Tuesday, August 9, 2016

Mga parte ni Francis Rafael M. Rosales

Mga parte
ni Francis Rafael M. Rosales
Ako may sampung daliri
Kaliwang kamay at kanan
Mayroon din sa paa
Kaliwa rin at kanan
Ako ay may tainga
Kaliwang bahagi at kanan
Ako ay nakakarinig gamit ito
Salamat tainga sa iyong pakikinig
Ako ay may dila na kay lambot
Maliit man ito sa iyong paningin
Makamandag naman ang salita
Salamat dila sa pakikipagusap
Ako ay may mga mata
Mayroon sa kaliwa at sa kanan
Marami ako nakikita gamit ito
Salamat aking mga mata
Ako ay may ilong na nag iisa
Mayroon siyang dalawang butas
Marami I akong maamoy dahil sakanya
Salamat sa pang aamoy aking ilong

No comments:

Post a Comment