Tuesday, August 9, 2016

Aking nakatatandang kapatid ni Francis Rafael M. Rosales

Aking nakatatandang kapatid 
ni Francis Rafael M. Rosales
Aking nakatatandang kapatid
Patawad sa aking pagkapasaway
Alam kong pagod ka sa iyong trabaho
Salamat sa pag aaruga sa amin
Aking nakatatandang kapatid
Salamat sa iyong suporta
Malaki ang naitutulong nito
Wag ka na mag alala aking kapatid
Aking nakatatandang kapatid
Salamat sa pagmamalaki mo sa akin
Ipinagmamalaki rin kita bilang kapatid
Masaya ako at ikaw ang aking kapatid
Aking nakatatandang kapatid
Malayo ka man sa aming tabi
Lagi ka naman nakasuporta
Salamat sa iyong pag aalala
Aking nakatatandang kapatid
Salamat sa iyong mga nagawa
Dahil sa iyo ako ay nakapag aral
Malaki ang aming pasasalamat

No comments:

Post a Comment