Thursday, July 23, 2015

Wikang Filipino: Susi sa Pambansang Kaunlaran ni Argel B. Nano

Wikang Filipino: Susi sa Pambansang Kaunlaran
Argel B. Nano

                        Ang wika ay isang importanteng bagay na ipinagkaloob satin ng panginoon na kung saan nagagamit natin ito upang makipagusap at higit sa lahat ay magkaroon ng komunikasyon sa kapwa. Sa mundong ating ginagalawan, maraming wika ang ginagamit ng bawat tao sa bawat lugar o kultura. Isa sa matandang wika ay ang latin na ngayon ay bibira nalang nalang ang gumagamit.  Pero gaano ba kahalaga ang wika? At paano ito nakakatulong sa pagpapaunlad ng isang bansa.
           
Kung iisipin mong mabuti ang wika ay sumisimbolo sa kulturang kanyang kinabibilangan at ang wikang Filipino ay simbolo ng ating pagkaFilipino. Pero dahil sa hiwa-hiwalay ang ating bansa iba-iba din ang ating wikang ginagamit subalit ganun paman may iisang wika parin tayong ginagamit upang magkaintindihan and bawat Filipino at ito ay ang wikang tagalong  pero sa paglipas ng panahon masakit mang isipin ang wikang ating kinagisnan ay unti-onti nang binabalewala. Sa katunayan lalo na sa panahong ito ang wikang tagalong ay wikang kalye at ang wikang Ingles ay wikang pangmayaman. Aminin man natin o hindi ito ang katotohanan at ito ay epekto ng mga dayuhang kultura na kung saan hindi natin napangalagaan at napagyaman ang ating wika kaya madalas itong nababalewala . Isang patunay rito ay kapag ang isang tao ay marunong mag salita ng Ingles ay pumapasok agad sa ating isipan na matalino ang taong ito subalit ang tao namang hindi marunong magsalita ng ingles ay bobo o walang alam. Ang bagay na ito ay isa sa pinakamasakit na katotohanan. At sino nga naman ang ayaw matuto ng Ingles, dahil kapag marunong kang mag Ingles mabilis kang makakahanap ng trabaho oo nga naman ganon talaga ang epekto satin ng Wikang Ingles.

Kaya ang ilang magasawa ay kapag bata palang ang kanilang anak ay tunuturuan agad nilang magingles para kapag lumaki ay madaling makahanap ng trabaho .Pero dahil sa kakaaral natin ng ibang wika nawawala ang ating kultura na nagiging dahilan ng hindi pagkakaunawaan o kawalan ng komunikasyon. Nanagiging dahilan din ito upang hindi  umunlad ang ating bansa. Halimbawa na lamang rito ay ang mga nasa malacanang at mga pulitiko madalas silang gumagamit ng wikang Ingles kapag iniinterbyu ng media pero kapag unang rinig mo palang sa kanyang mga sinasabi ay mapapahananga ka talaga dahil sa galing nitong mag salita ng Ingles subalit kung iyo namang uunawain at papakinggang mabuti ang kanyang mga ipinagsasabi ay napakalayo ito sa isyu na sa kanya’y itinatanong. Karamihan sa ating mga Filipino at mabilis mabilog o samadaling salita ay nauuto ng mga pulitiko kaya madalas ang mga nauupong mga pulitiko at mga walang pakialam sa kapakanan ng kanyang mamamayan at higit sa lahat ay sa bansa. 

Wikang Filipino Susi sa Pambansang Kaunlaran ni Julie Ann B. Castro

Wikang Filipino Susi sa Pambansang Kaunlaran
Julie Ann B. Castro

Mahalaga ba ang Wika ng ating bansa? Tinatangkilik mo ba ang iyong sariling wika? Ipinagdiriwang mo ba ang iyong sariling wika? Ito ang mga tanong na di mawari sa aking isipan.
Bilang isang tao tayo ay binigyan ng isip ng Panginoon upang gamitin at ipalaganap. Maraming tanong sa isipan ng tao,Mga tanong na nakakaapekto sa bawat galaw, kilos, at desisyon nito.
Sa paaralan nalalaman natin ang kahalagahan ng mga bagay-bagay katulad nalang ng wikang Pambansa. Ang isang bansa na may sariling wika ay nangangahulugang Malaya ito.
Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon. Dahil sa wika nagkakaintindihan ang tao. May mga ibat-ibang wika ang bawat lugar, komunidad at Bansa. Mahalaga ang wika ng isang bansa katulad ng wikang Filipino.
 Ang Wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura ng mga Filipino kung sino, ano at meron sila. Ang Wika ay isang mahalagang aspeto ng bawat kultura. Ito ang basehang ginagamit ng lahat ng antas ng tao sa lipunang kinagagalawan.
Sa Pilipinas ang ginagamit na wika ay Filipino. Ito ang bumubuklod sa mamamayang Filipino sa Luzon,Visayas at Mindanao.
Ang pagkakaroon ng sariling wika ay isang karangalan sa ating bansa. Ito ay isang sukatan ng yaman ng lahi sa kultura, Tradisyon, at Paniniwala. Mahalaga na ito’y ating pagyamanin para sa mga susunod na henerasyon.

Isang wika, Filipino. Isang Bansa, Pilipinas. Ipagmalaki, Magkaisa!

Wikang Filipino: Susi sa Pambansang Kaunlaran ni John Dave A. Amoguis

Wikang Filipino: Susi sa Pambansang Kaunlaran
John Dave A. Amoguis

            Likas sa ating mga Filipino ang pagiging masipag, matulungin, matiyaga, at ang pagnanais na umangat sa buhay. Madalas nga hindi na tayo nakakakain ng tatlong beses sa tatlong araw. At dahil dun mas lalo tayong nagsisikap para Nag-aaral tayo ng mabuti para makapagtapos, upang magkaroon ng permanenteng trabaho.

            Sa katunayan nga nakakalimutan na natin ang paggamit ng sarili nating wika dahil sa kakaaral ng Ingles. Hindi natin maitatanggi na, sa ating lipunan kapag ng Ingles ibig sabihin matalino ka, sosyal ka, pero di lahat ng Filipino ay magaling sa pagsasalita ng Ingles. Kaya limitado lang ang natatanggap sa trabaho dahil kadalasan Ingles ang ginagamit na lenggwahe sa interbyu. Hindi ba nila alam na mas maraming benepisyo ang makukuha kapag ginamit natin ang sarili nating wika. Ang paggamit ng wikang Filipino ay may maraming benepisyo katulad na lang ng pagkakaroon ng pagkakaintindihan, kung saan  mas maiintindihan ng mga tao ang mga dapat at di dapat nilang gawin. Pagkakaroon ng pagtutulungan at pagkakaisapara mas mapadali ang ginagawang trabaho. Ngunit masakit isipin na sa ating bansa mas tinatangkilik ang wika ng mga dayuhan kaysa sarili nating wika, akala kasi nila  na mas uunlad ang ekonomiya na ating bansa kapag Ingles ang ginamit nating wika. Ngunit may nangyari ba? Umunlad ba ng ating bansa, hindi , kasi hindi nagkakaintindihan ang bawat isa, walang pagkakaisa, walang pagtutulungan, kaya nananatiling bagsak ang ekonomiya ng ating bansa. Isipin mo, kapag wikang Filipino ang ginagamit natin sa lahat ng bagay, di ba mas mapapadali at mapapabilis ang mga gawain. Tanging ang sarili nating wika ang susi sa pambansang kaunlaran.

            Ang lahat ng tao ay may kanya-kanyang tungkulin at responsibilidad na dapat gampanan. Mga tunkulin sa pamilya, sa lipunan, at maging sa ating bansa. Iisa lang naman ang mithiin nating lahat , iyon ay ang makaahon sa hirap ng buhay upang mabigyan ng maginhawang buhay ang ating pamilya. At tanging ang sarili nating wika ang susi sa pambansang kaunlaran.



Wikang Filipino: Susi sa Pambansang Kaunlaran ni April Joy M Paderon

Wikang Filipino: Susi sa Pambansang Kaunlaran
April Joy M Paderon


         Ang wika ay isang mahalagang aspeto ng bawat kultura. Kapag tinanong tayo paano mapapadali ang pag-unlad ng ating bansa, maraming ideya at kasagutan ang pumapasok sa ating isipan. At isa sa pinakamabisang kasagutan na lumalabas ay ang paggamit ng ating sariling wika. Kung sinasabi mo na ikaw ay Filipino, gumamit ka o gamitin mo ang wikang Filipino na magbibigay katibayan sa iyong pagiging isang mamamayang may mabuting puso at may pagmamahal sa kanyang sariling bayang tinubuan.
         Kailangan ng mga mamamayang disiplinado sa lahat ng bagay, lalong –lalo na sa paggamit ng sariling wika para sa pagpapaunlad ng isang bansa. Sapagkat, ang disiplina sa paggamit ng sariling wika ang nagbibigay daan upang maging matibay ang pagkakaisa sa bawat mamamayan. At ito ang kulang sa ating mga mamamayang Filipino. Hindi natin nadidisiplina ng mabuti ang ating sarili sa paggamit ng ating sariling wika at ng ibang lengguwahe. Mas tinatangkilik pa natin ang lengguwaheng banyaga kesa sa wikang Filipino. hindi nga ba’t sayang lang natin ang ating wika kung hindi natin ito gagamitin, papaluguin, at ipagmamalaki. Samanatlang pinaghirapan itong isulong at itaguyod ng ating mga bayani. Sabi nga ng ating pambansang bayani na “ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda”. Sa pagsisimula ng paggamit ng mga Filipino ng wikang Tagalog sa unang panahon, binuhay nito ang sibilisasyon. Nagkaisa ang mga Filipino sa mas ikabubuti ng ating bansa. Mas mabilis ang naging daan para sa transportasyon at nagbigay daan ito para mas dumami ang ideya at opinion ng bawat mamamayan sa iba’t ibang parte ng PIlipinas. Pinagkaisa nito ang nakasanayang tradisyon ng iba’t ibang kultura at paniniwala.
        Kung gusto nating bigyan ng pansin ang pagpapaunlad ng ating bansa, ngayon palang ay kumilos na tayo. Tangkilikin natin ang sariling atin, bigyang halaga ang bawat salitang alam at disiplinaduhin natin ang ating mga sarili upang sa gayon ay makamit natin ang kaunlaran na ating minimithi sapagakat ang pagkakaroon ng sariling wika ay isang karangalan sa isang bansa. Ito ay isang sukatan ng yaman ng lahi sa kultura, tradisyon, at paniniwala. Mahalaga na ito’y ating pagyamanin para sa mga susunod na henerasyon upang ipagmalaki nila ito at magpatuloy na magkaroon ng pagkakaisa.

Buwan ng WIka


Buwan ng Wika 2015
 Filipino: Wika ng Pambansang Kaunlaran.






Monday, June 1, 2015

BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2015


BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2015

Filipino: Wika ng Pambansang Kaunlaran ang tema ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansang ngayong 2015. Abangan ang iba pang detalye mula sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).





Friday, May 22, 2015

Buwan ng Wikang Pambansa 2015

Buwan ng Wikang Pambansa 2015



Tema: Filipino: Wika ng Pambansang Kaunlaran 


Mga Timpalak

GAWAD KWF SA SANAYSAY 2015
MGA TUNTUNIN

1. Ang Gawad KWF sa Sanaysay ay bukás sa lahat maliban sa mga kawani ng KWF at kanilang kaanak.

2. Ang lahok ay dapat tumalakay sa temang Filipino: Wika ng Pambansang Kaunlaran. Inaasahan din na may angkop itong talababa at listahan ng sanggunian.

3. Kailangang nasusulat sa Filipino ang lahok, orihinal, hindi pa nailalathala at hindi rin salin sa ibang wika. Marapat na hindi ito magkukulang sa 15 pahina at hindi rin sosobra sa 30.   
4. Sapagkat gabay ang pananaliksik, marapat ang paggamit at pagbanggit ng sanggunian sa pormang MMP (KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat) sa mga talababa, atbp. 
5. Ang lahok ay kailangang may apat (4) na kopyang makinilyado o kompiyuterisado (Font-12, Arial), may dobleng espasyo at isang pulgadang palugit sa bawat gilid na nakaimprenta sa short bond paper (8 ½ x 11 pulgada).
6. Ang soft copy ng lahok ay kailangang ilagay sa isang compact disc (CD). Kinakailangang magtaglay lamang ng sagisag-panulat (pen name) at hindi tunay na pangalan ng kalahok ang dokumento sa soft copy man o sa nakaimprentang kopya.
7. Hindi patatawarin ang sino mang mahuhuli at mapapatunayang nangopya. Kakanselahin ng KWF ang ipinagwaging lahok nito sa timpalak at hindi na muling makasasali pa sa alinmang timpalak ng KWF.
8. Anumang pasiya ng Lupon ng Inampalan ay pinal at hindi na maipaghahabol. Lahat ng lahok, nanalo man o  natalo, ay hindi na ibabalik sa mga kalahok at angkin ng KWF ang karapatang mailathala ang mga nagwaging lahok nang walang royalty sa mga may-akda.   
9. Isang selyadong No. 10 envelope na maglalaman ng hiwalay na pormularyo sa paglahok para sa buong detalye ng may-akda (maaaring i-download sa www.kwf.gov.ph) kasama ang dalawang retrato (2x2) at maikling biodata. 
10. Ipadala ang lahok (na may apat na kopya), pormularyo ng aplikasyon na may kalakip na larawan ng may akda at CD sa:                                            
                                                Lupon sa Timpalak 2015                                           
                                                Komisyon sa Wikang Filipino                                                 
                                                2F Watson Bldg., 1610 JP Laurel St.,                                               
                                                San Miguel, Manila 1005      
Hanggang 3 Hulyo 2015, 5:00 nh lamang ang pagtanggap ng mga lahok. Hindi tatanggapin ang mga ipinasa sa pamamagitan ng email.


Para sa kaukulang tanong,  tumawag sa (02) 736- 2524; 736-2519 at hanapin si Roy Rene Cagalingan. Bisitahin rin ang www.kwf.gov.ph para sa karagdagang impormasyon.  



GAWAD DANGAL NG WIKANG FILIPINO 2015
MGA TUNTUNIN

Bukás na ang nominasyon para sa lahat ng indibidwal, samahan, tanggapan o institusyon, at mga ahensiyang pampamahalaan o pribado na may natatanging ambag o nagawa tungo sa pagsusulong, pagpapalaganap, pagpapayabong, at preserbasyon ng wikang Filipino.
Ang mga indibidwal na nabanggit dapat nakapagpamalas ng mahusay na paggamit ng wikang Filipino sa kanilang mga tuklas at pananaliksik, mga programa at serbisyong naitaguyod, o anumang produksiyon at likha.
Hanggang 3 Hulyo 2015, 5:00 nh lamang ang pagtanggap ng mga nominasyon. Hindi tatanggapin ang mga nominasyon na ipinadala sa pamamagitan ng email o fax.
1.         Marapat na dumaan sa rekomendasyon ang nominadong entidad. Maaaring isang samahan, tanggapan, institusyon o indibidwal ang magpasok o magharap ng kanilang nominado. I-download ang pormularyo ng nominasyon sa KWF website, www.kwf.gov.ph.


2.         Kasama ang pormularyo ng nominasyon, ang nag-eendoso ay kinakailangang maglakip ng anumang credential o katibayan na magpapatotoo sa lawas ng paggawa ng iminumungkahing nominado kahit sa loob lamang ng nakalipas na tatlong (3) taon.


3.         Mananatiling kompidensyal sa Lupon ng Gawad ang lahat ng nominasyon. Dadaan ang mga nasabing nominasyon sa proseso ng deliberasyon at ang mga desisyon ay pinal at hindi maipaghahabol.


4.         Ipadala sa koreo o nang personal ang nasagutang pormularyo sa nominasyon, credentials (o iba pang katibayan) sa:


                                    Lupon sa Gawad

                                    Komisyon sa Wikang Filipino

                                    Gusaling Watson, 1610 Daang JP Laurel,

                                    San Miguel, Maynila


Makipag-ugnayan kay Roy Rene Cagalingan ng Sangay ng Edukasyon at Networking sa 736-2524, 736-2525 o 736-2519 para sa mga paglilinaw at iba pang impormasyon




ULIRANG GURO SA FILIPINO 2015
MGA TUNTUNIN

Ang Ulirang Guro sa Filipino ang taunang gawad na ibinibigay ng Komisyon sa Wikang Filipino sa mga pilî at karapat-dapat na guro sa Filipino sa kahit anong antas ng edukasyon sa bawat rehiyon.
Hinahangad ng tanggapan na makilala at maipagparangalan ang mga natatanging guro sa Filipino na nagpamalas ng angking husay, talino, at dedikasyon sa pagpapalaganap at promosyon ng wikang Filipino at/o mga wika at kultura sa kanilang komunidad.
1. Bukás ang timpalak sa mga guro sa Filipino, maliban sa mga kawani ng KWF at mga direktor ng Sentro ng Wika at Kultura (SWK), at kanilang mga kaanak hanggang ikalawang digri (degree).
2. Ang mga nominado ay kinakailangang magtaglay ng mga sumusunod na katangian:
            a. May hawak na kaukulang lisensiya (LET, atbp.), full-time at permanenteng status.
            b. Nakapaglingkod nang tatlo o higit pang taon bílang guro ng Filipino o mga kaugnay na disiplina na ang gamit ay Filipino bílang wikang panturo sa anumang antas ng edukasyon at may antas ng kahusayan (performance rating) na hindi bababa sa Very Satisfactory sa buong panahon ng paglilingkod.
            c.Nakapag-ambag sa pagpapalaganap ng wikang Filipino sa rehiyon sa pamamagitan ng pananaliksik, publikasyon, seminar, pagsasanay, palihan, at iba pang katulad na aktibidad.
            d. Nanguna sa pagpapahalaga sa pamanang pangwika at pangkultura ng Filipinas kaagapay ng pagtaguyod at pagpapaunlad sa wikang Filipino.
            e. Nakatanggap ng parangal at/o iba pang gawad kaugnay sa kaniyang propesyon (opsiyonal).
            f. Rekomendasyon mula sa immediate superior ng kaniyang paaralan na nagpapatunay ng kagalingan bílang guro sa Filipino na may makabansa at makataong kamalayan.

3. Maaaring magpása ang paaralan ng higit sa isang nominasyon. Ang bawat nominasyon ay kailangang mailakip sa isang long brown envelope na maglalaman ng sumusunod:

            a. pormularyo para sa nominasyon;
            b. rekomendasyon ng immediate superior ng paaralan; at
            c. folio ng mga katibayan ng pagkilala, gawad, publikasyon, at mga naisagawang seminar, palihan, at mga proyektong may kaugnayan sa wika at kultura.
4. Maaaring ipadala sa tanggapan ng Sentro ng Wika at Kultura (SWK) sa inyong probinsiya/rehiyon ang mga nominasyon. Ang hulíng araw ng pagpapadala ay sa 3 Hulyo 2015, 5 nh. Hindi na mauurong ang araw ng pagsusumite. Ang mga lahok na ipinadala sa pamamagitan ng koreo ay kailangang matanggap ng mga SWK nang hindi lalampas sa petsang nabanggit.
5. Makatatanggap ng medalya at katibayan ng pagkilala ang mga mapipiling Ulirang Guro sa Filipino.
6. Ang pasiya ng inampalan ay pinal at hindi na mababago. Lahat ng lahok, nanalo man o natalo, ay hindi na ibabalik ng KWF.

Para sa karagdagang detalye, tumawag sa Sangay ng Edukasyon at Networking (SEN) sa 736-2519.






GAWAD KWF SA SANAYSAY 2015



MGA TUNTUNIN

1. Ang Gawad KWF sa Sanaysay ay bukás sa lahat maliban sa mga kawani ng KWF at kanilang kaanak.

2. Ang lahok ay dapat tumalakay sa temang Filipino: Wika ng Pambansang Kaunlaran. Inaasahan din na may angkop itong talababa at listahan ng sanggunian.

3. Kailangang nasusulat sa Filipino ang lahok, orihinal, hindi pa nailalathala at hindi rin salin sa ibang wika. Marapat na hindi ito magkukulang sa 15 pahina at hindi rin sosobra sa 30.   
4. Sapagkat gabay ang pananaliksik, marapat ang paggamit at pagbanggit ng sanggunian sa pormang MMP (KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat) sa mga talababa, atbp. 
5. Ang lahok ay kailangang may apat (4) na kopyang makinilyado o kompiyuterisado (Font-12, Arial), may dobleng espasyo at isang pulgadang palugit sa bawat gilid na nakaimprenta sa short bond paper (8 ½ x 11 pulgada).
6. Ang soft copy ng lahok ay kailangang ilagay sa isang compact disc (CD). Kinakailangang magtaglay lamang ng sagisag-panulat (pen name) at hindi tunay na pangalan ng kalahok ang dokumento sa soft copy man o sa nakaimprentang kopya.
7. Hindi patatawarin ang sino mang mahuhuli at mapapatunayang nangopya. Kakanselahin ng KWF ang ipinagwaging lahok nito sa timpalak at hindi na muling makasasali pa sa alinmang timpalak ng KWF.
8. Anumang pasiya ng Lupon ng Inampalan ay pinal at hindi na maipaghahabol. Lahat ng lahok, nanalo man o  natalo, ay hindi na ibabalik sa mga kalahok at angkin ng KWF ang karapatang mailathala ang mga nagwaging lahok nang walang royalty sa mga may-akda.   
9. Isang selyadong No. 10 envelope na maglalaman ng hiwalay na pormularyo sa paglahok para sa buong detalye ng may-akda (maaaring i-download sa www.kwf.gov.ph) kasama ang dalawang retrato (2x2) at maikling biodata. 
10. Ipadala ang lahok (na may apat na kopya), pormularyo ng aplikasyon na may kalakip na larawan ng may akda at CD sa:                                            
                                                Lupon sa Timpalak 2015                                           
                                                Komisyon sa Wikang Filipino                                                 
                                                2F Watson Bldg., 1610 JP Laurel St.,                                               
                                                San Miguel, Manila 1005      
Hanggang 3 Hulyo 2015, 5:00 nh lamang ang pagtanggap ng mga lahok. Hindi tatanggapin ang mga ipinasa sa pamamagitan ng email.

Para sa kaukulang tanong, sumulat sa komfil.gov@gmail.com o tumawag sa (02) 736- 2524; 736-2519 at hanapin si Roy Rene Cagalingan. Bisitahin rin ang www.kwf.gov.ph para sa karagdagang impormasyon.  


http://kwf.gov.ph/kwf-gawad-sanaysay/

GAWAD DANGAL NG WIKANG FILIPINO 2015

GAWAD DANGAL NG WIKANG FILIPINO 2015



MGA TUNTUNIN

Bukás na ang nominasyon para sa lahat ng indibidwal, samahan, tanggapan o institusyon, at mga ahensiyang pampamahalaan o pribado na may natatanging ambag o nagawa tungo sa pagsusulong, pagpapalaganap, pagpapayabong, at preserbasyon ng wikang Filipino.
Ang mga indibidwal na nabanggit dapat nakapagpamalas ng mahusay na paggamit ng wikang Filipino sa kanilang mga tuklas at pananaliksik, mga programa at serbisyong naitaguyod, o anumang produksiyon at likha.
Hanggang 3 Hulyo 2015, 5:00 nh lamang ang pagtanggap ng mga nominasyon. Hindi tatanggapin ang mga nominasyon na ipinadala sa pamamagitan ng email o fax.
1.         Marapat na dumaan sa rekomendasyon ang nominadong entidad. Maaaring isang samahan, tanggapan, institusyon o indibidwal ang magpasok o magharap ng kanilang nominado. I-download ang pormularyo ng nominasyon sa KWF website, www.kwf.gov.ph.
2.         Kasama ang pormularyo ng nominasyon, ang nag-eendoso ay kinakailangang maglakip ng anumang credential o katibayan na magpapatotoo sa lawas ng paggawa ng iminumungkahing nominado kahit sa loob lamang ng nakalipas na tatlong (3) taon.
3.         Mananatiling kompidensyal sa Lupon ng Gawad ang lahat ng nominasyon. Dadaan ang mga nasabing nominasyon sa proseso ng deliberasyon at ang mga desisyon ay pinal at hindi maipaghahabol.
4.         Ipadala sa koreo o nang personal ang nasagutang pormularyo sa nominasyon, credentials (o iba pang katibayan) sa:
                                    Lupon sa Gawad
                                    Komisyon sa Wikang Filipino
                                    Gusaling Watson, 1610 Daang JP Laurel,
                                    San Miguel, Maynila
Makipag-ugnayan kay Roy Rene Cagalingan ng Sangay ng Edukasyon at Networking sa 736-2524, 736-2525 o 736-2519 para sa mga paglilinaw at iba pang impormasyon.


http://kwf.gov.ph/gawad-dangal-ng-wikang-filipino-2015/

ULIRANG GURO SA FILIPINO 2015

ULIRANG GURO SA FILIPINO 2015


MGA TUNTUNIN

Ang Ulirang Guro sa Filipino ang taunang gawad na ibinibigay ng Komisyon sa Wikang Filipino sa mga pilî at karapat-dapat na guro sa Filipino sa kahit anong antas ng edukasyon sa bawat rehiyon.
Hinahangad ng tanggapan na makilala at maipagparangalan ang mga natatanging guro sa Filipino na nagpamalas ng angking husay, talino, at dedikasyon sa pagpapalaganap at promosyon ng wikang Filipino at/o mga wika at kultura sa kanilang komunidad.
1. Bukás ang timpalak sa mga guro sa Filipino, maliban sa mga kawani ng KWF at mga direktor ng Sentro ng Wika at Kultura (SWK), at kanilang mga kaanak hanggang ikalawang digri (degree).
2. Ang mga nominado ay kinakailangang magtaglay ng mga sumusunod na katangian:
            a. May hawak na kaukulang lisensiya (LET, atbp.), full-time at permanenteng status.
            b. Nakapaglingkod nang tatlo o higit pang taon bílang guro ng Filipino o mga kaugnay na disiplina na ang gamit ay Filipino bílang wikang panturo sa anumang antas ng edukasyon at may antas ng kahusayan (performance rating) na hindi bababa sa Very Satisfactory sa buong panahon ng paglilingkod.
            c.Nakapag-ambag sa pagpapalaganap ng wikang Filipino sa rehiyon sa pamamagitan ng pananaliksik, publikasyon, seminar, pagsasanay, palihan, at iba pang katulad na aktibidad.
            d. Nanguna sa pagpapahalaga sa pamanang pangwika at pangkultura ng Filipinas kaagapay ng pagtaguyod at pagpapaunlad sa wikang Filipino.
            e. Nakatanggap ng parangal at/o iba pang gawad kaugnay sa kaniyang propesyon (opsiyonal).
            f. Rekomendasyon mula sa immediate superior ng kaniyang paaralan na nagpapatunay ng kagalingan bílang guro sa Filipino na may makabansa at makataong kamalayan.

3. Maaaring magpása ang paaralan ng higit sa isang nominasyon. Ang bawat nominasyon ay kailangang mailakip sa isang long brown envelope na maglalaman ng sumusunod:

            a. pormularyo para sa nominasyon;
            b. rekomendasyon ng immediate superior ng paaralan; at
            c. folio ng mga katibayan ng pagkilala, gawad, publikasyon, at mga naisagawang seminar, palihan, at mga proyektong may kaugnayan sa wika at kultura.
4. Maaaring ipadala sa tanggapan ng Sentro ng Wika at Kultura (SWK) sa inyong probinsiya/rehiyon ang mga nominasyon. Ang hulíng araw ng pagpapadala ay sa 3 Hulyo 2015, 5 nh. Hindi na mauurong ang araw ng pagsusumite. Ang mga lahok na ipinadala sa pamamagitan ng koreo ay kailangang matanggap ng mga SWK nang hindi lalampas sa petsang nabanggit.
5. Makatatanggap ng medalya at katibayan ng pagkilala ang mga mapipiling Ulirang Guro sa Filipino.
6. Ang pasiya ng inampalan ay pinal at hindi na mababago. Lahat ng lahok, nanalo man o natalo, ay hindi na ibabalik ng KWF.
Para sa karagdagang detalye, tumawag sa Sangay ng Edukasyon at Networking (SEN) sa 736-2519 o mag-email sa komfil.gov@gmail.com.



http://kwf.gov.ph/ulirang-guro-sa-filipino-2015/

Thursday, May 7, 2015

UNANG LEKTURANG NORBERTO L. ROMUALDEZ, ISASAGAWA

UNANG LEKTURANG NORBERTO L. ROMUALDEZ, ISASAGAWA


Idaraos ang kauna-unahang Lekturang Norberto L. Romualdez sa 5 Hunyo 2015, 8:00 nu-12:00 nt sa Court of Appeals Auditorium, Ermita, Maynila. Sa taong ito, ang panauhing tagapanayam ay si Dr. Ambeth Ocampo ng Pamantasang Ateneo de Manila. Tatalakayin niya ang kasaysang kultural ng bansa.

Ang Lekturang Norberto L. Romualdez ay serye ng lektura na sisimulan ngayong taon. Layunin nitong makaipon ng mga intelektuwalisadong panayam hinggil sa araling pangkultura. Idaraos ito bilang pagpaparangal kay Kgg. Norberto L. Romualdez—naging Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman ng Filipinas, at bilang mambabatas ay arkitekto ng Batas Komonwelt Blg. 184 na lumikha sa Surian ng Wikang Pambansa (ngayon ay Komisyon sa Wikang Filipino) na nangasiwa sa pagpili ng Wikang Pambansa.

Bukás ito sa publiko. Walang babayarang rehistrasyon, bagaman limitado ang KWF sa pagtanggap ng unang 30 kalahok. Para sa pagpapatala, tumawag sa 708-6972/736-2525 lok. 105, hanapin si Pinky Jane Tenmatay o Lourdes Hinampas o mag-email sa tenmataypinkyjane@rocketmail.com.

Ang proyektong ito ay pangungunahan ng KWF sa pakikipagtulungan sa Court of Appeals.

http://kwf.gov.ph/unang-lekturang-norberto-l-romualdez-isasagawa/


Thursday, April 9, 2015

LIBRENG SEMINAR SA PANITIKAN, HANDOG NG KWF AT GSIS

Seminar, Seminar, Seminar

LIBRENG SEMINAR SA PANITIKAN, HANDOG NG KWF AT GSIS

Magdaraos ng Pambansang Seminar sa Pagtuturo ng Panitikang Gender Based sa 6-8 Mayo 2015, 8:00 nu-5:00 nh sa GSIS Theater, Financial Center, Lungsod Pasay ang Komisyon sa Wikang Filipino at Paseguruhan ng mga Naglilingkod sa Pamahalaan.

Layunin ng seminar na mapataas ang kamalayang pangkasarian ng mga guro sa pagtuturo ng panitikang gender based.  Magkakaroon ng panayam at talakayan hinggil sa iba’t ibang paksang may kaugnayan sa panitikan, wika, at kasarian.  Magsasagawa rin ng pakitang-turo sa kuwentong bayan, tula, at maikling kuwento.

Bukás ito sa mga punong guro, tagapag-ugnay, mga guro sa Filipino at panitikan sa elementarya, sekundarya, at tersiyarya na nasa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Walang babayarang rehistrasyon.  Para sa pagpapatala, tumawag sa (02)736-2525 lok. 105, (02)708-6972, o mag-email sa einzoely08@gmail.com, o mag-text sa 0932-6348721.

I-email o i-text ang buong pangalan at institusyong kinabibilangan.  Ang dedlayn ng pagpapatala ay sa 22 Abril 2015.