF bago o sa 17 Marso 2017, 5nh.

6. Ang mga magwawagi ay tatanggap ng sumusunod na gantimpalang salapi:

Unang gantimpala: PHP5,000.00
Ikalawang gantimpala: PHP3,500.00
Ikatlong gantimpala: PHP1,500.00

7. Anumang pasiya ng Lupon ng Inampalan ay pangwakas at hindi na mababago. Ang lahat ng lahok, nanalo man o natalo, ay hindi na ibabalik sa mga kalahok at angkin ng KWF at ng ka-tagapagtaguyod nitó ang unang opsiyon na mailathala ang mga nagwaging lahok nang walang royalti sa may-akda.

8. Para sa mga tanong, sumulat sa komisyonsawikangfilipino@gmail.como komfil@kwf.gov.ph o tumawag sa (02) 736-2519. Maaaring bisitahin rin ang kwf.gov.ph para sa karagdagang impormasyon.

TALAANG GINTO: MAKATA NG TAON 2017

Talaang Ginto: Makata ng Taon 2017

Ang TALAANG GINTO: MAKATA NG TAON ay timpalak sa pagsulat ng tula na itinataguyod ng Komisyon sa Wikang Filipino kaugnay ng pagdiriwang ng Araw ni Balagtas tuwing Ika-2 ng Abril taon-taon.

Nilalayon ng timpalak na lalo pang pasiglahin at pataasin ang uri ng panulaang Filipino sa pamamagitan ng pagkilala sa mga batikan at baguhang talino.

Mga Tuntunin:

1. Bukás ang timpalak sa lahat, maliban sa mga kawani ng KWF at kanilang kaanak.

2. Ang entring ipapasa ay maaaring isang mahabang tula na may isang daan (100) o higit pang taludtod, o isang koleksiyon ng sampu (10) o higit pang maikling tula. Kinakailangang may pamagat ang ipapásang koleksiyon. Malaya ang paksa ngunit kailangang tumatalakay sa isang mahalagang paksaing panlipunan sa kasalukuyan. Ang ipapásang mahabang tula o maiikling tula ay may tugma at sukat. Hindi bababa sa antas tudlikan ang tugmaan.

3. Ang lahok ay kailangang orihinal at nasusulat sa Filipino, hindi salin ng nalathala nang tula, at hindi pa nalalathala sa alinmang publikasyon. Hindi patatawarin ang sino mang mahuli at mapatunayang nagkasala ng pangongopya. Kakanselahin ng KWF ang ipinagwaging lahok nito sa timpalak at hindi na muling makasasali pa sa alinmang timpalak ng KWF.

4. Apat (4) na kopyang makinilyado o kompiyuterisado, gagamit ng font na Arial 12pt, doble espasyo sa 8 ½” x 11” na bond paper na may palugit na isang (1) pulgada sa itaas at ibaba at sa magkabilang tabi. Kinakailangang notaryado ang ilalahok bílang katunayan na orihinal ito. Kinakailangang magtataglay lámang ng sagisag-panulat (pen name) at walang kahit anong pahiwatig ng tunay na pangalan ng kalahok. Ang tulang ipapása ay ilalagay rin sa isang CD. Ilalakip ang mga kopya ng tula, kasama ang CD, sa isang brown envelope.

5. May hiwalay na pormularyo sa paglahok na mada-download sa www.kwf.gov.ph. Lalakipan ng 2 x 2 retrato ang Talaang Ginto pormularyo sa paglahok. Ilalagay sa hiwalay na selyadong sobre ang pormularyo kasama ang biodata ng makata. Isasama ang selyadong sobreng ito sa brown envelope na ipapása. Hindi tatanggapin ang lahok na ipadadala sa pamamagitan ng email.

6. Ang mga gantimpala ay ang sumusunod:

Unang gantimpala PHP30,000 + titulong “Makata ng Taon 2017”
Ikalawang gantimpala PHP20,000.00
Ikatlong gantimpala PHP15,000.00.
Lahat ng lalahok ay tatanggap ng Katunayan ng Paglahok.

7. Ang lahok ay maaaring dalhin nang personal o ipadala sa koreo sa:

Lupon sa Talaang Ginto 2017
Komisyon sa Wikang Filipino
2/F Watson Bldg., 1610 J.P. Laurel St.
San Miguel, Manila

8. Ang hulíng araw ng pagsusumite ng lahok ay sa 27 PEBRERO 2017. Hanggang 5 nh ang oras ng pagpapasa. Hindi na mauurong ang araw ng pagsusumite. Tatanggapin ng KWF ang mga lahok na naka-postmark ng 27 Pebrero 2017.

9. Ang pasiya ng inampalan ay pinal at hindi na mababago. Lahat ng lahok, nanalo man o natalo, ay hindi na ibabalik sa mga kalahok at magiging pag-aari ng KWF ang karapatang mailathala ang mga nagwaging lahok nang walang royalti sa mga makata.

10. Para sa karagdagang detalye tumawag sa telepono blg. (632) 736-2519 

BANTAYOG-WIKA

BANTAYOG-WIKA

Timpalak sa Disenyo

Deskripsiyon

Ang Bantayog-Wika ay isang pagdadambana sa isang di-materyal na pamanang pangkultura (intangible cultural heritage) ng bansa dahil sa mahalaga nitong papel sa pagbuo at pagpapatibay ng pambansang identidad.  Hindi lamang ito sumasalamin sa yaman ng mga wika kundi kakikitahan din ng mga kaalamang pangkultura ng pamayanang kinapapalooban nila.  Sa ganitong paraan, lalalim ang tangkilik at pagpapahalaga ng mga Filipino sa yamang nakapaloob sa kanilang mga katutubong wika.

Mula ang salitang bantayog sa pinagsámang bantay at matayog, na nangangahulugan sa mataas na estrukturang itinayô bilang parangal sa isang makabuluhang tao o pangyayari. Mayroong higit 100 wika ang iba’t ibang pangkating etnolingguwistiko bukod sa wikang pambansa, ang Filipino, at may walong pangunahing wika (Bikol, Ilokano, Hiligaynon, Kapampangan, Pangasinan, Sebwano, Mëranaw, at Warray). Nilalayon ng Bantayog-Wika na makalikha sa hinaharap ng mga monumento para sa lahat ng mga katutubong wika ng Filipinas. Bawat bantayog ay katatagpuan ng mga katutubong katangian ng sinasagisag na kultura.

Mga Tuntunin
1. Kalahok
1.1. Maaaring sumali sa timpalak ang lahat ng mamamayang Filipino, maliban sa mga empleado ng KWF at kanilang mga kaanak
1.2. Ang bawat kalahok ay maaaring magpasa ng isang lahok lamang.
1.3. Ang ipinásang lahok ay kinakailangang malaya mula sa karapatan ng ikatlong partido. Ang KWF ay labas sa anumang uri ng pananagutan sa kaso ng litigasyon o pagtatalo na maaaring malikha ng pagsuway sa kontratang ito.
1.4. Ang disenyador ng mapipiling disenyo ay tatanggap ng halagang PHP80,000.00 na babawasan ng kaukulang buwis.

2. Lokasyon
2.1. Ang magwawaging likha ay itatanghal sa mga tukoy na lugar sa iba’t ibang bahagi ng bansa, na mayroong pag-aproba ng KWF at ng pamahalaang lokal sa lugar na pagtatayuan.

3. Kahingian sa Disenyo
3.1. Ang lahok ay dapat orihinal at hindi pa naililimbag, hindi pa napili o ginawaran ng anumang premyo sa mga timpalak, at hindi reproduksiyon ng ibang gawa na nailabas na o ginagawa pa lámang.
3.2. Ang disenyo ay may pangkalahatang motiff  na pangwika (gamit ang baybaying W) na maaaring lapatan ng katutubong disenyo ng kultura ng wika.
3.3. Ang disenyo ay kailangang isaalang-alang ang sumusunod na kahingian:
3.3.1. May taas na anim na talampakan (6 ft) o higit pa ang bantayog
3.3.2. May espasyo para sa deskripsiyon ng wika, panitikan, kasaysayan, o katulad ng lugar, na maaaring hitsurang mesa o lectern.
3.3.3. Ang materyales na maaaring gamitin sa bantayog ay kailangang tumatagal nang mahabang panahon gaya ng marmol, bakal, o katulad.

4. Pagsusumite ng Lahok
4.1. Ang mga lahok na ipapása ay kailangang iprisenta sa anyong modelo o nasa prototype scale. Ang modelo o protype ay dapat gawa sa matibay na materyales na pinili ng manlilikha upang maitanghal ito sa publiko. Ang súkat ay hindi lalagpas sa 60 sm (23.62 pulgada) at di kukulangin sa 15 sm. (5.91 pulgada), sa lahat ng dimensiyon nito.
4.2. Kasama ng modelo ang paliwanag hinggil sa mga elemento, teknikal na aspekto, at iba pa upang mas maintindihan ang kabuuang kahulugan ng gawa.
4.3. Ang paliwanag ay isusumite sa anyong PDF na nasa CD/DCD at maaaring lakipan ng mga reproduksiyong online, retrato (JPG), dibuho (na nasa PDF o A4).

5. Dokumentasyon
5.1. Maaaring kumuha ng pormularyo ng paglahok sa kwf.gov.ph. Ang lahat ng mga pisikal na lahok ay kailangang isumite sa KWF.
5.2. Kailangang isama sa ipapasang lahok ang buong pangalan ng manlilikha kasama ang pamagat ng timpalak na Bantayog ng Wika.
5.3. Ang sumusunod ay dapat ipása: Kompletong Pormularyo ng Paglahok kalakip ang mga tuntunin ng timpalak, kasama ang naka-zipfile na kopya ng ID o passport, resumé na nasa A4, limang (5) retrato na naka-PDF o JPG ng mga naunang nagawang eskultura, at dokumentasyon na nakasaad sa numero 4.2 hinggil sa mungkahing proyekto, modelo at paliwanag.
5.4. Kung magkakaroon ng problema sa pagpapadala ng file, maaari itong ipadala sa: komisyonsawikangfilipino@gmail.com
5.5. Ang aktuwal na proyekto (modelo ng eskultura) ay ipadadala sa:
Lupon sa Bantayog ng Wika
Komisyon sa Wikang Filipino
Gusaling Watson, 1610 Kalye J. P. Laurel
Malacañang Complex, San Miguel,
Lungsod Maynila

5.6. Sasagutin ng bawat kalahok ang gastos sa paglahok. Hindi responsable ang KWF sa anumang sira o pagkawala na maaaring maidulot sa pagpapadala nito.

6. Pagtanggap ng Lahok
6.1. Ang huling araw ng pagsusumite ng lahok ay sa 28 PEBRERO 2017
6.2. Ang mga napiling lahok ay magiging pag-aari ng KWF, at isinesuguro ang indibidwal na karapatan ng manlilikha at ang kaniyang gawa sa ilalim ng batas.
6.3. Ang mga di-napiling lahok ay maaaring makuha ng mga manlilikha o awtorisadong kinatawan sa loob ng tatlumpung (30) araw sa tanggapan ng KWF matapos ang pag-anunsiyo ng pasiya ng Lupon ng Inampalan
7. Ang KWF ay may karapatang ipalaganap ang publikasyon at eksibisyon ng lahat ng mga lahok. Mayroon din itong karapatan sa reproduksiyon upang tuluyang maipakalat ang timpalak sa pinakamahusay na paraan.

Bantayog-Wika: Isang materyal na sagisag para isang di-materyal na pamanang pangkultura

Inilunsad ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at ni Senador Loren Legarda ang Bantayog-Wika, isang proyektong naglalayong isamonumento ang mga katutubong wika ng Filipinas sa pamamagitan ng mga pisikal na estrukturang sasagisag sa halaga ng mga wikang katutubo bílang baul ng yaman ng katutubong kaalaman, halagahan, gawi, tradisyon, at kasaysayan ng mga Filipino. Isa itong natatanging gawain upang isakongreto ang isang di-materyal na pamanang pangkultura (intangible cultural heritage).

Mula ang salitang bantayog sa pinagsámang bantay at matayog, na nangangahulugan sa mataas na estrukturang itinayô bilang parangal sa isang makabuluhang tao o pangyayari. Mayroong higit 100 wika ang iba’t ibang pangkating etnolingguwistiko bukod sa wikang pambansa, ang Filipino, at may walong pangunahing wika (Bikol, Ilokano, Hiligaynon, Kapampangan, Pangasinan, Sebwano, Mëranaw, at Warray). Nilalayon ng Bantayog-Wika na makalikha sa hinaharap ng mga monumento para sa lahat ng mga katutubong wika ng Filipinas. Bawat bantayog ay katatagpuan ng mga katutubong katangian ng sinasagisag na kultura.

Para sa kabuoang disenyo ng Bantayog-Wika, magbubukás ng isang timpalak para sa lahat ng mga Filipino, maliban sa mga kawani ng KWF at kanilang kaanak. Kinakailangang orihinal ang lahok, at maglalaman ng mga katangiang katutubo. Mayroong nakalaang PHP80,000.00 para sa magwawaging entry.

Isa ang Bantayog-Wika sa maraming proyektong inilinya ng KWF sa 2017  bilang bahagi ng pagtupad nito sa kaniyang mandato tungo sa pagpapaunlad, pagtataguyod, at preserbasyon ng mga wika ng Filipinas.

Para sa mga detalye, kontakin si John Torralba ng Sangay ng Edukasyon at Network sa 736-2519, o magpadala ng email sa komisyonsawikangfilipino@gmail.com

Panawagan para sa Koordineytor sa proyektong Bantayog-Wika ng KWF

Inaanyayahan ang mga interesadong indibidwal na magsumite ng aplikasyon bilang koordineytor sa monumental na proyektong Bantayog-Wika ng Komisyon sa Wikang Filipino, ang natatanging ahensiyang pangwika ng pamahalaan.

Isang proyekto ang bantayog na magsasamonumento ng mga katutubong wika ng Filipinas sa pamamagitan ng mga pisikal na estrukturang sasagisag sa halaga ng mga wikang katutubo bílang baul ng yaman ng katutubong kaalaman, halagahan, gawi, tradisyon, at kasaysayan ng mga Filipino. Isa itong natatanging gawain upang isakongreto ang isang di-materyal na pamanang pangkultura (intangible cultural heritage).

Tatagal nang tatlong taon ang pagtatatag ng mga Bantayog-Wika. Sa inisyal nitong implementasyon ngayong 2017, malaking bahagi ng proyekto ang ilalaan sa timpalak at koordinasyon sa Kagawaran ng Interyor at Lokal na Pamamahala (DILG) at mga lokal na yunit ng pamahalaan para sa pagtatatag at pagpapasinaya ng mga Bantayog-Wika.

Pangunahin sa gagawin ng tagapag-ugnay ang pagpaplano at pagsusuri ng gawain, pakikipag-ugnay sa mga ahensiya at lokal na yunit ng pamahalaan, pagsubaybay sa lagay, at pagtiyak sa mahusay na implementasyon ng mga ipatatayông Bantayog-Wika.

Maaaring magpasa ng liham ng aplikasyon at CV sa komisyonsawikangfilipino@gmail.com, o tumawag sa 736-2519 para sa karagdagang detalye. Tatanggap ang KWF ng mga aplikasyon hanggang 17 Pebrero 2017.

Mga Kalahok sa Pambansang Kampo Balagtas 2017 PAMBANSANG KAMPO BALAGTAS 2017

Mga Kalahok sa Pambansang Kampo Balagtas 2017
PAMBANSANG KAMPO BALAGTAS 2017

31 Marso–2 Abril 2017

Orion Elementary School, Orion, Bataan

Mga Kalahok

Alay, April Rose
Mataas na Paaralan ng Manolo Fortich, Bukidnon

Alcera, Hermie
Calbayog National High School, Samar

Alejandria, Maria Liza
Bato National High School, Lungsod Sagay, Negros Occidental

Andan, Angelica V.
Navotas National High School

Antoco, Liza Diane A.
Northville 15 Integrated School, Lungsod Angeles, Pampanga

Astronomo, Myles Joshua
Manuel B. Guinez Sr. National High School, Lungsod Mati, Davao Oriental

Banticil, Julie Mae
Salvador National High School, Lanao Del Norte

Basher, Raihana I
Marawi Central National HS

Bayaona, Jairo E.
Sta. Maria National HS- Extension, Ifugaw

Bench, Matias Sinano Jr
Francisco G. Nepomuceno Memorial High School, Lungsod Angeles, Pampanga

Berina, Joylyn Jope
Sagay National High School, Lungsod Sagay, Negros Occidental

Brazil, Princess Lumabi
Leyte National High School

Bucatcat, Rosemae V.
San Roque National High School, Lungsod Navotas

Caballero, Rico V.
Bonifacio Javier National High School, Lungsod Mandaluyong

Cabauatan, Jeanesse Rhabellie
Sta. Maria National HS- Extension, Ifugaw

Cailing, Kryzzel Nova
Mataas na Paaralan ng Manolo Fortich, Bukidnon

Caliwan, Renz Louie Camposano
Marasbaras National High School, Leyte

Candia, Kayla G.
Manuel B. Guinez Sr. National High School, Lungsod Mati,   Davao Oriental

Centeno, Precious Mae V.
Manaoag National High School, Pangasinan

Cruz, Soleil
Philippine High School for the Arts

Curo, Norharim S.
Dansalan College, Lungsod Marawi

Dampac, Selywn Miles M.
Cordillera Regional Science High School

Dasalla, Lovelle Alpha C.
Sta. Maria National HS- Extension, Ifugaw

De Castro, Dan Francis
Cavite National High School

De Guzman, Alleah
Tangos National High School, Lungsod Navotas

De Guzman, Raver John S.
Philippine Science HS-Central Luzon Campus

De Guzman, Russel B.
Makati High School

Enriquez, Yeoj Enna S.
Cavite National High School

Escalora, Lovely O
Pambansang Mataas na Paaralan ng Sorsogon

Escio, Rizza Mae
Don Quintin Paredes High School, Lungsod Quezon

Estaño, Angel
Cebu City National High School

Eugenio, Bless Zeil T.
Manuel B. Guinez Sr. National High School, Lungsod Mati, Davao Oriental

Forones, Luriane Kaye
Manuel B. Guinez Sr. National High School, Lungsod Mati, Davao Oriental

Gajana, Jhon Romar P.
Bonifacio Javier National High School, Lungsod Mandaluyong

Galias, Aira May T.
Malabon National High School

Gamboc, Shairee Joy M.
Sta. Maria National HS- Extension, Ifugaw

Gigawin, Rayvelyn G.
Kaunlaran High School, Lungsod Navotas

Gonzales, Bernadeth R.
Pambansang Mataas na Paaralan ng Agno, Pangasinan

Labrague, Gladwin Bryan T.
Philippine Science HS-Central Luzon Campus

Lames, Annabel P.
Makati High School

Layson, Liechet Allyson O.
Northville 15 Integrated School, Lungsod Angeles, Pampanga

Mamao, Abdul Ghani M.
Gumaca National High School, Quezon

Manalo, Alyssa S.
Gumaca National High School, Quezon

Manzano, Marian S.
Atimonan National Comprehensive High School, Quezon

Mendoza, Nadia Ondoc
Malabon National High School

Mercado, Christian Joy
Northville 15 Integrated School, Lungsod Angeles, Pampanga

Mercado, Javielyn
Kaunlaran High School, Lungsod Navotas

Mina, Allynn B.
Sta. Lucia National High School, Quezon

Mondares, Irish
Salvador National High School, Lanao Del Norte

Morales, Aames Juriel R.
Cavite National High School

Musico, Allan G.
Bonifacio Javier National High School, Lungsod Mandaluyong

Nening, Florian R.
Pambansang Mataas na Paaralan ng Agno, Pangasinan

Obeso, Philippe Bernard L.
Cebu City National High School, Cebu

Olojan, Cyra
Calbayog National High School, Samar

Pabayan, Krishane
Mataas na Paaralan ng Manolo Fortich, Bukidnon

Paderogo, Maria Mary Grace L.
San Rafael Technological High School, Lungsod Navotas

Pendon, Farah Mae
San Isidro National High School, San Isidro, Camarines Sur

Picazo, Rizza D.
Malabon National High School

Pionela, Roshelle C.
Sta. Lucia National High School, Quezon

Pitogo, Linzy Lovely B.
Sta. Lucia National High School, Quezon

Quijano, Karelle M.
Cavite National High School

Ramos, Emerson John L.
Philippine Science HS-central Luzon Campus

Regala, Justine Grace E.
Philippine Science HS-Central Luzon Campus

Rocafor, Minnie L.
Sta. Lucia National High School, Quezon

Rojo, Abegail
Calbayog National High School, Samar

Salazar, Kaila Jane D.
Malabon National High School

Saura, Karen Claire
Bulanon National High School, Lungsod Sagay, Negros Occidental

Sumagaysay, Christine
Sagay National High School-Lopez Jaena Ext., Lungsod Sagay, Negros Occidental

Tarrayo, Kayla
Calbayog National High School, Samar

Tiangco, Zamantha L.
Malabon National High School

Ticsay, Mariz C.
Northville 15 Integrated School, Lungsod Angeles, Pampanga

Torres, Jenalyn L.
Northville 15 Integrated School, Lungsod Angeles, Pampanga

Tuazon, Ma. Kristina Casandra L.
Cavite National High School

Ungab, Hannah
Calbayog National High School, Samar

Valdiviezo, Niño Angelo D.
Francisco G. Nepomuceno Memorial High School, Lungsod Angeles

Valiente, Charlene
Batanes General Comprehensive School

Viola, Aisha
Batanes National Science HS

Viola, Hannah
Batanes National Science HS

Yap, Maura Aurel
Philippine High School for the Arts

Zafe, Bea
Philippine High School for the Arts

20 kalahok ang magmumula sa Lalawigan ng Bataan na magsisilbing host sa Pambansang Kampo Balagtas 2017. Mangyaring magpadala ng kumpirmasyon sa pagdalo sa komisyonsawikangfilipino@gmail.com, o tumawag sa 736-2519 at hanapin si Roy Rene S. Cagalingan o John Enrico C. Torralba. Sa 23 Pebrero 2017, Huwebes, ang hulíng araw ng kumpirmasyon sa mga napiling kalahok.

Wednesday, February 15, 2017

Magsumite sa Aklat ng Bayan!

Magsumite sa Aklat ng Bayan!

Hinihikayat ang mga mananaliksik, manunulat, guro, at mga eksperto na magsumite ng kanilang panukalang publikasyon na ililimbag sa ilalim ng programang Aklat ng Bayan ng KWF. Ang Aklat ng Bayan ay isang paraan ng pagtatanghal sa kapasidad ng wikang Filipino bilang wika ng malikhain at intelektuwal na gawain. Isang paraan ito ng pag-iimbak ng karunungan sa iba’t ibang disiplina na Filipino ang wika sa pagsulat at saliksik.

Sasagutin ng KWF ang lahat ng gastusin sa paglalathala mula sa editing hanggang sa pagpapaimprenta ng manuskrito. Dadaan sa Lupon sa Monitoring at Ribyu ng KWF ang mga manuskrito para sa kaukulang pagsusuri at pag-aproba ng panukalang proyekto at pagkaraan ay sa Yunit ng Publikasyon para sa kaukulang editing, layouting, at pagpapalimbag. Isusunod sa KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat ang format ng pagsulat ng talababa, talasanggunian, atbp ng manuskrito. Hindi tatanggapin ng KWF ang mga plahiyadong akda.

Kinakailangang maglakip ang proponent ng kaniyang curriculum vitae. Kinakailangan ding maglakip ng referral letter mula sa dalawang propesyonal hinggil sa pag-endoso ng manuskrito. Ipadadala ang mga panukalang publikasyon sa komisyonsawikangfilipino@gmail.com na may kaukulang email sabjek na PANUKALA AKLAT NG BAYAN.

SALI(N) NA! LÓPEZ-JAENA 2017

SALI(N) NA! LÓPEZ-JAENA 2017

Inaanyayahan namin kayong lumahok sa Sali(n) Na!, ang taunang patimpalak ng Komisyon sa Wikang Filipino sa pagsasalin ng pinakamahahalagang tekstong pampanitikan, pangkultura, at/o pangkasaysayan.

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-161 anibersaryo ng kapanganakan ni Graciano Lopez-Jaena (Disyembre 18, 1856–2017), itatampok sa taóng ito ang Fray Botod at ang iba pang piling akda sa Discursos Y Articulos Varios na nakasulat sa wikang Español.
Ang huling araw ng pagsusumite ng lahok ay sa 19 Agosto 2017.

TUNTUNIN:
  1. Bukás ang timpalak sa lahat, kabilang ang mga dayuhan na marunong mag-Filipino maliban sa mga kawani ng KWF at kanilang mga kaanak.
  1.  Ang pangunahing sanggunian ng isasaling tekstong Español ay matatagpuan lamang sa website ng KWF. I-download ang PDF file nito sa www.kwf.gov.ph.
  2.  Mula Español tungong Filipino ang gagawing pagsasalin. Ang salin ay kailangang orihinal na likha ng kalahok at hindi pa nalalathala sa alinmang publikasyon. Hindi patatawarin ang sinumang nahuli at napatunayang nagkasala sa pangongopya. Kakanselahin ng KWF ang ipinagwaging lahok nito sa timpalak at hindi na muling makasasali pa sa alinmang timpalak ng KWF.
  3.  Isa (1) lamang entri ng salin ang maaaring isumite. Ang bawat lahok ay kailangang ilagay sa isang long brown envelope na maglalaman ng sumusunod:
(a)    Apat (4) na kopyang makinilyado o kompiyuterisado, gagamit ng font na Arial 12pt, doble espasyo sa 8 ½” x 11” na bond paper na may palugit na isang (1) pulgada sa itaas at ibaba at sa magkabilang tabi. Kinakailangang notaryado ang ilalahok na gawa bilang katunayan na orihinal ito ng nagsalin. Kinakailangang magtataglay lamang ng sagisag-panulat (pen name) at hindi tunay na pangalan ng kalahok ang dokumento. Ito ay dapat na naka-book bind.
(b)    Isang (1) CD na maglalaman naman ng file (soft copy, Microsoft Word file) ng salin.
(c)    Isang selyadong No. 10 envelope na maglalaman ng hiwalay na pormularyo sa paglahok para sa buong detalye ng nagsalin kasama ang dalawang retrato (2×2) at ang maikling biodata.
  1.  Ang tatanghaling pinakamahusay na salin ay tatanggap ng Walompung Libong Piso PHP 80,000 at plake ng pagkilala. Mayroong unang opsiyon ang KWF na ilathala ang nagwaging entri na walang dagdag na bayad sa nagsalin maliban sa royalti ng bawat mabebentang kopya ng libro.
  1.  Ang lahok na salin ay maaaring dalhin nang personal o ipadala sa koreo sa:
Lupon sa Sali(n) Na! 2016
Komisyon sa Wikang Filipino
2/P Gusaling Watson,
1610 J.P. Laurel St.
1005 San Miguel, Maynila

  1. Hindi tatanggapin ang entri na ipinadala sa email.
  1. Ang huling araw ng pagsusumite ng lahok ay sa 19 Agosto 2017, 5nh. Hindi na mauurong ang araw ng pagsusumite. Ang mga lahok na ipinadala sa pamamagitan ng koreo ay kailangang matanggap ng KWF nang hindi lalampas sa petsang nabanggit.
  1. Ang pasiya ng inampalan ay pinal at hindi na mababago. Lahat ng lahok, nanalo man o natalo, ay hindi na ibabalik sa mga kalahok at angkin ng KWF ang karapatang mailathala ang nagwaging lahok.

  1. Para sa karagdagang detalye, tumawag sa Sangay ng Salin sa telepono blg. (02) 243-9789

Gawad KWF sa Sanaysay 2017

Gawad KWF sa Sanaysay 2017

1. Ang Gawad KWF sa Sanaysay ay bukás sa lahat maliban sa mga kawani ng KWF at kanilang kaanak.
2. Ang paksa ng sanaysay ay maaaring pagtalakay ng konsepto o resulta ng saliksik sa larang na humanidades, agham-pangkalikasan, agham panlipunan, matematika, o mga katulad.
3. Kailangang nasusulat sa Filipino ang lahok, orihinal, hindi pa nailalathala, at hindi rin salin mula sa ibang wika. Marapat na hindi ito magkukulang sa 15 pahina at hindi rin sosobra sa 30.
4. Bilang saliksik, kailangang sumusunod ang paraan ng pagsulat nito sa mga tuntuning nakasaad sa KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat.
5. Ang lahok ay kailangang may apat (4) na kopyang makinilyado o kompiyuterisado (Font-12, Arial), may dobleng espasyo, at may isang pulgadang palugit sa bawat gilid na nakaimprenta sa short bond paper na may laking 8 ½ x 11 pulgada.  Ang soft copy ng lahok ay kailangang ilagay sa isang compact disc (CD).
6. Kinakailangang nagtataglay lamang ng sagisag-panulat (pen name) ang dokumento, soft copy man o nakaimprentang kopya.
7. Kasama ng ipapasang lahok ay isang isang selyadong No. 10 envelope na naglalaman ng hiwalay na pormularyo sa paglahok para sa buong detalye ng may-akda, dalawang retrato (2×2) ng kalahok, at maikling biodata.
8. Ipadala ang lahat ng kahingian sa:
Gawad KWF sa Sanaysay 2017
Komisyon sa Wikang Filipino
2F Watson Bldg., 1610 JP Laurel St.,
San Miguel, Manila 1005
9. Anumang pasiya ng Lupon ng Inampalan ay pinal at hindi na maipaghahabol. Lahat ng lahok, nanalo man o  natalo, ay hindi na ibabalik sa mga kalahok at angkin ng KWF ang karapatang mailathala ang mga nagwaging lahok nang walang royalty sa mga may-akda.
10.  Ang gantimpala ay ang sumusunod: una, P30,000.00 at karangalang maging “Mananaysay ng Taon”; pangalawa, P20,000.00; pangatlo, P15,000.00.
11. Hindi patatawarin ang sino mang mahuhuli nagplahiyo. Kakanselahin ng KWF ang ipinagwaging lahok at hindi na muling makasasali pa sa alinmang timpalak ng KWF.
Hanggang 29 Hunyo 2017, 5:00 nh ang pagtanggap ng mga lahok. Hindi tatanggapin ang mga lahok na ipinasa sa email.

Para sa mga tanong, tumawag sa (02) 736- 2524 o 736-2519. Bisitahin rin ang www.kwf.gov.ph para sa karagdagang impormasyon.

Gawad Julian Cruz Balmaseda

Gawad Julian Cruz Balmaseda

Ang Gawad Julian Cruz Balmaseda ay ang pinakamataas na pagkilala na handog ng KWF para sa natatanging tesis at disertasyon sa agham, matematika, agham panlipunan gamit ang wikang Filipino.
Layunin nito na hikayatin at palaganapin, sa pamamagitan ng sistemang mga insentibo, ang mga grant at gawad,  ang pagsusulat at publikasyon-sa Filipino at ibang mga wikang Filipinas-ng mga akdang orihinal, kabilang ang mga teksbuk at sangguniang materyales sa ibat-ibang disiplina.

Mga Tuntunin

1.    Ang gawad ay bukas sa lahat maliban sa mga empleado ng KWF at kanilang mga kaanak.
2.    Ang ilalahok na tesis at/odisertasyon ay naipasa sa mga taong 2015 at 2016.
Kinakailangan itong isulat bilang kahingian sa mga kursong may kaugnayan sa agham, matematika,  agham panlipunan at sa iba pang kaugnay sa larang.
3.    Kailangang nasusulat sa Filipino and lahok, orihinal, hindi pa nailathala at hindi rin salin sa ibang wika.
4.    Marapat na gamitin ang KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat (MMP) bilang format sa pagsulat ng tababa, talasanggunian, at iba pa.
5.    Ang lahok ay kailangang isumite nang apat (4) na kopyang makinilyado o kompiyuterisado (hardcopy) at nakalagay sa isang cpmaq disc (CD). May lakip na curriculum vitae, pormularyo sa paglahok, at rekomendasyon mula sa dalawang (2) propesor. Ang apat (4) na hardcopy, CD, curriculum vitae, pormularyo ng paglahok at rekomendasyon ay nakalagay sa expanding brown envelope na may pangalan at adres ng kalahok. Ipadadala ang mga lahok sa:

Lupon sa Gawad Julian Cruz Balmaseda

2/P Gusaling Watson 1610 Kaklye J.P. Laurel
San Miguel, Maynila 1005
Makatatanggap ng halagang PHP100,000 (net) at isang plake ng pagkilala ang magwawagi ng naturang gawad. Lahat ng isinumiteng kopya ng mga lahok, nanalo man o natalo, ay hindi na ibabalik sa mga kalahok  Angkin ng KWF ang unang opsiyon na mailathala ang mga nagwaging lahok nang walang royalti sa may-akda.
Ang huling araw ng pagpapasa ng lahok ay Biyernes, 29 Setyembre 2017.
Para sa karagdagang impormasyon ay maaaring tumawag sa telepono blg. (632) 736-2519, mag-email sa komisyonsawikangfilipino@gmail.com, o bumisita sa kwf.gov.ph.

SALI(N) NA, POE!

SALI(N) NA, POE!

Ang Sali(n) Na, Poe! ay isang timpalak sa pagsasalin sa Filipino ng mahahalagang tekstong pampanitikan na naglalayong hikayatin ang mga kabataan na lumahok sa gawaing pagsasalin. Para sa taóng 2017, ang tekstong isasalin ay ang mga piling tula ni Edgar Allan Poe.
Ito ay bukas sa lahat ng kabataang nása edad 12–17. Ang mga lalahok ay maaaring mag-aaral o out-of-school youth na naninirahan sa Filipinas
  1. Ang Sali(n) Na, Poe! ay bukás sa lahat ng kabataang nasa edad 12–17 maliban sa mga kaanak ng mga empleado ng KWF. Ang akdang isasalin ay alinman sa tulang pinili ng KWF na mada-download sa www.kwf.gov.ph. Isang tula lamang ang isasalin.
  2. Mulang Ingles tungong Filipino ang gagawing pagsasalin. Ang salin ay kailangang orihinal na likha ng kalahok, at hindi pa nalalathala sa alinmang publikasyon o nagwagi sa alinmang timpalak bago ang 17 Marso 2017. Hindi patatawarin ang sinumang nahuli at napatunayang nagkasala sa pangongopya. Kakanselahin ng KWF ang ipinagwaging lahok nito sa timpalak at hindi na muling makasasali pa sa alinmang timpalak ng KWF.
  3. Isa (1) lamang entri ng salin ang maaaring isumite. Ang bawat lahok ay kinakailangang nasa anyong PDF, gagamit ng font na Arial na may laking 12 pt, doble espasyo sa 8 ½” x 11” na bond paper na may palugit na isang (1) pulgada sa itaas at ibaba at sa magkabilang tabi.
  4. Ang sumusunod na mga dokumento ay kailangang nakalagay sa isang selyadong long brown envelope: (1) tatlong hard copy ng lahok; (2) isang CD na naglalaman ng digital na kopya ng entri; (3) pormularyo sa paglahok (mada-download sa KWF website o KWF facebook); (4) pormularyo sa pahintulot ng magulang; at (5) sertipikasyon mula sa prinsipal ng paaralan para sa mga mag-aaral o sertipikasyon mula sa punong barangay para sa mga out of school youth. Tanging ang pamagat lamang ng lahok isusulat o ilalagay sa envelope. Ipadadala ang naturang dokumento sa:
Lupon sa Sali(n) Na, Poe!
2F Gusali Watson, 1610 Kalye J. P. Laurel
Malacañang Complex, San Miguel
Lungsod Maynila
                Maari ding ipadala ang mga lahok sa email na KWF na komisyonsawikangfilipino@gmail.com.

5.       Ang mga lahok ay kinakailangang matanggap ng KWF bago o sa 17 Marso 2017, 5nh.
6.       Ang mga magwawagi ay tatanggap ng sumusunod na gantimpalang salapi:
Unang gantimpala: PHP5,000.00
Ikalawang gantimpala: PHP3,500.00
Ikatlong gantimpala: PHP1,500.00
7.       Anumang pasiya ng Lupon ng Inampalan ay pangwakas at hindi na mababago. Ang lahat ng lahok, nanalo man o natalo, ay hindi na ibabalik sa mga kalahok at angkin ng KWF at ng ka-tagapagtaguyod nitó ang unang opsiyon na mailathala ang mga nagwaging lahok nang walang royalti sa may-akda.

8.       Para sa mga tanong, sumulat sa komisyonsawikangfilipino@gmail.como komfil@kwf.gov.ph o tumawag sa (02) 736-2519. Maaaring bisitahin rin ang kwf.gov.ph para sa karagdagang impormasyon.

TALAANG GINTO: MAKATA NG TAON 2017

Talaang Ginto: Makata ng Taon 2017

Ang TALAANG GINTO: MAKATA NG TAON ay timpalak sa pagsulat ng tula na itinataguyod ng Komisyon sa Wikang Filipino kaugnay ng pagdiriwang ng Araw ni Balagtas tuwing Ika-2 ng Abril taon-taon.

Nilalayon ng timpalak na lalo pang pasiglahin at pataasin ang uri ng panulaang Filipino sa pamamagitan ng pagkilala sa mga batikan at baguhang talino.

Mga Tuntunin:

1. Bukás ang timpalak sa lahat, maliban sa mga kawani ng KWF at kanilang kaanak.
2. Ang entring ipapasa ay maaaring isang mahabang tula na may isang daan (100) o higit pang taludtod, o isang koleksiyon ng sampu (10) o higit pang maikling tula. Kinakailangang may pamagat ang ipapásang koleksiyon. Malaya ang paksa ngunit kailangang tumatalakay sa isang mahalagang paksaing panlipunan sa kasalukuyan. Ang ipapásang mahabang tula o maiikling tula ay may tugma at sukat. Hindi bababa sa antas tudlikan ang tugmaan.
3. Ang lahok ay kailangang orihinal at nasusulat sa Filipino, hindi salin ng nalathala nang tula, at hindi pa nalalathala sa alinmang publikasyon. Hindi patatawarin ang sino mang mahuli at mapatunayang nagkasala ng pangongopya. Kakanselahin ng KWF ang ipinagwaging lahok nito sa timpalak at hindi na muling makasasali pa sa alinmang timpalak ng KWF.
4. Apat (4) na kopyang makinilyado o kompiyuterisado, gagamit ng font na Arial 12pt, doble espasyo sa 8 ½” x 11” na bond paper na may palugit na isang (1) pulgada sa itaas at ibaba at sa magkabilang tabi. Kinakailangang notaryado ang ilalahok bílang katunayan na orihinal ito. Kinakailangang magtataglay lámang ng sagisag-panulat (pen name) at walang kahit anong pahiwatig ng tunay na pangalan ng kalahok. Ang tulang ipapása ay ilalagay rin sa isang CD. Ilalakip ang mga kopya ng tula, kasama ang CD, sa isang brown envelope.
5. May hiwalay na pormularyo sa paglahok na mada-download sa www.kwf.gov.ph. Lalakipan ng 2 x 2 retrato ang Talaang Ginto pormularyo sa paglahok. Ilalagay sa hiwalay na selyadong sobre ang pormularyo kasama ang biodata ng makata. Isasama ang selyadong sobreng ito sa brown envelope na ipapása. Hindi tatanggapin ang lahok na ipadadala sa pamamagitan ng email.
6. Ang mga gantimpala ay ang sumusunod:
Unang gantimpala PHP30,000 + titulong “Makata ng Taon 2017”
Ikalawang gantimpala PHP20,000.00
Ikatlong gantimpala PHP15,000.00.
Lahat ng lalahok ay tatanggap ng Katunayan ng Paglahok.

7. Ang lahok ay maaaring dalhin nang personal o ipadala sa koreo sa:

Lupon sa Talaang Ginto 2017
Komisyon sa Wikang Filipino
2/F Watson Bldg., 1610 J.P. Laurel St.
San Miguel, Manila

8. Ang hulíng araw ng pagsusumite ng lahok ay sa 27 PEBRERO 2017. Hanggang 5 nh ang oras ng pagpapasa. Hindi na mauurong ang araw ng pagsusumite. Tatanggapin ng KWF ang mga lahok na naka-postmark ng 27 Pebrero 2017.
9. Ang pasiya ng inampalan ay pinal at hindi na mababago. Lahat ng lahok, nanalo man o natalo, ay hindi na ibabalik sa mga kalahok at magiging pag-aari ng KWF ang karapatang mailathala ang mga nagwaging lahok nang walang royalti sa mga makata.
10. Para sa karagdagang detalye tumawag sa telepono blg. (632) 736-2519 o bumisita