Tuesday, August 9, 2016

Sabi nila Ni: Franz Louise Docot


Sabi nila 'pag naka-apak ka ng tae, ay susuwertihin ka
Pero kapag sinadya mo, ay mamalasin ka
Mamalasin ka talaga kung gano'n ang ginawa mo
Sino ba namang may gustong maglakad na may tae sa paa mo
Sabi nila 'pag nangangati ang palad mo ay magkakapera ka
Pero kapag sinadya mo ay masusugatan ka
Kamutin mo ba naman ang palad mo para lang magkapera ka
Pinapakita mo lang na ikaw ay mukhang pera
Pag nagkakuliti ka raw ay ibig sabihin ay namboso ka
Pero kung 'di ka naman namboso at nagkakuliti ka
Aba'y iligo mo na yan
Kadugyutan na ang tawag d'yan
Sabi nila pag tumingin ka sa kanya at tumingin rin siya sayo,
Ibig sabihin nun ay tumitingin rin siya sa iyo
Pero paminsan minsan 'wag mo ring pangunahan ang mga nangyayari sa paligid mo
Kase malay mo, kaya siya tumitingin kase naiirita na siya sa'yo
Sabi nila, kung mahal mo, ipagtapat mo sakanya.
Pero hindi naman ganun kadali yun e, kase may mahal siyang iba
Para saan pa ang pag-amin ko, para saan pa ang pag-ibig ko
Kung alam ko naman sa sarili ko na nararamdaman niya'y di na magbabago

No comments:

Post a Comment