Tuesday, August 9, 2016

Aking mahal ni Francis Rafael M. Rosales

Aking mahal
ni Francis Rafael M. Rosales

Noong unang beses
Na masilayan ang iyong kagandahan
Na parang merong tumulak
At hindi nag alinlangan sa akin
Na pasukin ang tadhana
Na tayo ay hindi nagtagpo
Ngunit hindi magagawa sa’yo
Na paglaruan ang pag-ibig mo
At hindi papasok sa aking isipan
Na lahat ay gagawin para sa iyo
Upang iyong mahalin sinta
Ang isang tulad kong umaasa
Ang mawala ka sa piling
Ay hindi ko tatanggapin
Galangin ang may kapal
Sana ay ikaw na nga
Ang makasama ko sa buhay
Upang iyong madama
Pagmamahal ko sinta
At pinapangako sa iyo
Na hindi ka na luluha

No comments:

Post a Comment