Tuesday, August 9, 2016

Pango ni Kharryza Puerto Pabalan

Pango
Akala ko naman ito’y totoo na
Na kaibigan kita hanggang pagtanda
Pero tulad ka din naman pala nila
Puro pangako, 'di naman ginagawa
Hindi ba sabi mo walang magbabago?
Hindi ba sabi mo habangbuhay tayo?
Anong nangyari sa mga pangako mo?
Hindi na natupad, bigla kang naglaho
Dahil ba nakahanap ka na ng iba?
Kaya ating usapan, iyong binura?
Kinalimutan lahat ng aala-ala
Itinapon nalang ng parang basura
Pakiramdam ko ay napakamalas ko
Ang mga kaibigan, iniiwan ako
Lagi naman akong and’yan para sa’yo
Ngunit bakit kinalimutan mo ako?
Bakit ba parang andali mo mang-iwan?
Dahil ba hindi naman ako kawalan?
Andami dami mo kasing kaibigan
‘di ka mawawalan ng pagpipilian
Alam ko namang di mo mababasa ‘to
Pero ang nais ko lang ay malaman mo
Wala nang mas sasakit sa pang iiwan
Ng pinakamatalik mong kaibigan.

No comments:

Post a Comment