Tuesday, August 9, 2016

Tsinelas Ni: Camille S. Bustamante

Tsinelas
Ni: Camille S. Bustamante
Proteksyon sa paglakad
Kahit sana nakakaladkad
Sa bagay na ito marami kang maaalala
Kabataan mong sobrang saya
Pagandahan ng tsinelas noong ako ay bata
Ginagamit lang naman sa pagbato ng lata
Kapag tatakbo ay sinusuot sa iyong palad
Para maiwasang mapudpod at ilalim ay matadtad
Sumisimbolo sa iyong masayang pagtanda
Gustong gusto kong ito'y naaalala
Sana maulit muli ang saya
Kasama ang akig nga kaibigan sa gitna ng kalsada
Sana maranasan parin ito ng mga bata
At hindi lang nakatutok sa larong pangteknolohiya
Sa sayang naidulot nito sa bawat isa
Walang kahit anong papantay na modernong teknolohiya.

No comments:

Post a Comment