Tuesday, August 9, 2016

AKO ni: Celina Cruz

AKO
ni: Celina Cruz
Nasaan na nga ba ako?
Yung ako na hindi marunong sumuko
Ako na laging masaya
Ako na punong-puno ng ligaya
Saan na nga ba ako nagpunta?
Sarili ko'y hindi ko na makita
Nakulong na sa depresyon
Nawawala na ang atensyon
Nasaan na nga ba ako?
Yung matapang na ako
Yung ako na hindi marunong matakot
Ako na hindi nalulungkot
Gusto ko ng bumalik sa dati
Pakiramdam ko ako'y laging may kahati
Gusto ko ng ibalik ang mga ngiti sa'king mga mata
Mga matang napuno na ng luha

No comments:

Post a Comment