Tuesday, August 9, 2016

Bilbil Ni: Camille S. Bustamante

Bilbil
Ni: Camille S. Bustamante
Sa pagkain ng marami
Ako ay nawili
Bilbil ko ay lumitaw
Mundo ko ay nagunaw
Nakatutuwa mang pisilin
Masakit kung itoy iyong iisipin
Bakit ba kailngan kong pigilin
Ang aking hilig na pagkain
Hindi ako masaya
Kapag itoy kanilang nakikita
Pakiramdam ko akoy isang balyena
Na napadpad sa lupa
Ngunit wag niyo akong pintasan
Dahil ss bilbil ko sa akin tiyan
Hindi man ito kanais nais tignan
Patunay naman ito na kame ay sagana sa aming tahanan

No comments:

Post a Comment