Tuesday, August 9, 2016

Aking bunsong kapatid ni Francis Rafael M. Rosales

Aking bunsong kapatid
ni Francis Rafael M. Rosales
Aking bunsong kapatid
Kahit makulit ka paminsan
Ako ay natutuwa parin
Salamat sa iyong kakulitan
Aking bunsong kapatid
Patawad kung minsan galit
Dahil ito sa aking kapaguran
Salamat sa iyong pagintindi
Aking bunsong kapatid
Salamat sa iyong suporta
Ipinagmamalaki kita sakanila
Ikaw ang nagpapasaya sa amin
Aking bunsong kapatid
Malayo man ako paminsan
Ay susuportahan parin kita
Salamat sa iyong pag aalala
Aking bunsong kapatid
Mahalaga ka sa parte ng pamilya
Ikaw ang nagpapasaya sa amin
Salamat aking bunsong kapatid

No comments:

Post a Comment