Tuesday, August 9, 2016

Inspirasyon ni: Lawrence Tomampo

Inspirasyon
ni: Lawrence Tomampo
Pinagtagpo ng tadhana sa hindi inaasahang pagkakataon
Imposible sa paningin ng iilan
Dahil pag-ibig ay bigla nalang umusbong
Parang isang bulaklak na humalimuyak sa umaga
Ang puso'y sadyang hindi madidiktahan ng sino man
Tunay ngang pag-ibig ay makapangyarihan
Ni hindi puwersado, at walang agam-agam
Kusang dumarating sa isang taong uhaw sa pagmamahal
Natuto sa isang pagkakamali,
Natutong gawin ang tama
Minsan nang nawarak ang isang pusong ligaw
Matapos yaon nagbago ang pagtingin sa mundo
Inspirado, hindi mababago
Hangga't ang sandigan ay matatag
Garantisado, malinaw pa sa sikat ng haring araw
Na ang pag-ibig ay isang inspirasyon

No comments:

Post a Comment